Chapter 43 Lisa’s Pov NAGLALAKAD ako habang nakatingin sa paligid. Palapit ako ng palapit sa isang room na kulay puti ang pintura. Hindi ko alam kong tama ba ang ginagawa ko pero bahala na ‘to. Alam ko naman na hindi ako pababayaan ng asawa ko. Nang makarating ako ay napansin ko na may nakaupo sa gilid. Tinitigan ko ito ng mabuti at napansin ko ang kapatid ko. “Dodoy..” tawag ko sa nakakabata kong kapatid. Agad akong tumakbo papunta sa kanya at agad na niyakap ang kapatid ko. Wala siyang malay at hindi ko alam kung anong sinapit ng kapatid ko. Totoo pala talagang hawak ni Han ang pamilya ko. Piste talaga siya! Tinapik ko ng mahina ang pisngi ng kapatid ko upang magising siya. Ilang sandali lang ay dahan-dahan siyang dumilat. “Dodoy..” tawag ko sa kanya at naiiyak ako. “A-Ate..” nauu

