Chapter 31 Lisa’s Pov ILANG araw na kaming nandito sa bagong bahay kung saan ako dinala ni Kevin. Gumaling na din ang sugat niya sa labi pati na din ang mga sugat niya sa mukha. Hindi naman kami nahanap ni Han kahit ilang araw na kaming nandito. Maingat din ako at ginagawa ko ang lahat upang hindi kami mahanap ng baliw na yun. Pero sa totoo lang ay gusto kong mahanap ako ni Han. Napag usapan kasi namin ni Kevin na kailangan naming malaman ang dahilan niya kung bakit gusto pa rin niya ako makasama ni Han. Gusto kong ako ang makaalam no’n dahil deserve ko naman yata malaman ang lahat. Alam kong may nalalaman si Kevin tungkol sa totoong pagkatao ni Han. Pulis si Kevin kaya hindi malabong alam niya. Pero kailangan kong malaman mismo kay Kevin. Narinig ko kasi siya nong isang araw na may

