Allison's POV Agad akong napahawak sa ulo ko. Ang sakit ng ulo ko. May hangover pa ako. Napalingon ako ng mag bukas ang pinto at nakita ko si Daryl na may dala-dalang tray at malaki ang ngiti sa akin. “Breakfast in bed.”Nakangiti nitong sabi at inilapag ang tray sa harap ko. Nakaupo ako sa kama. Hinalikan niya ako sa pisngi pero hindi ko siya pinansin. “Kumain ka na, may good news ako sayo.” Nagsimula na akong kumain. Nang matapos na ako agad niyang niligpit at bumalik dito na may malaking ngiti sa labi. “Kilala ko na kung sino ang pumatay sa Dad mo.” Agad akong napatayo. Kailangan na niyang mabura sa mundo dahil papatayin ko kung sino man ang pumatay kay Dad. Ang tagal kong naghintay. “Sino?” Seryoso kong tanong. “Si Eryn Davis.” May inilabas siyang picture. Kita ko ang pagpasok n

