Chapter 7

1802 Words
Chapter 7 Lisa’s Pov PATULOY ang pag iwas ko kay Kevin sa takot ko na baka maulit na naman ang katangahan na ginawa ko. Kung dati ay sinusungitan ko siya ngayon ay silent treatment na siya ngayon. Ayaw ko siyang kausapin at kung maaari pa ay hindi ko siya maamoy. Bwisit siya! Simula ng mangyari sa’min ulit yun ay palagi ko nalang napapanaginipan. Minsan kapag nagigising ako ay basa na ang panty ko dahil sa panaginip ko na umuulos daw sa loob ko si Kevin. Napapasabunot na lang ako sa buhok ko kay Kevin. Gusto ko ng makatakas dito kaya ngayong araw na ‘to ay pinaplano kong tumakas. Bahala na kung saan ako mapadpad sa kagubatan na ‘to basta ang mahalaga sa ‘kin ay makalayo ako kay Kevin. Ayaw ko na dito, kapag hindi pa ako nakahanap ng paraan para makatakas dito ay ako ang kawawa. Hindi maganda ang kutob ko dito lalo na’t katawan ko ay ang bilis bumigay dahil lang sa haplos ni Kevin. Inaamin ko na nilabasan talaga ako nong gabing yun kaya humupa ang libog ko sa katawan at naitulak ko pa siya. Pinagsisisihan ko talaga na tumango ako nong gabing yun. Kung makakaharap ko siguro ang fiance ko ay mahihiya ako sa mga pinag gagawa ko. Nakakahiya talaga at pakiramdam ko ay niloloko ko si Han. Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko na talaga. Gusto kong makaalis dito upang hindi na ako matukso pa ni Kevin. Kailangan kong iligtas ang sarili ko sa mapang akit na pulis na yun. Kanina ay naglalakad ako sa paligid n bahay. Wala namang magagawa si Kevin kung lalabas ako ng bahay. Akala yata niya ay hindi na ako gagawa ng paraan para makatakas sa bwisit na bahay na ‘to. Walang kuryente at wala man lang cellphone. Ang tanging magagawa ko na lang ay tumunganga na lamang. Mabuti na nga lang at walang lamok dito dahil kung hindi ay masasabunutan ko talaga si Kevin. Naghanap ako kanina ng madadanan ko kaya naglagay na ako ng palatandaan. May nilagay akong kawayan para alam ko kung saan ako tatakbo. Handa na akong maligaw sa gubat na ‘to. Kailangan kong makipag sapalaran ang sarili ko lalo na’t madilim. Natatakot ako pero kaya ko ‘to. Mas nakakatakot kapag nandito pa ako sa lugar na ‘to. Dumating ang gabi at wala parin akong imik kay Kevin. Hindi ako sumabay sa kanya kumain. Ako ang unang kumain habang siya naman ay nasa sala. Nakaupo sa kawayan na upuan na kapag minalas ay sumasabit ang short kaya napupunit. Natapos na akong kumain kaya tumayo ako upang hugasan ang pinagkainan ko. Naghugas ako ng plato at nagmamadali na ako upang makabalik na ako sa kwarto. “Ako na ang maghuhugas dyan, Lisa.” Sabi ni Kevin na bigla nalang sumulpot sa likod ko. Hindi ko siya nilingon ngunit pinakiramdaman ko lang ang galaw niya. “Silent treatment ang ginagawa mo sa ‘kin. Mas mabuti pang tarayan mo na lang ako kaysa sa ganyan ang gagawin mo sa ‘kin, Lisa.” Sabi niya kaya lihim akong napangisi. May epekto pala sa kanya ang ginagawa ko. Buti nga! Ang sakit na ng lalamunan ko kakasigaw kaya silent na muna ako. “Lisa..” tawag na naman niya sa ‘kin. Hindi na nakuntento at hinawakan pa talaga ang balikat ko. Natigil ako sa ginagawa ko at agad siyang nilingon. “Bitawan mo nga balikat ko!” Walang emosyon kong sabi. “Let’s talk, Lisa.” Aniya at halatang may lungkot sa mata niya. “Ano namang pag uusapan natin? Wala naman diba?” Tanong ko sa kanya. “Meron, Lisa. Marami tayong dapat pag usapan lalo na’t may nangyari na naman satin dala—” “Kalimutan mo na yun. Hindi naman big deal sa ‘kin yun. Hello! Uso yan sa ibang bansa. Yung iba nga isang oras lang magkakilala at nag chukchakan na agad. Kaya wala tayong dapat pag usapan pa dahil wala lang yun sa ‘kin. Isang basurang alaala lang yun para sa ‘kin, Kevin.” Saad ko upang ipamukha sa kanya na wala lang sa ‘kin ang nangyari sa’min. Akala yata niya mababaliw na naman ako matapos may mangyari sa’min dalawa. “Kalimutan?” Tanong niya na para bang hindi makapaniwala. “Yes! Basura naman ang alaala na yun. Hindi siya kasama sa magagandang alaala ko kasama ang fiance ko.” Nakangisi kong sabi kay Kevin. “Isa ka kasing bangungot sa buhay ko.” Dagdag kong sabi at nilagpasan ko siya at tinungo ko ang kwarto. Bahala siya kung masaktan man sa sinabi ko. Totoo naman talaga na basura ang alaala namin dalawa. Walang naging maganda. Pumasok ako sa kwarto at nagkulong ako. Siniguro kong naka lock upang hindi niya makita ang gagawin kong pagtakas. May bintana kasi ang kwarto na ‘to. Tingin ko naman ay kakasya ako kaya naisipan kong dito na lang dumaan. Hindi din naman kasi ako makakadaan kung sa sala ako dadaan. Doon kasi natutulog si Kevin kaya mahuhuli pa rin niya ako. Malamang ay hindi pa siya natutulog no’n. Hihintayin ko pang lumalalim ang gabi saka ko gagawin ang plano ko. Wala ng atrasan ‘to. Humiga na ako sa kama at ipinikit ko agad ang mga mata ko. Hindi pa naman ako inaantok pero nagkukunwarian lang ako. Baka kasi sumilip si Kevin lalo na’t ang dali-dali lang buksan ng pinto. Gawa sa kawayan din kasi kaya may chance na masilip niya ako kung anong ginagawa ko na sa loob ng kwarto. Habang nakahiga ako ay naririnig ko ang paghuhugas niya ng plato. Mukhang katatapos lang niyang kumain. Sana lang ay maaga siyang matulog para matulog na din siya. Narinig ko din ang yapak ni Kevin at napansin kong huminto ito sa tapat ng pinto. Nagpikit pikitan ako ay siniguro ko na hindi niya ako mahahalata. Kahit anong mangyari ay hindi ko siya nilingon. Pinalipas ko lang ang mga oras. Gagawin ko ba ang binabalak ko lalo na’t naririnig ko ang mahinang hilik ni Kevin. Ito na ang pagkakataon kong makatakas sa abnormal na ‘to. Huminga ako ng malalim na hininga at ilang sandali pa ay bumangon ako ng dahan-dahan sa kama. Pigil ko na ang hininga ko kahit hindi naman sana kailangan. Pero pakiramdam ko kasi ay kailangan kong pigilan upang hindi niya marinig ang paghinga ko. Lumapit ako sa bintana at ang lakas ng kabog ng puso ko habang ginagawa ko 'to. Takot na takot ako sa pwedeng mangyari sa 'kin at kapag nakatakas ba ako ay mahahanap ko ba agad ang kalsada para makahanap ng sasakyan na maghahatid sa 'kin sa Manila. Dahan-dahan kong binuksan ang bintana at ng mabuksan ko ay dali-dali akong sumampa sa bintana. Kahit maliit na kaluslos ko ay ayaw kong gawin ay baka marinig ni Kevin. Nang napansin kong tahimik sa sala at naririnig ko parin ang hilik ni Kevin ay agad akong bumaba upang nakapunta ako sa labas. Ang laki ng ngisi ko dahil nakalabas ako ng bahay. Ang saya dahil sa wakas ay makakalaya na ako kay Kevin at makakabalik na ako sa piling ni Han. Isusumbong ko talaga si Kevin sa pandurukot niya sa 'kin. Sisiguraduhin ko na mabubugbog siya ng fiance ko. Ang lakas ng loob niyang kidnapin ako para lang landiin ako. Ayos din ang plano ni Kevin. Pero pasensyahan na lang kaming dalawa dahil mas magaling pa ako sa kanya. Nang makalabas ako ay dahan-dahan kong isinara ang bintana. Tumingin pa ako sa lupa kung saan ko ibinaon ang kahoy kanina. Nahanap ko naman agad yun at napangiti. Makakatakas na din ako dito. Hindi ko na talaga makikita ang mukha ni Kevin. Wala akong sapin sa paa at wala akong ilaw. Ang tanging liwanag ko lang ay nagmumula sa full moon. Nagsimula na akong tumakbo upang makalayo na sa bahay na 'to. Puro takbo lang ang ginagawa ko habang panay ang tingin ko sa paligid. Pinipigilan ko lang na lumingon sa medyo madilim na parte ng gubat at baka may makita akong hindi kanais nais. Takbo lang ang ginagawa ko at wala ng pakialam kung saan ako lumusot lusot. Totoo pala talaga ang sinabi ni Kevin na nasa gubat talaga kami. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta. Pero pinagpatuloy ko parin ang pagtakbo ko at umaasa ako na baka mahanap ko ang daan papunta sa kalsada at may makita ako na dumadaan na sasakyan. Ayaw kong mawalan ng pag asa. Iniisip ko na lang si Han para lumakas ang loob ko. Ngunit napahinto ako dahil hiningal na ako kakatakbo pero nasa gubat parin ako. Gaano ba kasi kalaki ang gubat na 'to at kahit anong gawin kong takbo ay hindi ko mahanap ang daan. Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil natatakot na ako. Ang dilim at tanging maririnig ko lang ay mga insekto at mahinang hangin na nakakatayo ng balahibo. Natatakot na ako at naisip na mali yata ang desisyon ko na tumakas ng gabi. Pero kung sa umaga naman ako tumakas ay malamang mahahanap ako ni Kevin kahit pa makalabas ako ng bahay niya. Gusto ko ng bumalik sa bahay ni Kevin at naiiyak na ako sa takot. Atras ako ng atras dahil ayaw ko ng tumakbo sa gubat na madilim na madilim at hindi natatamaan ng liwanag ng buwan. Atras ako ng atras hanggang sa may natapakan yata akong paa kaya nanlaki ang mata ko at agad na napalakad pa abante at humarap sa natapakan ko. Laking gulat ko ng makita ko ang taong walang ulo. "Ahhhh!!" Sigaw ko at halos manginig ang mga tuhod ko sa takot. Maiihi yata ako sa salawal ko at aatakehin ako sa puso. Dapat pala hindi na talaga ako umalis. Mangiyak ngiyak na ako sa takot at para na akong hihimatayin. Ngunit narinig ko ang tawa ng lalaki at agad akong natigilan ng tanggalin niya ang damit ng walang ulong lalaki at nakita ko si Kevin. "Gotcha! Ano? natakot ka no?" Sabi pa niya kaya mas lalo akong naiyak. Bwisit siya! muntik na akong atakehin sa costume niya. Pinaghandaan yata niya ang pagtakas ko. Alam na alam niya dahil may pa costume pa talaga siya. Nang makabawi ako sa pagkagulat at pinalo palo ko si Kevin at mimura mura. Pero parang wala lang sa kanya yun. Sino ba namang hindi matatakot kon ang costume niya ay pugot ulo. May kasama pa talaga siyang props na ulo kaya mukha talagang totoo. Bigla akong na stress sa pangtitrip ni Kevin na halos naihi pa ako sa takot. Sa kasamaang palad pa ay nahuli niya ako at binuhat na parang sako ng bigas. Nasayang lang ang effort ko kanina. Kung hindi lang ako natakot sa madilim na gubat at nagpatuloy sana ako ay baka ngayon ay nakatakas na ako. Kainis talaga 'tong Kevin na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD