ALLISON'S POV Agad akong naupo sa sofa at tinanggal ang kapa ko na basang basa. Sobrang lakas kasi ng ulan kaya halos maggagabi na kami umuwi dahil may pinuntahan pa kami. “Tired?” Lumapit sa akin si Dylan at minasahe ang balikat ko. “Ang galing mo kanina Allison.” Nakangising sabi ni Duke sa amin. Kami-kami na lang ang nandito sa hide out at yung iba nasa kani-kanilang pwesto. Nagbabantay at yung iba nagpapahinga na. “Si Allison pa?” Napairap na lang ako. Napalingon ako ng bumukas ang pinto at nakita ko dun si Tim. Nilibot niya ang mata nito at biglang kumunot ang noo. “Master Allison asan si Tyronne?” Ako naman ang nangunot ang noo. Bakit sakin niya hinahanap? “Bakit sakin mo hinahanap? Diba nandito lang siya?” Nakaramdam ako ng kaba. “Po? Kapag alis niyo bigla na lang din si

