Chapter 8 Lisa’s Pov MASAMA kong tinignan si Kevin ng maiuwi niya ako sa bahay pagkatapos kong magpagod kakatakbo sa gubat. Hindi ako makapaniwala na nasayang lang ang plano at energy ko dahil nahuli parin niya ako. “Alam mo bang nakakabwisit ka!” Inis kong sigaw sa lalaki. “Alam ko! Ilang beses mo na kasing sinabi sa ‘kin habang papauwi tayo dito.” Sabi niya saka niya ako hinila papunta sa kwarto. “Ano ba! Bitawan mo nga akong hayop ka! Wag na wag mo akong hahawakan gamit ang kamay mo!” Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya. Dinala niya ako sa kwarto at agad na tinulak papunta sa kama. Napahiga na lang ako at hinawakan ni Kevin ang isa kong paa saka ko naramdaman na nilagyan niyang muli ng kadena ang paa ko. “No! Wag mong gagawin yan, Kevin! Sisipain ko talaga

