Tyronne's POV Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at sumalubong agad sa akin ang kakaibang kisame na kulay puti, hindi ko ito kwarto. Asan ako? Tinignan ko ang paligid at mabilis na nahagip ng mata ko si Blake na nakacross arm na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa akin. Pinilit kong umupo pero sumasakit ang tagiliran ko. Lumapit naman sa akin si Blake, wala itong kibo at naupo lang sa may upuan dun. “Anong nangyari?” Tanong ko. Sumasakit ang ulo ko. Parang binibiyak. Ang naalala ko lang bumagsak kaming dalawa ni Allison. Oo, gising ako nun pero namanhid ang buo kong katawan at walang lumalabas na salita sa bibig ko. Kitang-kita ko ang lahat. Buti na lang dumating sila Daryl at si Duke kasama ang mga tauhan nila. “Si Allison? Asaan siya? Ayos lang ba siya? Pupuntahan ko siya.” tata

