Tyronne's POV Nandito ako sa hide-out nila Allison at buong araw lang akong nag-pa-practice. Gusto kong maging malakas din ako tulad ni Daryl saka ko babawiin kung ano ang akin. Umupo ako para magpahinga. Pinunasan ko ang pawis ko nang mapalingon ako sa labas ng pinto na nagtatakbuhan ang mga tauhan. Humahangos na tumungo dito si Tim. "Tyronne, nandito si Allison-" Agad akong napatayo ng marinig ko ang pangalan ni Allison. "Talaga?" Masaya kong sabi. Napawi lahat ng pagod ko ng marinig ko ang pangalan niya. "Oo. Pero kasama niya si Master Daryl." Agad napawi ang ngiti ko. Parang buntot ni Allison 'yang gagong yan, laging nakasunod. Lumabas nga ako at nakita ko ang tauhan nilang umaayos ng pwesto nila. May red carpet pa sa gitna. Bakit ang engrande ng entrance nang dalawang yun? Kung

