Chapter 41 Lisa’s Pov TULAD ng napag usapan namin ay magkukunwari akong aligaga habang nakasakay sa taxi. Kailangan kong mag drama upang hindi maramdaman ni Han na alam ng asawa ko. Kailangan kong palabasin na ako lang ang pumunta at hindi ako humingi ng tulong sa kanya. Kasama ko ang kaibigan ni Honey na ang pangalan ay Granite. Mabuti na nga lang at hindi weird ang pangalan niya. Akala ko kasi katulad kay Honey na may baliw na pangalan. Nasa loob lang ako ng taxi ni Granite habang ang asawa ko ay nakasunod ang sasakyan. Kasama niya si Jacob the baliw policeman. Hindi ko talaga alam kung may maitutulong ba siya sa asawa ko. May sayad kasi siya kaya humanda siya sa ‘kin kapag may nangyaring masama sa asawa ko. “Kuya..” tawag ko sa kaibigan ni Honey. Ang tahimik kasi niya habang nagm

