Chapter 2
Lisa’s Pov
DUMATING ang kinakatakutan ko na bumalik kami ng Pilipinas. Nakatanggap kasi ng tawag ang kaibigan kong si Rizza na naakisdente daw ang kuya niyang si Sid kaya nagulat kaming dalawa.
Halos nag iiyak ang kaibigan ko dahil punong puno ng pagsisisi na hindi siya umuwi nong pinipilit siyang umuwi ni sir Sid. Hindi ko siya mapatahan nong araw na umiiyak siya.
Sakto naman na nasa Pilipinas ang asawa ni Rizza at ang anak niya. Sumama daw sa parents ni Aeron upang magbakasyon. Hindi talaga sumaka si Rizza at nanatili kami sa New York.
Pero dahil sa nabalitaan niya ang nangyari sa kuya niya ay kaagad kaming umuwi ng Pilipinas noong nakaraang araw.
Sumama ako dahil nag aalala ako sa kaibigan ko. Baka wala siya sa sarili sa kaba niya kaya kailangan ko talagang sumama. Wala akong choince kundi ang samahan siya para masiguro ko din naman ang kaligtasan niya.
Alam kong ayaw umuwi ni Rizza sa Pilipinas at maging ako ay ayaw ko din naman. Pero aksidente ang nangyari at kailangan siya ng kuya Sid niya ay kailangan talaga niyang umuwi. Anim na taon na din kasi ang nakalipas. May kinakatakutan kasi si Rizza na baka makita niya sa kanyang pagbabalik. Ayaw niyang makita ang ex niyang si Deimos. Ayaw na niyang makausap ang lalaki.
Kaya nga ayaw umuwi ni Rizza sa Pilipinas dahil masaya na daw siya sa buhay niya. Masaya na daw siya sa piling ni Aeron. Pero alam kong hindi siya masaya sa buhay niya. Alam ko naman kasi na mahal parin niya ang ex niyang si Deimos. Kung ang iba ay maloloko niya, ako hindi dahil matagal na niya akong kaibigan.
Mabuti pa ako dahil naka move on na sa lalaking pinaasa lang ako at akala ko ay magugustuhan ako. Hindi naman pala at talagang nagsisisi ako na siya ang nakakuha ng pagka birhen ko. Ano pa nga bang alam ko sa buhay no’n eh 17 years old pa lang naman ako no’n. Wala pa sa tamang pag iisip dahil na din sa crush na crush ko ang lalaking yun. Siguro ay may asawa na ngayon ang hayop na yun. Sana talaga ay hindi sila maging masaya sa buhay nila. Wala kasi siyang karapatan maging masaya matapos niyang gawin yun sa ‘kin. Oo, naka move on na ako sa kanya, pero ang mga sinabi niya ay nakatatak parin sa isipan ko.
Masaya naman ako sa buhay ko ngayon. May fiance ako na napaka lambing at alam kong mahal na mahal ako. Ang bait pa niya kaya talagang masaya ako na nahanap ko din ang lalaking para sa ‘kin. Yung alam ko na hindi ako sasaktan at mamahalin talaga niya ako ng buong-buo. Hindi nga ako makapaniwala na nagustuhan ako ni Han eh. Kaya hindi ko na talaga pakakawalan pa ang fiance ko.
Masaya naman si Rizza para sa ‘kin dahil nakikita naman daw niya na mahal ako ng boyfriend ko. Todo support talaga siya. Sino pa naman kasi ang magkakaintindihan kundi kami naman talagang dalawa.
Tama lang din talaga na sumama ako kay Rizza sa ibang bansa. Baka hanggang ngayon ay baliw pa rin ako sa hayop na lalaking yun. Ngayon ay wala na talaga akong nararamdaman sa lalaking yun kahit isa man lang. Sana nga hindi na mag krus ang landas namin no’n. Baka nga may asawa na yun eh. Dapat lang din sa kanya yun dahil mukha naman siyang playboy. Malamang marami na siyang natira na babae. Hindi katulad sa mahal ko na ang bait-bait at walang bisyo sa buhay kaya hindi babaero.
Namiss ko tuloy ang mahal ko. Ang hirap pala kapag malayo sa taong mahal na mahal mo. Gusto ko na siyang mayakap at makasama pero kaya ko pa naman tiisin. Mabuti nga at pumayag siya na samahan ko si Rizza. Ang bait talaga niya at pinapahalagahan talaga niya ang mga taong mahalaga sa ‘kin.
Kung ako lang kasi ang masusunod ay ayaw ko talagang umuwi. Pero hindi naman pwede dahil kaibigan ko si Rizza. Kailangan ko siyang damayan kahit ano pa ang mangyari.
Pero okay na din na nakauiw ako dahil nadalaw ko ang nanay at mga kapatid ko. Dinalaw ko kasi sila kahapon at masaya ang nanay ko na makita nila ako. Natutuwa naman din ako dahil nakikita kong unti-unti ng naayos ang bahay namin na dati ay isang perma nalang ng langaw ay babagsak na.
Pagkatapos ko nga silang bisitahin kahapon ay ginala ko sila sa mall. Alam naman ng fiance ko at balak pa sana niyang magpadala ng pera. Pinigilan ko dahil may pera naman ako at hindi ko na kailangan pa manghingi sa kanya.
Ngayon naman ay nasa hospital ako. Kasama ko si ate Macy na binabantayan ang asawa niya. Hinihintay kasi namin na dumating si Rizza. Sabi kasi niya ay papunta na siya sa hospital. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Nakakapagtaka tuloy at medyo kinakabahan ako na wala pa siya. Ewan ko ba.
Nag tipa ako ng message para kay Rizza at sinend agad yun. Naghintay ako ng limang minuto kung mag re-reply ba siya. Pero hindi talaga siya nag reply. Kaya naisipan ko na lang muna na tumayo mula sa kinauupuan ko at dahan-dahan ang kilos ko at baka magising ko din si ate Macy na masarap ang tulog.
Lumabas ako ng hospital room at naisipan kong sa labas ko na lang hintayin si Rizza. Gusto ko na din kasi kumain dahil nagugutom na din ako. Gusto ko ng magkape. Coffee is life ako kaya gusto ko ng dumating si Rizza para naman makapag kape ako ng matiwasay. Panay ang text ko pero wala parin talaga syang reply.
Nag chat pa sa ‘kin ang fiance ko at kinakamusta niya ako kaya nag reply ako agad at sinend ko sa kanya. Namiss ko na tuloy ang future husband ko.
Nakarating ako sa labas ng hospital at panay ang tingin ko sa paligid at baka sakaling makita ko si Rizza. Wala pa rin talaga ang babaeng yun. Nasa’n na kaya ang baliw na yun. Hindi din kasi nagreply. Kaloka talaga yung kaibigan ko.
Sinubukan ko na lang tawagan ang phone number niya at baka sakaling sumagot ang kaibigan ko. Pero kumunot ang noo ko dahil hindi makontak ang number niya. “Anong nangyari sa babaeng yun? Bakit hindi sumasagot.” Tanong ko pa sa sarili ko habang nakakunot pa rin ang noo.
Sinubukan ko ulit tawagan ang kaibigan ko ngunit ganun parin, hindi matawagan ang phone number niya. Nag aalala na tuloy ako sa kanya. Baka kasi napano na siya. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay kuya Sid na wala pa ang kapatid niya at hindi makontak. Sasabunutan ko talaga ang Rizza na yun kapag nakita ko siya. Pinag aalala niya ako ng husto.
Naisipan ko na lang talaga na bumalik sa hospital room ni kuya Sid. Ngunit sa pagharap ko sa hospital ay nagulat ako na may taong nakatayo pala sa likuran ko at sobrang lapit pa niya sa ‘kin.
Matangkad siya kaya kinailangan ko pang tumingala para lang makita ang mukha niya. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ang nasa kaharap ko. “K-Kevin..” sambit ko sa pangalan niya.
“Mabuti naman at kilala mo pa ang pangalan ko, Lisa.” Sabi niya. Naka angat ang isang sulok ng labi niya at halatang may masamang binabalak. Nakasuot pa siya ng hoodie jacket kaya mas lalo akong kinilabutan sa kanya.
“U-Umalis ka nga sa harapan ko!” Nauutal ko pang sabi dahil kinakabahan talaga ako sa kanya. Pakiramdam ko ay may masamang binabalak ang lalaking ‘to. Ang creepy talaga ng porma niya.
“Hinahanap mo ba si Rizza?” Tanong niya sa ‘kin kaya kumunot ang noo ko.
“Paano mo nalaman? Alam mo ba kung nasa’n si Rizza?” Tanong ko sa kanya kahit pa nga ayaw ko siyang makausap. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya agad at dito pa talaga sa hospital. Akala ko pa naman ay hindi na mag ku-krus ang landas namin dalawa.
“Oo naman. Alam ko kung nasa’n siya. Nasa kotse ko siya. Inutusan niya ako na sabihin ko daw sayo na puntahan mo daw siya dahil may mga dala siyang pagkain.” Sagot ni Kevin. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi. Totoo naman kaya ang sinasabi niya? Bigla kasi sumeryoso ang mukha nya.
“Sumunod ka sa ‘kin. Kanina pa naiinip si Rizza sayo.” Sabi niya saka siya naunang naglakad. Napasunod naman ako ng tingin kay Kevin. Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya ulit. Ang nakakainis pa ay mas lalo siyang naging gwapo at yummy. Hindi ba pwedeng pumangit siya para hindi na ako magwapuhan sa kanya. Kainis naman talaga eh!
Wala na akong nagawa kundi ang sundan si Kevin. Baka nga nagsasabi ng totoo ang lalaking yun.
Nakita kong nasa pinaka dulo siya nag park. Nagtaka ako dahil wala naman akong nakitang Rizza. “Sabi mo kasama mo ang kaibigan ko?” Tanong ko dahil nakakapagtaka na hindi man lang bukas ang pinto ng backseat. May kakaiba talaga dito.
Binuksan naman ni Kevin ang pintuan at sumenyas sa ‘kin na para bang pinapasilip niya ako sa loob ng sasakyan. Napabuga ako ng hangin at hindi alam kung anong gagawin ko kung susunod ba ako o hindi.
Masama ang kutob ko kaya umiling ako kay Kevin. “Wag na! Hihintayin ko na lang ang kaibigan ko sa entrance.” Sabi ko at tinalikuran ang lalaking hindi ko inaasahan na makikita kong muli. Kasasabi ko lang na sana ay hindi magkrus ang landas namin dalawa pero heto siya sa harapan ko. Bwisit! Hindi pa nakakatulong na ang lakas ng t***k ng puso ko.
Pero napatigil ako sa paglalakad ng biglang hawakan ni Kevin ang kamay ko at pinaharap sa kanya. “Ano ba!” Sigaw ko pa ng makaharap ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng hilain ako ni Kevin papasok ng sasakyan niya. “Hoy! Ano ‘to? Bitawan mo nga ako!!” Pagpupumiglas ko pa sa bwisit na ‘to!
Ngunit mas malakas si Kevin sa ‘kin kaya talagang nahila niya ako papasok ng sasakyan. Nagsisisigaw ako ngunit nagulat ako ng biglang may inilagay si Kevin sa bibig ko at ilong. Nanlaki ang mata ko dahil may kakaibang amoy. s**t! May gamot ang panyo.
Sinubukan ko pang kalmutin si Kevin at baka sakaling makatakas pa ako. Ngunit hindi man lang siya nasaktan at mas lalo lang akong nahilo sa panyo na nasa ilong at bibig ko. Unti-unti ay nanghihina ang katawan ko at nakakaramdam na ako ng hilo. Nag aalala ako at baka may masamang mangyari sa ‘kin sa kamay ni Kevin.
Pinipilit kong labanan ang nararamdaman kong antok ngunit hindi ko talaga magawa. Namimigat na ang talukap ng mata ko hanggang sa tuluyan akong kainin ng dilim.