Chapter 5

1763 Words
Chapter 5 Kevin’s Pov ISANG buwan na ang lumipas simula ng dukutin ko si Lisa at hanggang ngayon ay nagmamatigas pa rin siya sa ‘kin. Hindi niya ako sinasabayan kumain at halatang galit talaga siya. Damn! Ang hirap palang manuyo ng babae. Hindi ko alam kung paano ko mapapalambot ang puso niya. Sa isang buwan na kasama ko siya ay puro pag su-sungit lang ang ginawa niya sa ‘kin. Walang ginawa kundi ang umiwas at kung minsan pa ay sinisigawan niya ako. Tinanggal ko na ang kadena sa paa niya at hindi na ako umalis pa sa gubat kung saan ko dinala si Lisa. Isang gubat na malapit sa dagat. Kami lang ang tao dito kaya kampante ako na walang taong mangugulo. Walang tao na tutulong kay Lisa para tumakas. Kaya malakas ang loob ko na iwanan siya dito sa gubat kapag kailangan kong bumili ng mga kailangan namin lalo na kapag pagkain. Nagpapakita pa ako sa mga kaibigan ko upang malaman nila na nasa maayos lang ako. Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataon na ‘to na bumalik si Lisa sa Pilipinas upang madukot ko siya. Matagal ko na ‘tong pinaplano. Nasabi ko din ‘to kay Deimos at hindi naman niya ako sinaway. Alam ko din kasi na hinihintay niya ang pagbabalik ni Rizza. Ngunit, nakatanggap ako ng text mula kay Demetrius at sinasabi na nandito daw sa Pilipinas ang fiance ni Lisa. Binalaan niya ako at sinabi na kung pwede ay wag muna daw ako aalis kung nasa’n man ako dahil baka mahuli daw ako ng fiance ni Lisa. Hinahanap daw kasi nito ang dalaga. Kaya simula no’n ay hindi na ako umalis pa sa maliit na bahay na ‘to. Hindi ko pa napapalambot ang puso ni Lisa kaya hindi ko siya titigilan. Umaga ngayon at maaga ako nagising para kumuha ng panggatong. Hindi ako sanay sa ganitong pamumuhay pero sa loob ng isang buwan ay natutunan ko din naman kung paano magsindi ng apoy sa kahoy para makapag saing at makapagluto ng ulam. Habang kumukuha ako ng kahoy ay nakita ko si Lisa na nakasuot lang ng bra at short. Ang ganda ng hubog ng katawan niya kaya palagi akong tinitigasan. Ako yung kawawa dahil hindi ko siya kayang gapangin. Ayaw kong gapangin na galit siya sa ‘kin. Hindi siya mag e-enjoy kapag ginapang ko. Baka mura-murahin lang niya ako imbes na ungol ang lumabas sa bibig niya. Napahinto na ako sa ginagawa ko. Hindi ko na maialis ang titig ko kay Lisa. Maganda na siya dati pa, pero mas lalo siyang gumanda ngayon. Tangina! Nakaka ulol ang ganda niya. Mas lalo kong ginusto na itago siya dito sa kagubatan. “Tingin-tingin mo dyan?” Mataray niyang tanong ng makita niya ako na nakatitig sa kanya. Hindi na siya ang Lisa na nakilala ko dati. Ang laki na ng pinagbago niya. “Bawal bang titigan ang ganda mo?” Tanong ko saka ko binuhat ang nakuha kong panggatong. Naglakad ako papunta sa kanya upang mas lalo ko siyang matitigan ng mabuti. Tinaasan niya ako ng isang kilay niya at hindi ko mapigilan matawa. “Nakakainis ka! Kailan mo ba ako ibabalik sa Manila ha? Pagod na pagod na ako dito! Walang kuryente, walang cellphone, walang maganda tignan dito kundi mukha mo lang. Gusto ko ng bumalik ng New York!!” Galit na naman niyang sigaw. Yan palagi ang sinasani niya. Araw-araw kong naririnig pero hindi ko na sinasabayan pa. Alam kong gusto na niyang umalis dito lalo na’t pagod na pagod na siya sa madilim na bahay. Tanging kandila lang ang meron kami. Nakakatuwa pala mamuhay sa ganitong bahay. Simple lang, hindi na kailangan ng aircon dahil malamig na ang paligid. Sa sobrang lamig ay kailangan ko ng human hug pero yung hug na gusto ko ay sinusungitan parin ako. Hindi na ako sumagot sa dalaga at pumasok na sa maliit naming kubo. Hindi ko na sasabayan pa ang galit niya sa ‘kin. Dumating ang tanghali at nagluto na ako ng pagkain namin ni Lisa. Hindi naman niya ako pinapansin kaya natatawa ako. Palagi niya akong sinusungitan at sinasabihan na pangit daw ang luto ko. Lagi niyang sinasabi na masarap pa daw magluto ang fiance niya. Medyo naiirita na ako pero hindi ko naman siya masisisi dahil iniinis talaga niya ako. Kailangan ko lang habaan ang pasensya ko kay Lisa. Nauna na akong kumain dahil alam kong ayaw pang kumain ni Lisa. Ayaw niya akong makasabay kumain at baka hindi daw siya matunawan kapag kasama niya ako. Sanay naman na ako na hindi siya kasama. Alam ko naman na sa susunod na araw ay makakasabay ko din siya kumain. Titiisin ko lang muna ang kamalditahan niya kaysa naman makipag away pa ako. Ayaw kong sabayan ang galit niya at mag away na naman kami. Nang matapos akong kumain ay umalis na agad ako sa kusina at sa labas ako nagpahangin. Alam ko kasi na papasok ng kusina si Lisa. Alam na alam ko na ang kilos niya. Kaya ako na agad ang umiiwas para makakain lang siya. Ayaw kong nalilipasan siya ng gutom. Dumating ang gabi at pumasok na si Lisa sa kwarto niya. Isa lang talaga ang kwarto ang meron dito. Ayaw niya akong papasukin. Hindi ko tuloy siya magapang. Sa sahig lang ako natutulog habang siya ay sa malambot na kama. Nakahiga na ako sa banig na inayos ko kanina. Hindi ko pa magawang matulog at nakatitig lang ako sa ginawa kong lampara upang hindi na masayang ang kandila. Nakakatakot din kasi at baka matumba at magkaroon pa ng sunog. Mas mabuti ng maingat lalo na't kasama ko pa naman ang babaeng gusto ko. Napabuga ako ng hangin. Namiss ko na ang malambot kong kama, aircon, kuryente at lahat ng meron ako nong nasa Manila pa ako. Pinagpalit ko lang para makasama si Lisa. Para makuha ko siyang muli. Wala ng gusto sa 'kin ang dalaga pero pinapangako ko na ibabalik ko ang gusto niya sa 'kin. Napatigil ako sa pag iisip ng marinig ko ang malakas na buhos ng ulan. Mas lalo akong lalamigin pala nito dahil umuulan. Wala man lang akong kayakap. Kahit unan man lang. May kasama pang kulog at ang lakas no’n. Itutulog ko na lamang ‘to kaysa naman sa maging frozen ako dito dahil sa lamig. Ipinikit ko ang aking mata at halos nagulat ng bumukas ang pintuan ng kwarto. “Kevin!!” Sigaw ni Lisa habang tumatakbo palabas ng room niya. “What happened? Bakit ka tumatakbo palabas?” Taranta kong tanong sa dalaga. “Kasi naman eh.. yung kulog. Nakakatakot! Hindi ba masisira ang bahay na ‘to sa lakas ng ulan?” Tanong niya habang tinitignan ang bahay. Natawa ako sa kanya habang nakatitig sa mukha niya. Magulo din ang buhok niya at halatang takot na takot siya. Tumingin sa ‘kin si Lisa at masama niya akong tinignan. “Wag ka ngang tumawa, Kevin! Seryoso ako ha!” Saway niya sa ‘kin. Kinagat ko na lamang ang ibaba kong labi upang hindi na ako tumawa pa. “Okay. So, anong gusto mong gawin ko?” Tanong ko sa kanya upang hindi na siya magalit sa ‘kin. “Samahan mo ako matulog sa kwarto. Pero wag kang malikot ha! Natatakot ako sa lakas ng ulan at kulog kaya kita papapasukin sa kwarto.” Sabi niya kaya napailing ako. Inangkin na talaga ang kwarto ko. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Pumasok ako sa kwarto at inayos ko agad ang unan sa kama. Kasya naman kaming dalawa dahil family size ang kama. Nasa gilid ay ang isa pang lampara na ginawa ko para hindi matakot sa dilim si Lisa. Kaagad na humiga si Lisa sa kama at masamang nakatingin sa ‘kin. “Humiga ka na, pero dapat nakatalikod ka sa ‘kin.” Utos niya sa malamig na boses. Sumunod ako sa gusto niya at humiga ako patalikod sa kanya. Damn it! Ihanda ko na lang talaga ang sarili ko. Sigurado akong sasakit ang puson ko nito. “Kailan mo ba ako ibabalik sa Manila, Kevin?” Tanong niya sa mahinang boses. “Hindi ko pa alam. Bakit? Gusto mo na bang umalis sa tabi ko?” Tanong ko sa kanya. “Yes! Ayaw ko na dito. Sa totoo lang ay nagsisisi ako na bumalik pa ng Pilipinas. Sana nag stay na lang pala ako sa New York. May magandang buhay na ako do’n, Kevin. Kaya kung pwede ay ibalik mo na ako. Ito naman ang gusto mo diba? Ang hindi na ako magpakitang muli sayo. Ang lumayo ako. Ginawa ko naman, pero bakit ngayon ay ginagawa mo ‘to? Tapos ako na naman ang lalabas na panay lapit sayo.” Mahaba niyang sabi. Hindi na ako nakapag salita dahil ramdam kong ayaw na talaga sa ‘kin ni Lisa. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humarap ako ng higa sa kanya. Bahala na kung magalit siya sa ‘kin. Nakatagilid din pala si Lisa paharap sa ‘kin kaya nagkasalubong ang tingin namin. “Sinabi ko bang humarap ka?” Mataray niyang tanong sa ‘kin. “Hindi. Pero gusto ko lang humarap sayo.” Sagot ko at napatingin sa dibdib niya na naiipit dahil sa pwesto niya. “Wag mo nga tignan dibdib ko, Kevin! Manyak ka talaga eh,” saway niya sa ‘kin. “Hindi ako manyak, baby. Nakita ko lang kaya tinitigan ko.” Palusot ko at agad na itinaas ang isa kong kamay para himasin ang dibdib ni Lisa. “Hoy! A-Anong ginagawa mo ha?!” Tanong niya sa ‘kin at halatang natataranta. “Hinawakan ko lang kung kasing laki parin ba ang s**o mo dati.” Sagot ko kaya pinukol niya ako ng masamang tingin. “Wag ka nga! Malaki na yan, hindi na yan katulad dati. Masyado ka talagang epal! Bitawan mo nga dibdib ko!” Saway niya sa ‘kin ngunit hindi ako tumigil at mas lalo ko pang pinisil ang isa niyang s**o. Ang lambot nito kaya mas lalo akong ginanahan. Hindi na nga sya katulad dati. Maliit ang s**o ni Lisa dati pero ngayon ay malaki na. Napapaisip tuloy ako kung pinalaki ba ‘to ng boyfriend niya. Tangina! Naiisip ko pa lang, umiinit agad ang ulo ko. Makakapatay yata ako kapag may kumuha kay Lisa sa ‘kin. Hindi na ako papayag na makawala pa ang dalaga sa ‘kin. Kung kinakailangan ay dito na kami tumira sa gubat na ‘to at gagawin ko para makasama at walang umagaw kay Lisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD