Chapter 1

1821 Words
Chapter 1 Lisa’s Pov NAKATITIG ako sa mga dumadaan habang nakaupo ako dito sa loob ng restaurant na pagmamay ari ng kaibigan kong si Rizza. Simula ng dumating kami dito ay wala na kaming ginawa ni Rizza kundi ang magsikap. Napalayo ako sa pamilya ko pero hindi naman ako nagsisi na sumama ako sa kaibigan ko. Masaya ako na nandito na ako sa New York at nakapagtapos ng pag aaral. Tama lang ang ginawa kong sumama sa kanya dahil gumanda na kahit papano ang buhay ko ay nakakapag padala ako ng pera sa kanila. 23 years old na ako ngayon at assistant parin ako ni Rizza. May sarili na siyang restaurant at masaya ako na naabot niya ang pangarap niya. May plano din naman akong mag negosyo pero hindi ko pa alam kung kakayanin ko ba. Natatakot kasi ako sumugal at baka hindi ko pa kaya. Kaya sa ngayon ay nandito parin ako sa pagiging assistant ni Rizza. Nangako kasi ako na hindi ako aalis sa tabi niya. Sa anim na taon na nandito ako sa New York ay nasanay na din ako makihalubilo sa mga tao dito. Marami na din akong nakilala at isa na do’n si Van Hanzel Ventura. Pilipino na siya na dito na nakatira sa New York dahil ang sabi niya ay ang mama niya ay nakapag asawa daw ng taga New York. May business din si Han na perfume at palagi niya ako nire-regaluhan. Mabait na tao si Han at ang swerte ko dahil siya ang naging boyfriend ko. Three years na din ang relasyon namin at ang malapit na kaming ikasal. Nag propose siya sa ‘kin last month at hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ang alok niya. Wala na akong hahanapin pa kay Han. Mabait, gwapo, mapagmahal, at maka-diyos. Sino bang hindi tatanggapin ang alok niya. Nang magpropose si Han sa ‘kin ay talagang tuwang-tuwa si Rizza. Sa wakas daw ay mag aasawa na daw ako. Pero minsan may topak din yung kaibigan kong yun dahil biglang sasabihin na masyado pa daw akong bata para mag asawa at marami pa daw akong magagawa sa buhay ko. Mas matanda kasi sa ‘kin si Rizza ng tatlong taon pero hindi ako nag a-ate sa kanya. Hindi ko din siya tinatawag na ma’am dahil na din sa kagustuhan niya. Siya na ang naging kaibigan ko at matatawag kong bestfriend. Kahit nga may asawa na siya at anak ay kasama pa din niya ako sa bahay. Pero marunong din naman ako mahiya kaya ako na ang nagpumilit na bumukod at sa isang condo unit ngunit malapit lang sa bahay nila Rizza. Nahihiya din kasi ako kay Aeron na nando'n parin ako sa bahay nila kahit pa nga sabihin na ayos lang na do’n ako tumira. Ginawa ko din yun para mabigyan sila ng oras mag asawa. Dadalaw dalaw nalang ang ginagawa ko upang hindi ako mamimiss ng inaanak ko. Si Aeron ang naging asawa ni Rizza pero hindi siya ang ama ng anak ni Rizza na si Denzel. Anak siya ni Rizza at ex niyang si Deimos na iniwan niya six years ago kasama ako. Kahit papano ay masaya na din ako dahil may daddy na si Denzel kahit papano. Alam ko kasing naka move on na ang kaibigan kong si Rizza sa lalaki. Kahit ako din ay naka move on na ako sa hayop na lalaking yun. Sa sobrang pag m-move on ko nga ay sa t’wing naalala ko na siya ang nakauna sa ‘kin ay nasusuka ako. Ayaw ko din na binabanggit ang pangalan ng hayop na yun. Siya ang dahilan kung bakit gusto kong umalis ng Pilipinas. Akala ko dati ay hindi na ako makakaalis sa Pilipinas at makakapag move on sa nangyari. Hulog talaga ng langit si sir Sid sa ‘kin dahil siya ang dahilan kung bakit ako nakasama sa New York at pinagkatiwalaan niya ako na bantayan ang kapatid niyang si Rizza. Panay nga lang ang tawag ni sir Sid at utos sa ‘kin na kumbinsihin ko daw si Rizza na umuwi ng Pilipinas dahil matagal na din kasi na hindi na kami umuuwi ng Pilipinas. Ngunit ayaw naman ni Rizza na siyang gusto ko din. Ayaw ko ng bumalik pa ng Pilipinas at baka makita ko pa ang hayop na yun. Siguro ngayon ay may asawa na siya. Sana lang ay hindi siya maging masaya sa buhay tulad ng sumpa ko sa kanya. Tumingin ako sa glass door ng restaurant ng makita ko ang fiance kong si Han. Agad akong napangiti at kumaway sa kanya. “Hi, love!” Bati ko sa kanya. Ngumiti naman siya pabalik sa ‘kin at naglakad papunta sa table kung saan ako naka pwesto. Nang makalapit siya ay umuklo siya ng bahadya at pinatakan ng halik ang tuktok ng ulo ko. “Kanina ka pa ba, love? I’m sorry if I'm late.” Panghihingi niya ng sorry. “It’s okay, love. Alam kong busy ka lalo na’t magbubukas ka ng bagong shop.” I said while smiling. Magsasalita pa sana si Han ng biglang sumulpot ang kaibigan kong si Rizza. “Hi, Han!” Bati ng kaibigan ko sa aking fiance. Yumukod naman si Han at ngumiti siya kay Rizza. “How are you? Mukhabg mas lalo kang gumaganda.” Sabi ni Han sa kaibigan ko. “Maalaga kasi ang asawa niya, love. Parang ikaw..” sabat ko kaya natawa ng mahina si Rizza. “Sus.. yung fiance mo talaga, masyadong bolero.” Sabi ng kaibigan ko. “O, siya.. alam kong may date kayong dalawa. Sige na, umalis na kayo at mag enjoy.” Pagpapaalis ni Rizza sa’min. Ngumiti ako at nakipag beso-beso sa kaibigan ko. Kanina pa kasi ako nakapag paalam sa kanya na may date kami ni Han. Naging magkaibigan nalang din si Rizza at ang fiance ko. Kami na nga lang palagi ang magkakasama lalo na kapag naiisipan namin mag double date. Lumabas kami ni Han na magkahawak kamay. Gusto niya kasi akong dalhin sa mall dahil nando’n ang shop ng gusto niyang gagawa ng gown ko. Magsusukat na kami dahil plano namin next year ang kasal. October na ngayon kaya pinaghahandaan na namin lalo na’t ang napili naming month ay June. Excited na akong maging Mrs. Ventura. Kung pwede nga lang bumilis ang takbo ng panahon upang maikasal na ako. Alam naman ng nanay ko na ikakasal na ako. Excited na din sila pero yun nga lang hindi daw sila makakadalo. Kaya plano ko sanang magpakasal kami ulit ni Han sa Pilipinas upang makadalo naman ang nanay at mga kapatid ko. Wala na si tatay dahil namatay na daw ito sabi ni nanay. Hindi ako nalungkot dahil sakit siya sa ulo ni nanay dati pa. Lasinggo at sugarol ang tatay ko at inis na inis ako dahil ang pera na kinikita ng nanay ko sa paglalabada ay kinukuha pa niya para lang ipangbili ng alak. Kapag lumalaban si nanay ay sinasaktan pa niya ito. Kaya nong mawala si tatay ay nagpadala ako ng pera para hindi na mamroblema si nanay sa pagpapalibing pero hindi ako umiyak. Nakarating kami ni Han sa kotse niya na nakaparada. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ng passenger seat kaya pumasok ako. Ang swerte ko talaga sa mapapangasawa ko. Isinara lang niya ang pinto saka siya umikot papunta sa driver seat. Habang hinihintay ko si Han na makapasok sa kotse ay nilingon ko na muna ang backseat. Napasin ko kasi na may tatlong box doon. Baka sa negosyo niya kaya hindi ko na pinansin pa lalo na’t bumukas ang pintuan ng driver seat. Pumasok si Han at agad na binuhay ang makina ng sasakyan. “Are you hungry, love?” Tanong niya sa ‘kin. “Not yet. Mas excited akong magpasukat ng gown.” Nakangiti kong sabi kaya napailing si Han at agad na pinausad ang kotse. “Tuloy na tuloy parin ba ang pagdi-diet mo?” Tanong niya habang palipat lipat ng tingin sa ‘kin at sa daan “Yes, love. Dapat sexy ako sa wedding natin. So, I need to do the diet-diet na yan.” Sabi ko kaya natawa siya ng mahina. “Ang sexy mo na, love. Hindi mo na kailangan mag diet.” Pangongontra niya kaya ngumuso ako. Kung ano-ano lang ang pinag uusapan namin ni Han hanggang sa makarating kami sa mall. Nag park lang siya ng kotse at agad kaming bumaba at magkahawak kamay papunta sa entrance ng mall. Nandito ang isa sa pwesto ni Han. Kaya minsan ay pumupunta din ako dito upang bisitahin siya dati nong bago pa lang ang relasyon namin. Sino ba mag aakala na magkakaroon ako ng boyfriend at nagtagal pa talaga ang relasyon. Kahit matagal na kami ni Han ay wala paring nangayayari sa’min. Hanggang kiss at hug pa lang kami dahil gusto niya ay pagkatapos lang daw ng kasal. Yun daw kasi ang turo ng mama niya sa kanya. Kaya nga tuwang tuwa ako kay Han. Pero may isa akong problema. Hindi ko sinabi kay Han na hindi na ako virgin at naibigay ko yun sa taong walang kwenta. Kaya minsan natatakot ako na baka magalit siya kapag nalaman niya na may lalaki ng nakauna sa ‘kin. Sabi naman nila kapag mahal daw ng lalaki ang babae ay tatanggapin parin naman daw. Wala daw sa kung sino ang nakauna. Pero kung tutuusin ay isang beses lang naman nangyari yun. Matagal na din kaya malamang hindi na siguro yun mahahalata ni Han kapag may nangyari na sa’min sa honeymoon. Pumasok kami sa entrance at napagpasyahan namin na unahin ang magpasukat ng gown. Pero habang naglalakad kami ni Han ay may kakaiba akong nararamdaman. Para kasing may nakatitig sa ‘kin kaya hindi ko mapigilan tumingin sa paligid. Ewan ko ba, nararamdaman ko talaga. “What’s wrong, love? May problema ba?” Biglang tanong ni Han ng mapansin nya ang ginagawa ko. “Ahm.. nothing.” Sagot ko na lamang at baka guni-guni ko lamang. Dalawang beses ko na ‘tong naramdaman na parang may nakatingin sa ‘kin sa public area. Ewan ko ba. Baka masyado lang akong nadadala na malapit na akong ikasal kaya ako nagkakaganito. Pumasok na lang kami ni Han sa shop upang makapagpa sukat na ako. Hindi ko nalang pinansin ang nararamdaman ko na parang may nakatingin parin sa ‘kin kahit pa nga nasa loob na kami ng shop. Nababaliw na yata ako kaya ko nararamdaman ang ganito. Nasabi ko na 'to sa kaibigan ko pero tinawanan lang ako ni Rizza. Dapat daw masanay ako na may nakatingin sa 'kin lalo na't ikakasal pa naman daw ako. Ayaw kong mag alala si Han sa 'kin kaya nag focus ako at hinawakan na lang talaga ang kamay ng binata. Guni-guni ko lang talaga yun at wag ko nalang pansinin. Author's Note: Slow update po dito. Naka focus po ako sa story na Kainin Mo, Mr. Honey. Salamat sa pag unawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD