BAGO SUMUNOD si Cindy kay Joel ay tumingin muna siya kay Mrs. Grace upang magpaalam. “Ma’am, I need to go na po… Sir Joel is in a hurry stage po yata. He has a good mood today and mukha pong motivated to go to School.” Mahinahong wika ni Cindy habang nakatingin sa kanya si Aeron.
“Let’s talk later after your first day of School. I have many question to ask.” Seryosong wika ni Mrs. Grace.
“Okay po ma’am.” Sagot ni Cindy,
“Son, sumabay ka na sa kanilang pumasok sa School.” Utos naman ni Mr. Renato.
“Okay po, dad.” At tumayo na si Aeron.
Nakatayo si Joel at nakasandal sa sasakyan habang naghihintay kay Cindy. Hindi halata kay Joel ang pagka-inip sa paghihintay kaya naman pagtataka ang nasa mukha ni manong driver habang sinisipat siya gamit ang side mirror ng kotse. Mga ilang sandali lang ay lumabas na si Cindy, kasunod si Aeron. Napataas naman ang tingin ni Joel sa kanilang dalawa.
“At tulad ng unang beses, kailangan kitang pagbuksan ng pinto ng kotse.” At hahawakan pa lamang ni Cindy ang hawakan ng pinto ng kotse ay naunahan na siya ni Joel.
“Go first.” Tipid na wika nito sa kanya habang nakalagay ang isang kamay sa pocket ng bulsa niya.
Dahil sa hindi na matiis ni Cindy ang nangyayari at ang mga kinikilos ni Joel, nagkusa na siyang tanungin ito ng direkta. “Teka nga muna sir,” at tumingin sa pinto ng kotse saka isinarado. “Ano bang ganap ‘to? All of the sudden gan’yan ang mga kilos mo towards me? Anong mayroon?” at napataas pa siya ng isang kilay sa pagtatanong, “Ano bang nakain mo at parang super gentleman mo naman yata?” may halong birong tanong pa niya rito.
“Ayaw mo ba ng ganitong treatment?” malalim at seryosong wika ni Joel, habang si Aeron ay naglakad papunta sa kabilang side ng kotse, sa may passenger seat at sumakay na papasok sa loob ng kotse.
“Para kasing ibang Joel ‘yong kaharap ko.” At saka binuksan ulit ang pinto ng kotse ngunit pinigilan siyang makapasok. “Problema mo? Papasok na po ako, sir at baka ma-late pa tayo.” Dugtong pa niyang wika.
“Doon ka sa harapan, katabi ni manong.” At hinila niya si Cindy upang dalhin sa kabilang side ng kotse, sa may front seat at binuksan ang pinto. “Pasok na.” utos pa nito. Napapailing naman si manong driver habang pinapanood sila habang si Aeron, nagsalpak nalang ng earphone sa tainga at pumikit. Pagkatapos, sumakay na rin si Joel sa kabilang side ng kotse, sa tabi ni Aeron. At nagsimula ng mag-drive si Manong driver, habang si Cindy ay hindi mapakali sa pagbabago ng treatment ni Joel sa kanya. Panay ang sulyap niya gamit ang mirror sa harapan ng kotse upang tingnan si Joel. Nakasandal at nakapikit naman sina Joel at Aeron sa likuran.
Hanggang sa tahimik silang nakarating sa University. “Nandito na po tayo, mga sirs at ma’am.” Wika ni Manong drive pagkahinto sa tapat ng main gate ng University.
“Manong Rene, ‘wag ‘nyo na po akong tawaging ma’am. Cindy na lang po.” Masayang wika ni Cindy, ngumiti at tumango naman si Manong driver sa kanya.
Kaagad na lumabas ang dalawa mula sa kotse, at sa aktong iyon napatingin ang ilang studyanteng babae na naglalakad papasok sa Campus at napatitig sa dalawang binatang sina Joel at Aeron. Bubuksan na rin sana ni Cindy ang pinto ng kotse para makababa siya ng buksan ito ni Joel.
“Let’s go.” at inabot pa ang kamay nito para alalayan si Cindy. Napakunot noo na lang si Cindy at imbis na kunin ang kamay ni Joel ay dinedma niya ito dahil nakatingin sa kanila ang mga studyanteng babae. Habang si Aeron naman, nagsimula ng maglakad papasok ng campus.
“Sir Joel, ano bang trip mo ngayon?” mahinang tanong ni Cindy pagkababang-pagkababa sa kotse.
Napangisi naman ng bahagya si Joel, “Trip ba tawag mo sa pagiging gentleman?” patanong na wika nito sa kanya.
“Para kasing ibang Joel, hindi ako sanay.” Sagot ni Cindy at nilingon si Manong driver. “Manong, salamat po at ingat sa pag-uwi.” Paalam ni Cindy.
“Akin na ‘yong bag mo.” sabay kuha nito at nagsimulang maglakad papasok.
“Joel…” mahinang tawag niya kay Joel at naglakad para abutan si Joel.
“OMG! My girlfriend na ba siya?” dismayadong wika ni Gelai. Ang campus queen ng University.
“Sa tingin mo ba girlfriend ni Joel ‘yong babaeng iyon?” patanong ding wika ni Moira, kaibigan ni Gelai.
“Malalaman natin.” Mariing wika ni Gelai at nagsimulang maglakad papasok ng campus, sumunod si Moira na medyo naiinis.
NANG MAKARATING na sina Joel at Cindy sa Lobby ng Campus upang tingnan ang designated room nila, napansin ni Cindy ang dalawang babaeng nakatingin sa kanila kanina sa may main gate.
“Parang hind naman ganyan ang tipo niya.” maarteng wika ni Moira habang nakatingin kay Cindy. Napakunot noo naman si Cindy habang si Joel ay busy sa paghahanap ng pangalan niya sa designated list of room na naka-post sa bulletin board.
“Yeah! He’s not into her. I’m sure of that.” Nakataas na kilay namang sagot ni Gelai.
“Room 202 ka.” Seryosong wika ni Joel. “Ihatid na kita,” dugtong pa nito. Napatango na lang si Cindy dahil hindi rin niya kabisado ang University na ito.
Maglalakad pa lamang sila nang humarang sa harapan nila ang dalawang babae.
“Hello, Joel. Long-time no see.” Masayang wika ni Gelai. Napatingin naman si Cindy kay Joel na seryoso ang tingin at mukhang walang balak mag-respond sa babaeng bumati sa kanya.
“Girlfriend mo ba siya?” nakataas-kilay na tanong ni Moira at sabay tingin kay Cindy.
“Let’s go.” at hinawakan ang braso ni Cindy upang lagpasan ang dalawang babae. Napabalik tingin si Cindy sa dalawang babae habang hila-hila siya ni Joel. Mga nakasimangot ang mga mukha ng mga ito. Nagbubulungan naman ang ilang studyanteng nakakita sa eksenang iyon. Habang si Cindy, hindi alam ang gagawin dahil first day of school nila ay parang nakatatak na kaagad sa mga studyante ang pagmumukha niya.
Nang makakuha ng tiyempo si Cindy dahil walang gaanong studyante sa hallway papunta sa room niya, hinila niya ang braso niya na hawak ni Joel at saka niya kinuha ang bag niya na bitbit ni Joel. Napa-poker face naman si Joel na napatingin sa kanya.
“Ano bang plano mo?” seryosong tanong niya kay Joel, “Gusto mo ba akong maging famous kaagad dito sa University natin?” at napa-inhale at exhale siya upang kontrolin ang sarili.
“Nakakaiba ka pala eh!” mahinang wika ni Joel ngunit may malalim na pakahulugan, “Every girl dreams to be treated like what I did to you, then you will question my action?” at napangisi si Joel. Napataas naman ang isang kilay ni Cindy at tumingin ng seryoso kay Joel.
“So, I’m not one of that girl.” Inis na wika niya dahil pakiramdam niya ay naka-plano na lahat kay Joel ang nangyayari, “Hindi ako manhid, Sir Joel. I have a feeling na ‘yan ang paraan mo upang mapa-quit ako sa kasunduan namin ng mommy mo. Gusto mo na makilala ako rito sa University para ma-criticize ako at hindi maging maganda at payapa ang buong taon ko rito sa campus. Ano pa? para magtaka ang mommy mo… tulad kanina, you treated me so well to the point na need akong kausapin ng mommy mo and I’m sure na tungkol sa mga kilos mo kaninang umaga ang itatanong niya.” dere-deretsong wika ni Cindy.
“Exactly!” tipid na sagot ni Joel ngunit walang emosyon. Inis pa rin ang mga tingin niya kay Joel “Do’n ang room mo.” at itinuro ang pangalawang room bago tumalikod. “Sabay tayong mag-lunch mamaya.” At saka naglakad pa-akyat ng hagdan papuntang third floor.
Huminga muna ng malalim si Cindy bago maglakad papunta sa room niya. Habang naglalakad siya ay nakaramdam na naman siya ng guilty sa mga sinabi niya kay Joel, pangalawang beses na niya naramdaman ang ganoong pakiramdam. Hindi niya kasi mapigilan ang bibig niya once na naguguluhan siya sa nangyayari o nararanasan niyang treatment ng tao sa kanya, Marahil ay iba ang lugar na ginagalawan niya ngayon sa dati niyang tirahan kaya marami siyang tanong o duda kapag may nabago sa mga kilos or treatment ng tao sa paligid niya – napapaisip siya na may hidden agenda ‘yon kapag biglang nagbago. Yes, she’s not afraid to the changes but she wants to clear about the things that changed.
Nang nasa tapat na siya ng pintuan ng classroom niya, natapat kaagad ang tingin sa dalawang babaeng kumausap kay Joel. Napahinga siya ng malalim bago maglakad papasok ng room. Mga nagkukuwentuhan pa lamang ang mga kaklase niya, nang makahanap siya ng bakanteng upuan ay pumunta siya roon. Ilalagay pa lamang niya ang gamit niya nang biglang tumayo ‘yong isang babae at lumapit sa kanya.
“Hey. Girlfriend ka ba ni Joel?” dere-deretsong tanong nito sa kanya, napatingin ang lahat ng kaklase nila sa kanilang dalawa. At hinintay ang isasagot ni Cindy.
“Girlfriend siya ng heartthrob ng campus?” komento ng isang lalake.
“Teka, si Joel ba? Seryoso kayo? Eh super snob no’n. Paanong magkaka-girlfriend ‘yon?” tanong naman ng isang babaeng naka-eyeglasses.
“Sagot,” inis na wika ni Moira. At naupo sa lamesa ng upuan ni Cindy.
“Hindi.” Tipid na sagot nito kaya napatayo si Moira at tiningnan siya ng matalim
“Eh ano ‘yong eksena sa main gate hanggang sa Lobby ng campus?” dugtong na tanong nito.
“Sa tingin ko, hindi ko na dapat ipaliwanag ang bagay na ‘yon. Excuse me.” mahinanong wika ni Cindy, biglang nag-ingay ang buong klase.
“Owww…” ingay ng mga kaklase nila, lalong-lalo na ang mga lalaki. Mas lalong na-confuse si Cindy dahil sa ingay na iyon habang si Moira, sobrang sama ng tingin sa kanya kasabay pa ng pang-aasar ng mga kaklase nila dahil sa naging sagot niya.