Chapter 10: Stranger’s Love – Queen Campus

1681 Words
RAMDAM NI Aeron na may pananadya sa mga kinikilos ni Joel. Nang makarating na sila sa tapat ng main gate ng University ay kaagad siyang nagtanggal ng earphone sa tainga at bumaba sa kotse. Isa ring heartthrob si Aeron sa campus, kahit saang University ay nababansagan siyang ‘asset’ dahil bukod sa may itsura siya ay talented din siya. Sumasali rin siya sa mga contests ng University at maging sa paglalaro ng basketball ay isa siyang MVP. Napapatingin na lang si Aeron kay Cindy dahil sa mga treatment na ginagawa ni Joel sa kanya habang ang ilang studyante sa harap ng main gate ay nakatingin sa kanila. Nag-decide na si Aeron na pumasok sa campus, upang hindi na niya makita ang mga pananadya ni Joel. “Hey, dude. Kumusta ang bakasyon mo?” salubong sa kanya ni Vincent, ka-team player niya sa basketball. “Okay lang dude. Heto, lalong gumagwapo.” Pabirong wika ni Aeron, natawa naman si Vincent hanggang sa lumapit sa kanila sina Gelai at Moira. “Hey, our Queen Campus!” bati ni Vincent sa dalawa habang si Aeron ay dedma lang. “May kasama si Joel, sino kaya ‘yon at kaano-ano niya?” disappoint na tanong ni Gelai at naupo sa bench kung saan sila nakaupo. “Last year naman, wala siyang kasamang babae eh.” Sabat naman ni Moira, “At grabe nga ang effort namin para lang mapansin niya, tapos ngayon may isang babaeng pinagpala na may taga-dala pa ng bag.” Inis na dugtong pa niya, “Paano na ngayon mapapansin ang Queen ng Campus.” At saka naupo. “Chill lang.” sagot ni Vincent, “Nandito naman kami ni Aeron, ibaling ‘nyo nalang kasi sa amin ni Aeron ‘yang efforts ‘nyo para kay Joel.” Biro pa nitong wika. “Hay nako. Ewww no way!” parang nandidiring wika ni Gelai, “Kay Aeron, okay pa ‘no? Sayo??? ‘Wag na lang.” mataray na wika pa niya. Natawa naman si Aeron habang si Vincent ay panay ang papogi sa paningin ni Gelai at hindi ininda ang mga sinabi nito. “By the way, tell us nga Aeron sino ba ‘yong girl na ‘yon?” curious na tanong ni Moira. Tumingin naman ng seryoso si Aeron kina Gelai at Moira, “Ayaw kong ma-involve kaya no comment na lang ako.” At tumayo siya, “Maiwan ko na nga kayo riyan.” Paalam ni Aeron at nagsimula ng maglakad papunta sa classroom niya. Naglalakad na siya papunta sa classroom niya nang makita niya sina Joel at Cindy sa hallway ng second floor, paakyat na sana siya sa hagdan papuntang third floor ngunit napahinto siya dahil sa eksena nina Joel at Cindy. Seryosong-seryoso si Cindy na nakatingin kay Joel, “Ano bang plano mo? tanong na wika ni Cindy kay Joel. “Gusto mo ba akong maging famous kaagad dito sa University natin?” Sumunod na tanong ni Cindy, dahil sa kilos at pagiging prangka ni Cindy mas lalong napapahanga si Aeron. Hindi niya maintindihan na sa dinami-rami ng babaeng na-encounter niya, kay Cindy lang siya nagkaroon ng interest na kilalanin at mapalapit. “Kakaiba ka pala eh!” wika ni Joel, nanatiling nakikinig si Aeron upang mas maintindihan niya ang mga kilos ni Joel at makaisip siya ng paraan upang malapitan at maka-close niya si Cindy “Every girl dreams to be treated like what I did to you, then you will question my action?” may pagngising wika ni Joel at dahil don, mas lalo pang bumilib si Aeron sa mga naging sagot ni Cindy dito. “She’s a nice girl. Hindi siya ‘yong tipong basta na lang maiinlove sa mga gestures at physical appearance na nakikita sa tao.” At napangiti si Aeron. Mga ilang minuto, narinig ni Aeron ang sinabi ni Joel na “Exactly’ meaning may hidden agenda talaga si Joel sa mga kinikilos niya kay Cindy. DAHIL CURIOUS na curious sina Gelai at Moira sa babaeng kasama ni Joel, nang makita nila ang babae na papasok ng classroom nila at pup’westo sa bakanteng upuan ay nilapitan kaagad ni Moira. “Girlfriend ka ba ni Joel?” mataray na tanong nito kay Cindy, halata sa mukha ni Cindy ang pagkagulat at maging ang buong klase ay napa-sentro ng tingin sa kanila. “Seryoso? Girlfriend ba siya ni Joel? Si Mr. Snobbish na heartthrob ng campus natin?” tanong ng isang babae. “Answer me. Girlfriend ka ba?” inis na wika nito, at nag-cross armed. Lumapit naman si Gelai sa kanila. “Hey girl. What’s your name?” wika ng Queen Campus na si Gelai. “Kilala mo ba kami?” sunod nitong tanong. Mas lalong na-focus ang atensyon ng mga kaklase nila sa kanila. “Ito na nga ba!” wika ni Cindy sa sarili niya habang nakatingin sa dalawang babaeng nasa harapan niya. “Hi.” nginitian pa niya ang mga ito, “I’m Cindy Celestino. I am a newbie here at honestly, hindi ko pa kayo kilala.” Confident na sagot ni Cindy. Napataas ang kilay nina Gelai at Moira. Ramdam ni Cindy ang tensyong bumabalot sa pag-confront sa kanya ng dalawang babae. “Okay! For your information, I am the Queen Campus and since the day na na-encounter ko si Joel, gusto ko na siya.” Derektang wika nito, “And, maraming efforts na ang ginagawa namin para lang mapansin at kausapin niya ako, then biglang may susulpot na babaeng gaya mo?” napataas ang isang kilay niya, “Anong mayroon sa inyo?” Dahil sa narinig ni Cindy, na-speechless siya ng ilang segundo. “Really? Grabe naman pala si Joel!” Komento niya sa sarili niya habang nakatingin kay Gelai na halata ang inis sa mukha. “P’wede mo naman kaming sagutin ng direkta, hindi ‘yong para kang hindi marunong magsalita. Just answer our question. Everybody deserve to hear what’s going on with you and Joel.” Masungit na wika ni Moira. “Oo nga! He is our University’s Heartthrob. Lahat nakasubaybay sa buhay niya, kaya once na may involve sa kanya… need naming malaman ‘yon!” komento ng isang babaeng naka-eyeglasses. “Sagot,” inis na wika ni Moira. At naupo sa lamesa ng upuan ni Cindy. “Hindi.” Tipid na sagot naman ni Cindy kaya napatayo si Moira at tiningnan siya ng matalim. “Eh ano ‘yong eksena sa main gate hanggang sa Lobby ng campus?” dugtong pang tanong nito. “Sa tingin ko, hindi ko na dapat ipaliwanag ang bagay na ‘yon. Excuse me.” mahinanong wika ni Cindy, at mauupo na sana siya nang may biglang nagsalita. “Yes, she is!” Napatingin ang lahat sa pintuan at nakita nilang nakatayo si Joel do’n. Biglang nag-ingay ang buong klase dahil sa sinagot ni Joel, at pagkatapos ay kaagad na lumapit si Joel kay Cindy. Inis na inis ang mga tingin ni Gelai kay Cindy sa pagkakataon na iyon. Habang ang mga studyante ay hindi makapaniwala sa mga nasaksihan nila. Napakunot naman ang noo ni Cindy at magsasalita sana nang hawakan ni Joel ang braso nito saka hilahin upang lumabas ng classroom. Nang nakalabas na sina Joel at Cindy, napasigaw si Gelai sa galit. “She’s a liar!” galit na wika niya. “I’m the Queen Campus, at ang pinaka-ayaw ko sa lahat ‘yong ginagawa akong tanga. Why she’s not telling the truth? And hindi ako papayag… Joel and I are meant to each other.” Mariing wika niya. Tahimik naman ang buong klase dahil sa naging reaksyon ni Gelai. “Calm down, Gel. I have a plan. She’s not beautiful and riches like us. And one more, you are the queen campus… everybody listens to you so don’t be like ‘kawawa’ riyan.” At ngumisi si Moira, “That Cindy is going to living hell here.” Pagkasabi niya no’n, kaagad na itinaas ni Gelai ang isang kilay niya at inayos ang postura. “Yea you’re right! Ano pa’t queen campus ako kung magpapa-apekto ako sa baguhan na si Cindy. Hindi hihinto ang pag-asa ko na mapansin at mapalapit kay Joel ng dahil lang sa isang Cindy na iyon. No way!” at bumalik na siya sa upuan niya. Mga ilang sandali lang, dumating na ang professor nila. SA KABILANG BANDA naman, hila-hila ni Joel si Cindy hanggang sa Garden. Nagpumiglas si Cindy dahil naiinis na siya at upang mapabitiw ang hawak ni Joel sa braso niya. “Ano bang trip ‘to, SIR?” inis na tanong ni Cindy. “Is this what you want?” at itinaas niya ang isang kilay niya kay Joel, nakatingin naman si Joel sa kanya ng seryoso. “I want to go home.” Tipid na wika ni Joel. “Huh? Go home?” dismayadong tanong ni Cindy at napahinga ng malalim, “Sir naman… first day of school natin ngayon, tapos gusto mo ng umuwi?” at napakunot-noo si Cindy. “Hindi p’wede.” Mariing sagot ni Cindy. Kahit na boss niya si Joel, may mga pagkakataon na dapat siya ang masunod lalo na kung hindi naman makakabuti para sa kanilang dalawa. “Bumalik ka na sa classroom mo, at kailangan ko na ring bumalik sa classroom ko. Mamaya na tayo mag-usap.” Dere-deretso niyang wika. “Boss mo ko, so ako ang masusunod.” Seryosong wika ni Joel. “P’wes! Hindi sa pagkakataong ito.” At tinalikuran niya si Joel saka tumakbo upang makaabot sa first orientation nila habang si Joel naman ay pinagmamasdan ang papalayong si Cindy. Being unreasonable is what Joel did. Gusto niyang malaman kung hanggang saan kayang tiisin ni Cindy ang ugali niya. Para kay Joel, ginusto ni Cindy na ma-involve sa issue ng family nila kaya pahihirapan niya ito. Mas nag-eenjoy pa nga siya lalo na at maging si Aeron ay naaapektuhan din. Hindi niya kailanman nagustuhan si Aeron bilang step brother niya at maging ang ama nito na si Mr. Renato, ang pangalawang asawa ng mommy niya. “Let’s see how long you can take it!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD