“Hindi porket ikaw ang Big Boss ay magagawa mo ang lahat. Ang hindi dapat ay hindi dapat.” Tinutukan ito ng baril. Napatingin ako kay Blake pero kalmado lang ito. Susugod na sana ako para humarang ng biglang tumayo si Daryl. “Tama na yan. Sa susunod na lang at siguradong magiging tama na ang sagot niya.” Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa sinabi nito, parang may ibig siyang sabihin. Tumunog ang cellphone nung lalaki. “Hello? Oo. Sige na bye.” “Pasalamat ka at may gagawin pa ako.” Umalis na sila agad naman kaming nag tago. “Sa tingin mo ba Daryl hahayaan ko ang sarili kong mamatay?” Inis na tanong ni Allison habang nakaupo. Lumapit sa kanya si Daryl. Si Duke naman lumabas na at tatawag ng doctor. “Kailangan mong magpagaling agad dahil ano mang oras maaar

