PAGKATAPOS NG isang linggong pag-iisip ni Cindy,
"Friend, i have an answer na." wika niya sa kaibigan niyang si Mia. Napatingin naman si Mia sa kaibigan at tinigil ang ginagawa.
"Ano na?" mabilis na tanong ni Mia.
"Itutuloy ko."
Pagkasabi ni Cindy noon, natuwa ang kaibigan niya at niyakap siya.
"Tama iyan, friend... Masaya ko sa desisyon mo." at kumalas sa pagkakayakap. "Kailangan mong ituloy upang magawa mo yung gusto mo - lalo na at gusto mong makita ang totoong Joel, ang boss mo. Sigurado ako na naninibago rin yon dahil nawala ka ng isang linggo at sa pagbalik mo, feeling ko magbabago ang lahat." mahabang wika ni Mia.
"Sana nga, friend." at ngumiti si Cindy.
Nagpasya na si Cindy na lumuwas papuntang Manila, habang nasa biyahe siya ay sina-sariwa niya lahat-lahat ng naging experience niya simula una hanggang sa magdecide siya na ituloy ang nasimulan niya. Hindi mo talaga malalaman ang isang bagay o sitwasyon, unless na subukan mong umattend at alamin ang nakapaloob doon. Kung sa bawat mangyayari sa buhay natin ay lagi tayong magsho-show up upang alamin at ma-experience iyon, doon natin malalaman ang tunay na aral ng buhay para sa atin.
Nang makarating na si Cindy sa Manila, dumeretso kaagad siya sa residence nila Mrs. Grace dala-dala pa niya ang specialty ng Bataan 'ang milkfish o bangus'. Kaagad naman siyang pinagbuksan ni Manong ng gate.
"Cindy, akala ko ay nag-quit ka na." bungad na bati ni Manong sa kanya. "Grabe ang lungkot ng buong bahay simula ng umalis ka. At iba ang awra ni Sir Joel, mas okay na nandito ka kesa wala." dugtong pang wika nito. Napangiti naman si Cindy,
"Nako manong, salamat po. Nag-unwind lang po ako at bumisita sa mga magulang ko at sa kaibigan ko." pag-eexplain ni Cindy, hindi na niya sinabi na puntod ng magulang niya ang binisita niya. Si Aeron at Mrs. Grace lang ang may alam na solo na lang siya sa buhay, dahil wala na ang mga magulang niya.
"Pasok ka na sa loob." sunod sa wika ni Manong,
"Sige po manong." at may inabot si Cindy, "Pasalubong po, galing Bataan."
"Ay nako iha, nag-abala ka pa." masayang wika ni Manong at kinuha ang isang balot.
"Syempre po." masayang sagot naman ni Cindy,
At pumasok na siya sa loob ng bahay. Nakita niya si Manang Tess na nagliligpit sa kusina. Dahan-dahan siyang lumakad papalapit kay Manang, at saka niya ito niyakap patalikod.
"I miss you manang." pagkasabi niya non, nagulat si manang at napaharap kay Cindy habang si Cindy ay napakalas sa pagkakayakap.
"Mabuti naman at bumalik ka iha. Akala namin ay nag-quit ka na talaga." bungad ni manang sa kanya.
"Nag-unwind lang po ako manang. May nabasa po kasi akong quote na 'When it hurts observe, life is trying to teach you something' then narealize ko na, kung mahirap man 'yong nararanasan ko ibig sabihin lang non may itinuturo sa akin." mahabang wika ni Cindy
Napangiti naman si manang.
"Hay nako, iha. Nung wala ka, halata kay Joel na parang naninibago siya. Nasanay na yata sayo eh." masayang wika ni Manang.
"Nako po manang. Wala na po kasi siyang pagtitripan kaya ganon..." at tumawa ng mahina, "Pero po, maiba tayo manang nasa po sila maam?" pagtatanong nito.
"Nasa taas si madam, baka nagpahangin sa terrace." sagot ni manang.
"Ah sige manang, iwan ko na sa'yo itong konting pasalubong ko." at inabot ang nakabalot na milkfish.
Nagtungo na si Cindy papunta sa hagdan upang umakyat dala-dala ang gamit niya. Nang nasa b****a na siya patungong terrace, nakita niya sina Mrs. Grace at Joel na seryosong nag-uusap.
"Anak, I'm sorry."
Iyon ang unang narinig ni Cindy ng sandaling matanaw niya ang dalawa na nag-uusap. Halatang-halata sa mukha ni Mrs. Grace ang lungkot, habang si Joel seryoso ang mga tingin sa mommy niya. Dahil doon, hindi na naikilos ni Cindy ang sarili niya upang umalis para hindi marinig ang pribadong usapan na iyon ng mag-ina.
"It's nonsense!" Sagot ni Joel at umiling, "I need to rest." napatago si Cindy sa may kurtina upang hindi siya mapansin nang sandaling tumalikod si Joel upang iwanan na ang mommy niya ngunit kaagad na nagsalita si Mrs. Grace.
"You need to hear everything, son. You need to accept the reality, na may bago na akong asawa at iba na ang dati sa ngayon."
Mariing turan ni Mrs. Grace, dahilan upang magdecide si Cindy na mag-stay at pakinggan ang buong usapang iyon. Alam niyang hindi tama ang ginagawa niya ngunit gusto lang niyang pasukin ang buhay ni Joel upang malaman niya ang puno't dulo ng mga kinikilos nito.
"Hindi ba obvious, na alam ko na ang lahat na iyan?" galit na wika ni Joel sa mommy niya, na hindi makapaniwala si Cindy na sa ganoon akto kakausapin ni Joel ang mommy niya. Sa istilo nito, halatang-halata ang namuong galit at sakit sa mga tingin niya sa mommy niya, iyon ang unang beses na makita ni Cindy si Joel na nag-open up. "Iba na nga ang dati sa ngayon kaya huwag mong hanapin yung anak mo noon sa anak mo ngayon." mariing na utos pa ni Joel sa mommy niya, napaluha naman si Mrs. Grace at pilit na kinakaya ang mga salitang binibitawan ng anak niya, "Hindi na ako yung dating Joel mom. Ikaw iyong lumimot sa Joel na iyon, kaya ako naging ganito."
At nagulat si Cindy ng makita si Joel na naluha habang nakatingin sa mommy niya, ramdam ni Cindy ang sakit sa mga salitang binitiwan ni Joel, "Sobrang lungkot pala ng buhay niya." wika ni Cindy sa isipan niya, at napapunas din siya ng luha sa pisngi dahil nadala siya sa eksena ng mag-ina.
"Anak." umiiyak na samo ni Mrs. Grace sa anak niya, sumikip din ang dibdib ni Cindy dahil nakikita niya si Mrs. Grace na umiiyak. At kung nabubuhay pa ang mama niya, iyon ang iniingatan niyang hindi maranasan ng mama niya - ang umiyak dahil sa sakit at dulot niya.
"At kung mag-ha-hired ka ulit ng personal assistant ko, siguraduhin mong kayang-kaya niya akong i-handle kasi kung hindi... laging mauulit at mauulit ang senaryong ito." galit na wika ni Joel. Biglang kinabahan si Cindy sa narinig niyang winika ni Joel. Sobra-sobra ang galit nito kaya bigla siya nakaramdam ng takot na baka mas mahirapan siyang ihandle si Joel kaya napatanong siya sa sarili niya na tama ba na ituloy niya ang kontrata at bumalik ulit sa bahay ng mga Mendoza o dapat na mag-quit na talaga siya upang hindi na ma-involve sa mga issues ng mga ito?
"Anak, huwag mo namang pahirapan yung mga nasa paligid mo. Ayusin natin kung anong naging problema natin. Please!" pakiusap ni Mrs. Grace kay Joel, na hindi na maatim ni Cindy na makita at marinig iyon dahil para sa kanya ang pinaka-ayaw niya ay ang nakikiusap ang ina sa anak upang maging maayos lang ang lahat.
Ngumisi naman si Joel, "Problema natin?" at sumeryoso siya ng tingin sa mom niya, "Alam mo kung sino ang problema natin, mom. Kung gusto mo talagang ayusin, dapat noon pa. Ngayon, paano mo aayusin ang isang problema kung niyakap mo na iyon?" patanong na wika ni Joel, na tumutukoy sa pagpapakasal ng mommy niya.
'Joel, ibang klase ka talaga.' wika ni Cindy sa isipan niya, ano bang gusto niya? Na maghiwalay ang mommy niya at si Sir Renato? Ayaw ba niya na sumaya ang mommy niya? Mga tanong ni Cindy sa isipan niya. Sobra siyang nawiwindang sa mga narinig niyang usapan. Sobrang lalim pala ng sugat na pinaggagaling ng lahat ng nangyayari at ginagawa ni Joel.
"Anak, hindi na natin maibabalik iyon. Kasal na ko sa Tito Renato mo, at kapatid mo na si Aeron ngayon. Tanggapin mo nalang iyon para matapos na ito. Ayaw mo ba akong maging masaya ulit?" patanong na wika ng mommy ni Joel na kinangisi ni Joel at sabay punas sa luha nito sa pisngi.
Nang sandaling iyon, napagitnaan si Cindy ng parehong emosyon. Emosyong bumabalot kay Joel at kay Mrs. Grace. Parehong valid ang mga nararamdaman nila, ngunit may isang bagay lang ang dapat gawin upang matapos ang problemang iyon - kailangan ng acceptance. Kailangan nilang patawarin ang isa't isa at magsimula muli ng bagong kabanata.
"Exactly mom!" at tumingin si Joel ng malalim sa mommy niya, "Hindi ko kailanman matatanggap ang lahat ng ito, kaya walang maaayos. Gusto mong i-consider ko ang happiness mo? E binasura mo nga ang dapat kong maramdaman." at pagkasabi ni Joel non, tinalikuran niya ang mommy niya.
Hindi na nakatago si Cindy at nakita siya nina Joel at Mrs Grace, na may luha sa pisngi dahil sobra siyang nadala sa eksena ng dalawa. Dali-dali niyang pinunasan ang pisngi niya habang nakatingin ng seryoso si Joel sa kanya, hindi maikilos ni Cindy ang dalawang paa niya at feeling niya ay lulubog siya sa kinatatayuan niya.
"Cindy?" wika ni Mrs. Grace, at inayos nito ang sarili. Tumingin naman ng masama si Joel kay Cindy bago siya lagpasan.
"Pasensya na maam, hindi ko po intensyon na marinig ang usapan niyo." pag-explain ni Cindy, at narinig na lang nila ang malakas na pagsarado ng pinto ni Joel.