Chapter 42 Kevin’s Pov PASIPOL SIPOL si Jacob na nasa driver seat habang ako naman ay nasa passenger seat. Panay ang matyag ko at baka mapano ang asawa kong si Lisa na nakikipag deal sa demonyong si Angus. Naghihintay lang ako ng senyas niya upang sumugod. Nasa itaas naman ng building kung saan nakaharap sa lugar kung saan magkikita sila ni Lisa at Angus. Nakahanda na ang sniper niya kung sakali man na may gawin si Angus sa asawa ko. Kasama niya si Keanu at Rufus. Si Granite naman ay nasa paligid lang din. Nag aabang at baka magkagulo. Hindi ko sila masyadong kilala pero natutuwa ako na tinutulungan nila ako sa problema ko. Si Honey talaga ang dahilan ng pagtulong nila kaya kahit may saltik si Honey ay pasasalamatan ko yun. “Mukhang kaya naman yata ng asawa mo si Angus Murray eh

