Chapter 32 Lisa’s Pov HINDI KO na tinuloy pa ang plano ko na magpadakip kay Han. Nangako naman si Kevin na siya na ang bahala sa lahat. Kaya heto ako.. taong bahay lang muna at parang mag asawa talaga kami ni Kevin. Ibinalik na din niya ang cellphone sa ‘kin. Ngunit hindi ko naman binuksan kahit isang beses. Nakwento kasi sa ‘kin ni Kevin na big boss si Han o mas kilalang Angus sa agent nila. Nalaman ko na isa sa mga kaibigan ni Kevin ay ang girlfriend niya ay miyembro no’n kaya kilala daw nito si Angus. Ang tagal na pala niya akong pinagloloko. Pangalan pa lang niya ay kasinungalingan na. Kaya siguro kayang kaya niya akong saktan nong araw na pumunta siya sa bahay ni Kevin. Yun talaga siguro ang totoo niyang ugali. Napaka sinungaling ng animal na yun. Hindi ko pa nakakalimutan ang

