Chapter 45 Kevin’s Pov HINDI ko na napigilan ang sarili ko at agad ko ng binuksan ang pintuan ng passenger seat. Ngunit pinigilan na naman ako ni Jacob. Masam ko siyang tinignan dahil pinapakialaman niya ang desisyon ko sa buhay. “Bakit mo ba ako pinipigilan?” Tanong ko kay Jacob sa galit na boses. “Hindi ka na naman kasi nag iisip ng tama. Kapag ginawa mo yan ay maging ang pamilya ni Lisa ay mapapahamak. Makinig ka sa ‘kin, alam ko ugali ni Angus. Naging kaibigan ko pa siya bago siya nangarap na maging isang mayamang tao. Hindi yan siya magdadalawang isip na patayin ang asawa mo kapag sumugod tayo para tabla ang laban.” Aniya saka binitawan ang braso ko na hinawakan niya dahil hinihila niya ako upang pigilan. “Anong magiging plano natin? Hindi pwedeng nandito lang tayo at nakaupo

