PAGKATAPOS MAG-USAP nina Mrs. Grace at Cindy, pumunta na si Cindy sa kwarto niya. Bago niya buksan ang pinto, tumingin muna siya sa pinto ng kwarto ni Joel. "I want to know everything that cause you in pain." bulong niya sa sarili niya at saka pinihit ang doorknob ng pinto ng kwarto niya saka tuluyang pumasok sa loob. Inilapag niya muna ang gamit niya saka humilata sa kama. "I miss you, my bed." wika niya, "Tama itong desisyon ko. Tama ito, Cindy." dugtong pa niyang pakikipag-usap sa sarili niya. "Kailangan kong harapin ang viral news ko, hindi ko dapat takasan." at mga ilang saglit pa ay nakatulog na siya dahil sa pagod sa biyahe. Sa kabilang banda naman, masaya si Aeron na nabalitaan na nandito na si Cindy. Maaga siyang naggayak, pumorma at naglagay pa ng pabango upang presentable kapa

