Chapter 4

1223 Words
Chapter 4 Kevin’s Pov KANINA ko pa pinagmamasdan ang dalaga na dinukot ko kahapon. Hindi niya ako pinapansin at kulang na lang ay may lumabas na apoy sa ilong niya kapag lumalapit ako sa kanya para dalhan siya ng pagkain. Napabuga ako ng hangin dahil imbes na magapang ko siya ay hindi ko nagawa dahil baka kagatin niya ako bigla. Isang kwarto lang ang bahay na ‘to at ang pinto ay gawa sa kawayan. Ang pang lock nito ay tali kaya kahit isara niya ang pinto ay pwede ko parin hilain. Nakaupo lang ako sa sahig habang nakatitig ako sa nakaawang na pintuan. Gusto ko sana siyang makausap pero puro mura ang lumalabas sa bibig niya. Nagbago na pala talaga siya at hindi na siya ang bata na gustong gusto ako. Naaaliw ako sa kanya dahil sobrang suplada niya. Nakaka challenge kausapin ang dalaga. Napansin kong gumalaw si Lisa kaya hinanda ko na ang sarili ko at baka awayin na naman ako. “Hoy! Kevin!” Tawag niya sa ‘kin sa galit na boses. “I need to..” sabi niya at hindi niya tinuloy ang sasabihin niya. “s**t! Natatae ako, Kevin! Piste ka talaga! May nalalaman ka pa kasing kadena. Kapag lumapit ka talaga sa ‘kin ay ikakadena ko ‘to sa leeg mo.” Galit na galit niyang sigaw kaya mahina akong natawa. Tatae na nga lang magbabanta pa. “Ano ba, Kevin! Hindi mo ba ako naririnig?! Wala ka talagang kwentang lalaki kahit kailan! Ibalik mo na ako! Gusto ko ng bumalik sa fiance ko.” Sigaw niya kaya naikuyom ko ang kamao ko. Ipinikit ko na lamang ang mata ko at pilit na pinapakalma ang sarili at baka magwala ako dito. Iisipin ko na lang na galit lang siya sa ‘kin kaya niya nasasabi yun. “f**k! Kapag talaga hindi mo tinanggal ang kadenang nasa paa ko ay magdadampot ka talaga sa kalat ko.” Sabi niya kaya napabuga ako ng hangin at agad akong tumayo mula sa pagkakaupo. Naglakad ako papunta sa kwarto at tinulak ko ng mahina ang pintuan. Masama niya akong tinignan at para bang kapag lumapit ako sa kanya ay kakalmutin niya ako. “Kanina pa kita tinatawag! Hindi ka sumasagot!” Inis niyang sabi sa ‘kin. Hindi na lang ako sumagot at kinuha ang kadena na nasa paa niya. Gusto ko sanang sabihin na mahaba ang kadena at kahit pumunta pa siya sa kusina ay pwedeng pwede. Pero ayaw kong marinig ang boses niyang napakatinis at baka awayin na naman niya ako. Niluwagan ko ang kadena na nasa pinaka dulo. Tumayo ako at tinignan si Lisa na halatang nagulat. “Langya ka! Bakit ngayon mo lang sinabi na kayang luwagan ang pisteng kadenang yan?” Tanong ni Lisa sa naiinis na boses. “Hindi ka naman nagtanong.” Patay malisya kong sagot. Nanggigil sa ‘kin si Lisa at hindi na yata kayang pigilan pa ang nararamdaman niya kaya agad na tumakbo ang dalaga palabas ng kwarto. Hindi na ako sumunod pa sa kanya dahil kahit lumabas pa siya ng bahay na ‘to ay pwede kong hilain ang kadena na nasa dulo. Wala siyang choice kundi ang bumalik dito sa silid kapag ginawa ko yun. Humiga na muna ako sa kama dahil kahapon pa ako hindi nagpapahinga. Nakahiga lang kasi ako sa sahig at hindi ako sanay sa ganun. Ayaw naman akong payagan ni Lisa tumabi sa kanya. Takot yata siyang gapangin ko. Nang makahiga ako sa kama ay naamoy ko sa unan ang natural na amoy ni Lisa. Inamoy ko ang unan at halos napapikit ako sa bango. “Ang bango mo talagang bata ka.” Saad ko habang inaamoy parin ang unan ni Lisa. Lumipas lang ang ilang minuto ay bumalik si Lisa sa kwarto at naabutan niya ako na inaamoy ang unan niya at nakahiga. “Umalis ka na dyan! Hihiga ako!” Pagpapaalis niya sa ‘kin. Hindi agad ako nakinig dahil gusto ko pang amuyin ang unan niya. Nakakaulol ang bango ng dalaga. Gusto ko na lang amuyin ng amuyin dahil na aadik ako. Pulis ako, pero naadik ako sa amoy ni Lisa. “Sige.. kung ayaw mong tumayo dyan.. pakawalan mo na lang ako dito at ng makaalis na ako. Alam ko naman na hindi ka sanay humiga sa sahig, Kevin. Mahihirapan ka lang. Hindi magtatagal ay kusa mo akong ibabalik sa Manila. Sigurado ako na hindi ka sanay sa buhay na ganito. Kaya itigil mo na ang pagpapanggap mo, Kevin." Sarkastiko niyang sabi habang nakataas ang isa niyang kilay. Para bang kilalang kilala na niya ako. "Mali ka dyan! kaya kong magtiis basta ikaw ang kasama ko. Aanhin ko ang malaki kong bahay kung ang reyna ko ay sa iba ikakasal." Saad ko sa kanya kaya mas lalong tumaas ang kilay niya. "Banat ba yan?" Tanong niya kaya bumangon ako sa pagkakahiga at umupo ako sa kama. "Oo," tipid kong sagot. Umuklo siya palapit sa mukha ko at pinakita niya ang kamao niya. "Gusto kitang banatan eh. Lumayas ka na at gusto kong matulog. Mas gusto ko pang matulog kaysa sa makita kita. Kung pwede nga lang ay hindi na sana ako magising." Pagpapaalis na naman niya saka niya ako pinalo. Hindi na ako magmatigas pa at tumayo na lang din ako ay hinayaan siyang humiga sa kama. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya na tumagilid ng higa at nagtalukbong ng kumot. Napabuga ako ng hangin dahil simula ng dinala ko siya dito ay wala kaming napag usapan na matino. Puro away ang ginagawa niya sa 'kin. Lumabas na lang ako ng kwarto ay balak na gumawa ng merienda para kay Lisa. Alam kong magugutom siya kaya gagawan ko na lamang siya agad upang may pogi points naman ako kahit papano. Nang makalabas ako ng kwarto ay tinungo ko ang maliit na kusina namin. Bago ko naisipan na kidnapin si Lisa ay nakahanda na ako ng mga kailangan ko kaya hindi na ako aligaga kung anong kakainin ng dalaga. Alam kong mauubusan kami ng pagkain kaya ako na lang ang pupunta sa city at iiwan ko dito si Lisa. Malakas naman ang loob ko na hindi mahahanap ng fiance ni Lisa ang lugar na 'to. Pinahiram ko lang si Lisa sa kanya, ngayon ay babawiin ko na. Akin naman talaga ang dalaga kaya hindi niya ako mapipigilan kung babawiin ko man sa kanya. Sigurado ako na nag aalala na ang mga kaibigan ko sa 'kin. Pero alam kong si Deimos ay may ginagawa din sa kapatid ni Sid. Kinidnap din niya ito katulad ng ginawa ko kay Lisa. Hindi ko na natawagan sila Koa at Demetrius pero alam kong alam na nila ang ginawa ko. Pinatay ko din ang phone ko at itinago sa hindi makikita ni Lisa upang hindi siya makahingi ng tulong. Hindi makakatakas si Lisa sa 'kin. Napagahandaan ko ng lahat last year. Kaya sigurado akong hindi ako papalpak. Wala akong pakialam kung magwala ang fiance ni Lisa. Hindi ko ibabalik ang dalaga sa City kung hindi niya dala-dala ang anak namin dalawa. Pero mukhang mahihirapan akong paamuhin si Lisa lalo na't galit na galit parin siya sa mga sinabi ko six years ago na ang nakakalipas. Kailangan kong bumawi at patunayan sa kanya na ako ang lalaking para sa kanya at hindi ang fiance niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD