Chapter 46 Lisa’s Pov NAHILA ako ng dalawang tauhan ni Han at iniwan ang dalawa kong kapatid. Itinali pa ang mga kamay ko sa likod upang hindi ako makapalag. Sa isip ko ay mas okay na din siguro na makuha ako ni Han upang masundan ako ni Kevin kung saan nila ako dadalhin. Mas gugustuhin ko pa kasing ako ang maging bihag kaysa sa madamay ang pamilya ko. Hindi ko kakayanin na marinig ang iyak nila kung sakali na barilin sila ng mga tauhan ni Han. Kay Dodoy pa nga lang ay nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa takot ko. Ayaw ko siyang mapahamak pero wala naman akong magagawa, hindi ko naman kayang makipaglaban ng sabayan sa mga lalaking ito. Ang tanging magagawa ko lang ay ang makipag tarayan pero hindi naman kasi ako uubra dito. Panay ang luha ko dahil hindi mawala sa isipan ko an

