KINABUKASAN, maagang gumising si Cindy upang makapag-prepare ng breakfast ni Joel. Gusto niya na siya ang magluto ng kakainin nito upang kahit papaano ay maging peaceful naman ang pakiramdam niya dahil sa nangyari kagabi.
Pagkababa niya sa kusina, nakita niya si Manang Tess na naggagayak ng almusal.
“Good morning, Manang Tess.” Masiglang bati niya, nilingon naman siya nito at tumango ng bahagya saka nagpatuloy sa ginagawa niya. Medyo nahihiya pa si Cindy na kausapin si Manang at mamake-alam sa kusina.
“Nabasa mo na ‘yong libro?” out of the blue na tanong ni Manang sa kanya. Tumingin naman si Cindy kay Manang habang busy sa paghuhugas ng mga vegetables.
“Kasisimula ko palang basahin, okay naman ‘yong mga gusto at ayaw niya, valid naman ‘yon as a human kaso manang, question lang… Hindi ba siya na bo-bored sa ganong sistema ng buhay niya? Why not, i-try niya ‘yong mga kakaiba naman sa nakasanayan niya. You know, everything in this world is always changing – like her mother got married again. Ganon!” explain ni Cindy, napahinto naman si Manang Tess sa ginagawa niya at seryosong tumingin sa kanya.
“Subukan mo siyang baguhin, kung kaya mo.” sa binitawang wika ni Manang sa kanya, parang may pahiwatig itong challenge sa kanya. “Alam mo, ine. Si Joel, sanay siya sa mga bagay na kontrolado niya kaya nang malaman niya na ikakasal ulit ang mommy niya – hindi niya matanggap ‘yon kaya ganiyan siya ngayon. Lahat gagawin niya, para lang manatili ang mga naiwan ng father niya. Hindi madali para sa kanya ang magtapon ng mga alaala.” Seryosong wika ni Manang bago magpatuloy sa ginagawa niya.
“Hindi naman talaga madali.” Komento niya. “Ako nang mag-prepare ng paboritong pagkain ng amo ko.” Sunod niyang wika at saka ngumiti. Ngumiti na lang din si Manang sa kanya.
Nag-prepare si Cindy ng breakfast ni Joel ayon sa nabasa niyang librong binigay ni Manang. At pagkatapos, inayos na nila ni Manang sa dining table ang lahat ng pagkain.
“Mukhang magugustuhan ni Joel ‘yang inilagay mo sa p’westo niya.” nakangiting wika ni Manang sa akin.
“I hope so. Alam mo naman po ang boss ko, may pagka-picky.” Birong wika naman ni Cindy.
Mga ilang oras na pagpe-prepare ay natapos na rin sila.
“Paano po, manang. Akyat na po muna ko sa taas at gigisingin ko pa ang prinsipe baka ma-late kami sa first day naman sa school.” May pabirong wika ni Cindy, tumango naman si Manang habang nakangiti sa kanya.
Inuna muna ni Cindy ang kanyang sarili sa paggagayak bago pumunta sa tapat ng kwarto ng boss niya. Nag-inhale at exhale muna siya bago kumatok sa pinto ng tatlong beses. “Sir Joel, nakagayak ka na po?” unang tanong niya ngunit walang sagot mula sa loob ng kwarto. Sa ganitong senaryo medyo na hihirapan si Cindy, ang gisingin ang amo niyang gising na. “Sir Joel.” At kumatok ulit siya ng tatlong beses. “Papasok na ko kapag di ka pa sumagot.” Sunod na wika niya. “Kailangan na nating mag-breakfast at baka ma-late tayo sa pagpasok sa School.” Pasigaw na wika niya.
Nag-inhale at exhale ulit siya bago pihitin ang doorknob ng pinto. At sa pagbukas niya ng pinto, saktong hawak din ni Joel ang doorknob kaya napaderetso siya ng pasok sa loob ng kwarto ni Joel at napasubsob sa dibdib ni Joel na naka-topless pa.
Katahimikan ang unang bumalot sa loob ng kwarto bago ayusin ni Cindy ang sarili niya, seryoso naman ang tingin sa kanya ni Joel. “Mahilig ka sa physical touch huh.” saka ito tumalikod at kinuha ang tuwalya niya. “Maliligo lang ako.” Seryosong wika nito sa kanya at saka pumasok sa bathroom. Hindi naman alam ni Cindy ang ikikilos o sasabihin niya, medyo nagtaka pa siya sa inakto ni Joel.
Nang marinig niya ang pagpatak ng tubig sa sahig ng bathroom mula sa shower, “Okay sir. Sa labas na lang ako maghihintay.” Sigaw niya upang marinig ni Joel ang winika niya, at saka lumabas ng kwarto at sinarado ang pinto. “Parang may mali.” Wika niya sa isipan niya. “Hindi kaya natauhan siya sa mga sinabi ko kagabi? Na para siyang bata… na ang childish niya? Kaya, iba ang kilos niya ngayon... Ang cool ng kilos niya at ang matured ng pagsasalita niya.” habang nakasandal siya sa pader malapit sa pinto ng kwarto ni Joel.
Sa kaka-overthink niya sa kinilos ni Joel, hindi niya napansin na nasa harapan na pala niya ito. “So, ano na?” tanong nito sa kanya kaya bumalik ang diwa niya, magsasalita pa lamang sana siya ng magbukas ang pinto ng kwarto ni Aeron at iniluwa si Aeron kaya napabaling pareho ang tingin nila rito.
“Good morning, Sir Aeron.” Pagbati ni Cindy, habang nasa harapan niya si Joel at nakatingin ng seryoso kay Aeron. Tumango naman si Aeron sa kanya saka tumalikod at naglakad pababa ng hagdan.
“Hindi ba ako ‘yong amo mo?” seryosong tanong ni Joel sa kanya, dahilan din ng pagbagal ng paglakad ni Aeron upang marinig ang susunod na sasabihin ni Joel, tumingin naman si Cindy kay Joel at saka nagtaas ng kilay, “You should greet me first “Good morning, Sir!” Hindi ‘yong sa iba ka nag-go-goodmorning.” Masungit na wika nito saka naglakad at nilagpasan siya.
Hindi maintindihan ni Cindy ang inaakto ni Joel, “Haist!” tanging reaksyon niya at saka sumunod kay Joel. Sabay silang tatlong nakarating sa dining area kung saan naghihintay ang mag-asawang Mrs. Grace at Mr. Renato. Gulat naman ang nasa mukha ni Mrs. Grace nang makita niya ang anak niya na parang nasa mood ang awra habang si Aeron naman ay medyo hindi maganda ang expression ng mukha na dati-rati ay laging nasa mood ang awra. Si Cindy naman ay halata pa rin ang pag-aadjust sa mga tao sa loob ng tahanang kaniyang tinitirhan.
“Masaya akong makita kayong tatlo na sabay-sabay na dumating dito sa hapag-kainan.” Nakangiting pagsalubong na bati ni Mrs. Grace habang si Mr. Renato ay seryosong ang tingin. Kaagad na pumunta si Aeron sa p’westo niya.
“Good morning Ma’am and Sir.” Pagbati ni Cindy, at saka pumunta sa upuan ni Joel upang hatakin. “Sir, maupo ka na rito.” Sunod na wika niya. Tumingin naman muna si Joel kay Cindy na nakahawak sa sandalan ng upuan saka nito ibinaling ang tingin sa pagkain na nakahain sa tapat ng p’westo niya.
“Maupo ka na, anak.” Wika ni Mrs. Grace. “Para makaupo na rin si Cindy at makakain na tayo.” Dugtong na wika pa nito.
Hindi naman kumibo si Joel at tumungo sa p’westo ng upuan ni Cindy, “You should sit here first.” At inusod ang p’westo ng upuan ni Cindy. Napataas naman ng kilay si Cindy at may halong pagtatanong sa mga tingin niya kay Joel habang si Joel ay seryosong nakatingin sa kanya. Pagtataka naman ang nasa mukha ng mommy ni Joel at ni Mr. Renato habang si Aeron, kitang-kita ang inis sa mga tingin nito kay Joel. “Cindy, maupo ka na rito.” Pag-uulit niya ng wika.
“Iha. Maupo ka na.” medyo naiilang na wika ni Mrs. Grace. Si Cindy naman, napatingin muna ulit kay Joel bago lumakad papunta sa p’westo nito.
“Upo na.” gentleman na wika ni Joel, bago naman maupo si Cindy.
“Anong ginagawa mo?” seryosong tanong niya. Hindi niya kasi maintindihan ang inaakto ng amo niya.
“Treat you right.” At bahagyang ngumiti. Napakunot naman ng noo si Cindy bago maupo.
Hindi na siya nagsalita pa at inayos na niya ang upo niya dahil pakiramdam niya ay nasa kanila na ang sentro ng tingin ng lahat. Naglakad na si Joel papunta sa p’westo niya at naupo.
“I’m happy seeing you like that, son.” Wika ni Mrs. Grace, “It reminds me the action you treated to me before, my gentleman son.” Masayang wika pa nito.
Dahil sa sinabi ni Mrs. Grace, medyo nakahinga ng maluwag si Cindy. Binalingan pa siya ng tingin ni Mrs. Grace at saka ngumiti. Habang ang mag-amang Mr. Renato at Aeron, ramdam ang out of place sa pagkakataong iyon.
Hindi naman nag-comment si Joel sa mga sinabi ng mommy niya, “Manang!” pagputol niya ng momentum ng mommy niya, lumapit naman si Manang Tess sa kanya. Habang si Cindy naman, ramdam ang nararamdaman ni Mrs. Grace, the way kung paano ito tratuhin ng anak niya. it really hurts in her side.
“Yes po, sir.” Sagot ni manang. Tumingin naman si Joel sa pagkaing nakahain sa p’westo niya.
“Ikaw ba ang nag-prepare nito?” seryosong tanong ni Joel, napatingin naman si Manang kay Cindy habang si Cindy, sumesenyas kay manang na sabihing ‘oo’. Dahil sa matagal sumagot si Manang, napatingin si Joel kay Cindy. Napabaling naman ng tingin si Cindy sa pagkain niya bilang pag-iwas sa tingin ni Joel habang sina Mrs. Grace, Mr. Renato at Aeron ay clueless sa mga tanong ni Joel at napahinto sa pagkain.
“Si Cindy po, sir.” Mahinang sagot ni Manang, napataas ang kilay ni Joel habang nakatingin kay Cindy na pinipilit na hindi tumingin sa kanya. Hindi na kumibo si Joel pagkatapos niyang marinig ang sagot ni manang at nagsimula na siyang kumain.
Sa pagkakataong iyon, hindi maipaliwanag ni Cindy ang mararamdaman niya. May kakaiba sa mga nangyayari, na sa isip ni Cindy 'mas gugustuhin niya ang Joel na una niyang na-encounter kesa sa parang mysterious type na hindi malaman kung anong tumatakbo sa isipan.'
Pagkatapos nilang mag-breakfast, “Nice breakfast.” Komento ni Joel saka tumayo at lumakad. “Let’s go, Cindy.”