NAKAILANG KATOK NA sa pintuan si Cindy ngunit wala pa ring sumasagot sa kaniya,
“Sir Joel…” at inulit-ulit pa niya ang pagtawag sa pangalan ng amo niya ngunit wala talagang sumasagot mula sa loob ng kwarto. “Sir, papasok na po ako.” At agad niyang binuksan ang pinto. Pagkapasok niya, gulat ang naging reaksyon niya nang makita niya si Joel na nakaupo at nakatingin sa dako ng pinto kung saan siya pumasok. Napakunot ang noo niya, “Kanina pa ako kumakatok at tumatawag sa’yo…” inis na wika ni Cindy, “Hindi mo ba alam na kapag may kumakatok sa pintuan mo, at may tumatawag sa’yo dapat kang mag-respond. Ayusin mo nga ‘yang attitude mo… Hindi ka na batang paslit na ituturo pa sa’yo ang bagay na iyan.” Pagsesermon niya.
Dahil sa sinabi ni Cindy, tiningnan siya ni Joel ng seryoso. “Ganiyan ba dapat kumausap sa boss mo?” Napataas naman ang kilay ni Cindy sa tanong ni Joel, malalim ang boses nito dahilan upang makaramdam siya ng kaba sa kaniyang dibdib.
“Hindi.” Mariin niyang sagot, “Pero kasi… kasalanan mo kung bakit gan’yan kita kausapin.” Pangangatwiran niya. “Nakahanda na ang dinner, naghihintay na ang mama mo at sina Sir Renato at Aeron sa dining area. Halika na!” sunod niyang wika.
“Hayaan mo sila na mag-enjoy sa family dinner nila.” at tumungo si Joel sa may bintana niya saka dumungaw do’n. “Kung sasabay ka sa family dinner nila, go and close the door.” Mas lalong napakunot ang noo ni Cindy sa mga narinig niya mula kay Joel habang nakatingin siya sa likuran ni Joel. “Kung hindi naman, close the door and stay here.”
Hindi maintindihan ni Cindy ang gustong mangyari ni Joel, nilapitan niya si Joel na kasalukuyang nakatayo sa tapat ng bintana ng kwarto niya. Hinawakan niya ang isang braso nito upang ayaing lumabas at kumain. “Huwag na kasing mag-inarte.” Pagkasabi niya no’n, nilingon siya ni Joel. “Let’s go na, sir.” Wika niya at hinila ang braso ni Joel. Napangisi naman si Joel, kaya mas tumindi ang pagkakunot ng noo ni Cindy. “Tara na, okay?” medyo inis na niyang wika.
Sa paghila ni Cindy, sinadya ni Joel na bahagyang lagyan ng puwersa ang brasong hawak ni Cindy upang mabuwal silang pareho sa kama. Itinukod ni Joel ang braso niya sa kama upang hindi niya madagnan si Cindy. Gulat na gulat naman ang reaksyon ni Cindy, habang si Joel ay seryosong nakatingin sa kabuuan ng mukha niya.
Medyo nilapit ni Joel ang bibig niya sa tainga ni Cindy at bumulong, “Ano bang gusto mong gawin natin?” Sasagot pa lamang sana si Cindy nang mapansin nilang hindi nga pala sarado ang pinto ng kwarto, napatingin silang pareho sa pinto at gulat ang reaksyon ng taong nakatayo ro’n.
“A-aeron…” wika ni Cindy sabay tulak kay Joel, at napahiga naman si Joel sa kabilang side ng kama nito sabay upo naman ni Cindy na halata sa kaniya na medyo nahihiya sa aktong nadatnan sa kanila ni Aeron.
“Kanina pa kayo hinihintay sa baba, dinner time na.” cold na wika ni Aeron at saka tumalikod. Nakaramdam si Cindy ng kung anong kabog sa kaniyang dibdib na hindi niya mawari kung pagka-guilty ba iyon dahil sa expression ng mukha ni Aeron habang si Joel naman ay parang nag-e-enjoy sa mga nangyayari.
“Next time, kumatok ka muna or kung alam mong may importanteng ginagawa, mas mabuting ‘wag ka munang abala.” Cold na wika ni Joel.
Napatingin si Cindy kay Joel na nakapikit na pagkatapos sabihin ang mga iyon. Ibinaling niya ang tingin niya kay Aeron at saka siya tumayo upang puntahan ito. Napatikom nang palad si Aeron,
“Aeron…” magpapaliwanag palang sana siya nang,
“Bumaba na kayo.” Masungit na utos ni Aeron kay Cindy, hindi niya ito tiningnan at nagdere-deretso na sa pag-alis.
Halos umusok ang ilong ni Cindy sa inis nang ibalik niya ang tingin niya kay Joel na nakaupo na sa kama ngayon at nakatitig lang sa kanya.
INIS NA nakipagtitigan si Cindy kay Joel na kakaupo lang sa kama niya. Gustong intindihin ni Cindy si Joel ngunit lalo itong nagiging komplikado – hindi niya kasi mahuli ‘yung ugali ng binata at kung ano ba talagang gusto nitong mangyari.
“Sa tingin mo ba, ito ‘yong magpapa-quit sa’kin tulad ng gusto mong mangyari?” seryosong tanong ni Cindy. Ngumisi naman si Joel habang nakatingin pa rin sa kanya bago tumayo at lumakad palapit sa kanya.
“Siguro… unless if you like what is happening to us or maybe you like me?” May malisya niyang wika at saka siya nilagpasan, napa-close fingers naman si Cindy dahil sa mga sinabi nito at narinig pa niya ang pagngisi nito, “Close my door’s room!” at saka bumaba ng hagdan.
“Haisst! Kapal talaga ng lalaking ‘yon.” Gigil niyang wika at huminga ng malalim bago sumunod kay Joel.
Nang makarating na silang dalawa sa dining area, halata sa mga tao sa hapag-kainan ang pagka-inip, lalong lalo na si Sir Renato na naiinip ng maghintay kung anong oras pa sila makakakain ng dinner, halos kakaupo lang din ni Aeron at kita pa sa mukha nito ang pagkainis.
“Joel. Do you know what time is it?” seryosong tanong ni Sir Renato. Napatingin naman si Cindy kay Joel bago tumingin sa relo niya na mag 10 PM na. Hindi naman umimik si Joel at naupo sa upuan niya. “And you?” sabay turo kay Cindy, “Alam mo naman siguro ang trabaho mo rito, hindi ba?” galit na wika pa nito.
“Pasensya na po, sir.” Tanging wika ni Cindy, at saka yumuko ng bahagya.
“Do your job properly!” dugtong pa nitong utos, hindi naman umiimik si Misis Grace at nakatingin lang sa anak niya na nakatingin naman kay Cindy habang tumatango ito.
“Dad. Stop it na po, kumain na tayo at lumalalim na rin ang gabi.” Pag-awat ni Aeron sa daddy niya. “Cindy, maupo ka na.” baling pa ni Aeron kay Cindy na halatang kinakabahan dahil sa reaksyon ni Mr. Renato.
Mauupo pa lamang si Cindy nang…
“Cindy, sa kwarto na lang ako kakain. Do’n mo dalhin ang food ko.” Utos ni Joel at saka tumayo.
“Joel?” napatayo si Mrs. Grace, “Hinintay namin kayo para sana sabay-sabay tayong mag-dinner, tapos sa kwarto ka kakain? Joel naman!” seryosong wika ng mommy ni Joel sa kanya. Napahinto naman sa paglakad si Joel,
“Sumosobra ka ng bata ka!” galit na wika ni Mr Renato, at saka ito pumunta sa harapan ni Joel, “Tigil-tigilan mo na ‘yung ganyang asal mo. Kung hindi ka nadisiplina ng tatay mo no’n, ako ang didisiplina sa’yo. Maupo ka.” Mariing utos nito.
Napangisi naman si Joel sa narinig niya. Hindi alam ni Cindy ang gagawin niya sa mga oras na iyon, napatingin siya kay Mrs. Grace na nakahawak sa braso ng asawa niyang si Mr Renato habang si Aeron naman nakatingin lang sa kanila.
“Disiplina? Sa’yo pa talaga galing ang salitang iyan?” at napailing si Joel bago lumakad upang lagpasan sila hanggang sa…
“Wala kang modo.” Sigaw na wika ni Mr. Renato.
“Renato.” Nabigla naman si Mrs. Grace, at hinila kaagad ang asawa niya, Habang si Joel naman napaupo sa sahig habang hawak ang kabilang pisngi nito at may dugo ang labi. Napalapit si Cindy kay Joel. “What did you do, hon?” pag-aalalang wika pa ni Mrs. Grace.
“Okay ka lang, sir.” Pag-aalalang tanong ni Cindy at idinampi sa labi ni Joel ang panyo niya. Habang si Joel naman, tumingin kay Aeron na kasalukuyang nakatingin sa kanila habang nag-aalala ang babaeng gusto nito sa kanya.
Dahan-dahang tumayo si Joel habang nakaalalay si Cindy, “You are in a right choice, mom.” Seryosong wika niya sa mom niya na nakatingin sa kaniya.
Pagkasabi ni Joel no’n, tumalikod na ito at naglakad. Tumingin naman muna si Cindy kina Mrs. Grace bago sumunod kay Joel na nasa hagdan na paakyat sa kwarto nito.
Nang nasa kwarto na sila,
“Saan nakalagay ‘yong medical kit mo?” seryosong tanong ni Cindy.
“Are you worried?” takang tanong ni Joel sa kanya, “Worried ka sa’kin? O worried kang mawalan ng trabaho?” at saka ngumisi.
Napahinto si Cindy na paghanap ng medical kit, “You are so childish! Hindi ka ba naaawa sa mommy mo?” seryosong tanong niya kay Joel hanggang sa nawala ang pag-ngisi nito at tumingin ng seryoso sa kanya. “Ikaw ‘yong nagbibigay ng stress sa bahay na ito, alam mo ba iyon? Binata ka na pero asal bata ka pa rin.” Dere-deretsong wika ni Cindy, “Hindi na ko magtataka kung bakit gaano na lamang ang inis at binitawang salita ni Sir Renato sa’yo, siguro nga… baka nga… hindi ka na-disiplina ng tatay mo kaya ganyan ka umakto sa lahat.” Inis na wika pa ni Cindy.
“Wala kang alam.” Mariing wika ni Joel at saka binuksan ang pinto ng kwarto niya, “Get out!” madilim na tingin ang iniwan nito kay Cindy.
Ngumisi naman si Cindy, at saka tumingin kay Joel na nasa pintuan, “See… walang magtitiyaga sa’yo ‘pag ganyan ka.” At saka naglakad palabas ng kwarto. Sinarado naman ni Joel ng malakas ang pinto.
KAAGAD NANG PUMASOK si Cindy sa kwarto niya. Hindi na niya na-kontrol ang sarili niya at nakapagbitiw na siya ng salita kay Joel. Naupo muna siya sa kama niya at sina-sariwa ang mga salitang binitawan niya kay Joel kasabay ng malalim na expression ng tingin ni Joel sa kanya ng mga sandaling iyon. May konting konsensyang bumalot sa kanya na para bang gusto niyang lumabas ulit ng kwarto at pumunta kay Joel upang humingi ng pasensya sa mga nasabi niya.
Mga ilang sandali, napansin niya ang librong nakapatong sa study table niya.
“Teka.” Wika niya sa sarili niya, at naalala niya ang sinabi ni Manang Tess sa kanya “Kapag may time ka, basahin mo ‘yan. Makatutulong ‘yan sa’yo.” Ngumiti si Manang Tess saka nagpatuloy sa ginagawa niya.
At kaagad siyang tumayo upang kunin ang libro.