Third Person's POV Agad sinundan nila Terrence ang Big Boss kapag baba pa lamang nito ng stage. Biglang nawala sa paningin ni Terrence ang Big Boss ng madaanan nila ang kumpulang tao. Agad naman nakita ng isa niyang tauhan na pumapasok ang Big boss sa madilim na parte. Agad nilang sinundan at sa hindi kalayuan nakita nila ang nakatalikod na Big boss. Nakatigil na parang hinihintay sila. “Papatayin na rin kita nang wala ng sagabal sa plano ko.” Madiing sabi ni Terrence habang hawak ang kanyang katana na hinahanda para saksakin ang Big Boss. Nang tuluyan na itong mapalapit ay napatigil ito ng marinig ang hikbi. Hikbi ng pamilyar na babae. Agad niyang hinarap ang big boss at nakita si Venus na umiiyak. “Venus?” “Terrence?” Agad yumakap si Venus kay Terrence. “Bakit ganyan ang su

