PATULOY ANG pag-uusap ng magkaibigan,
"Friend, anong desisyon mo? Babalik ka pa ba sa Manila?" tanong ni Mia kay Cindy.
Sa isang linggong pamamalagi ni Cindy sa Bataan, sa probinsya nila upang makapag-isip isip kung itutuloy pa ba niya o hindi ang kontratang pinirmahan niya.
Flashback:
"Ma'am, magpapaalam lang po ako kung pwede po akong makahingi ng isang linggong bakasyon. Kailangan ko po kasing mag isip-isip tungkol sa mga nangyayari sa'kin." seryosong wika ni Cindy kay Mrs. Grace habang nasa Garden sila.
"Iha. Alam kong medyo challenging sa'yo ang ipinapakitang ugali ni Joel. Pero, may kontrata tayo. Alam kong sinasadya lang lahat ng anak ko ang mga bagay-bagay upang mapasuko na naman ang personal assistant na ini-hired ko para sa kanya. Sana, huwag kang bumilang sa mga personal assistant na iyon. May tiwala ako sa'yo kaya kita kinuha."
Dahil sa pagsusumbong ni Cindy sa lahat ng kaganapan sa school nila, nag-request siya ng isang linggong bakasyon upang makapag-isip isip.
"Maam, alam ko po iyon. Gusto ko lang po munang huminga at makalanghap ng ibang hangin sa probinsya namin." pag-eexplain ni Cindy,
"Okay sige. Papayagan kita at aasahan kong babalik ka upang ituloy ang napag-usapan natin ha Cindy?" seryosong wika ni Mrs. Grace.
Tumango na lamang si Cindy.
"Friend, base sa mga kwento mo sa'kin. May goodnews at badnews naman ang pag-stay mo sa residence nila Ma'am. Goodnews 'yong nakakapag-aral ka na, may maganda kang tirahan at nagkaroon ka pa ng kaibigan na gwapo... ano nga ulit ang name niya, Aeron. Sabi mo, mabait iyon at makulit na tao kaya nga lang, yung badnews, ang boss mo ay yung lalaking ipinakita mo sakin sa picture na gwapo at malakas ang dating ngunit suplado na, maloko pa. Siya 'yong dahilan kung bakit ka nanghingin ng 1 week break kahit kakaumpisa palang ng school nyo." mahabang pagsasalita ni Mia, habang si Cindy ay binabalanse ang kaniyang desisyon.
"Actually friend, iniisip ko kung kumusta si Joel?" seryosong turan ni Cindy, "Kasi one week akong wala, sinong tumatawag sa kanya kapag kakain na, nag- reremind sa kanya. Alam mo, sa isang buwang pamamalagi ko sa Manila parang nasanay na ko sa ganoong routine." pag -oopen up niya. "Ano na kayang naging ganap sa school? Kalat pa rin ba ang naging viral news sakin?" at napahinga siya ng malalim.
"Ayun naman pala eh, namimiss mo yung mga gawain mo sa Manila. At may pakiramdam ako, na pati si Joel na boss mo e namimiss mo rin, tama ba ko?"
"Maybe. Gusto ko kasi siyang makitang magbago. Yung i-enjoy nya rin yung life niya, sobrang seryoso kasi no'n tapos sobrang isnabero. Sa akin lang, maloko yon eh." dugtong pang wika ni Cindy.
"Hmmm sounds wierd? Baka naman kaya naipapakita niya sayo ang pagiging maloko niya dahil komportable siya sayo?" patanong na wika ni Cindy,
"Mali ka, kaya siya ganon dahil gusto niya na sumuko na ko. Kaya nga, hindi ko alam kung kapag ba bumalik ako sa Manila at ituloy ko baka mamaya e mas grumabe yung mga gagawin niya." at napasimangot si Cindy dahil akala niya si Joel ang may gawa ng pagpapakalat ng viral news niya.
"Tulad nang?" curious na tanong ni Mia, kahit na nagkukwento si Cindy sa kaibigan niya may limit pa rin iyon. Hindi niya na kwento na kumalat sa campus nila na buntis siya kahit hindi naman totoo. Maging ang mga panget na pangyayari sa kanya roon. Ang tanging naikwento lang niya ay ang pagiging masungit, isnabero ng boss niya at ang tungkol kay Aeron na naging kaibigan niya.
"Ayon nga... baka hindi ko pala kaya." iyon na lamang ang nasabi ni Cindy.
"Ha?" hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay niya sa kaibigan, "Ikaw ba yan, friend? Ang kilala kong Cindy, matapang e bakit parang ngayon eh naduduwag ka na?"
Napangiti si Cindy kay Mia dahil sa sinabi nito.
Sa kabilang banda naman, sa isang linggong lumipas wala pa ring buhay ang bahay ng mga Mendoza - nasa terrace si Joel habang napapaisip sa mga sinabi ni Aeron sa kanya.
"Hinahanap mo si Cindy? Bakit?" seryosong tanong nito sa kanya, "Naninibago ka ba?" at ngumisi ito sa kanya, "Nawalan ka ng taong andyan lagi sa tabi mo? Na kahit anong ugaling ipakita mo e pinagtitiyagaan ka? So, anong pakiramdam na sukuan ka ulit?"
"Hinahanap ko lang siya dahil personal assistant ko siya, may mga ipapagawa ako sa kanya." pagdadahilan niya rito, "At wala siyang pasabi na hindi na pala niya kaya, kaya suko na siya." at ngumisi si Joel upang ipakita na hindi siya apektado.
"Alam mo, bro. Ang swerte mo nga at binigyan ka ng mom mo ng personal assistant para naman may makakasama at makakausap ka sa school... masyado ka kasing isnabero at ayaw makipag-usap sa ibang studyante. Nagtataka nga ako at isa kang heartthrob sa school natin eh." napangisi ulit ito, "Eh, mukhang hindi naman bagay sayo." dugtong pa nitong wika.
"Bakit? Natatakot ka bang mawala sa pagiging asset ng campus?" seryosong wika ni Joel, napa-iling naman si Aeron.
"Hindi naman. Namimiss ko lang si Cindy." prangkang wika ni Aeron, "Aminin ko na sayo, bro no. May gusto ako kay Cindy."
Pagkasabi ni Aeron non, nainis si Joel na halata sa mga tingin niya kay Aeron habang si Aeron naman nakangiting nakatingin sa kanya.
"Sa ngayon, magkaibigan na kami at sa mga susunod, plano ko na magtapat sa kanya." wika pa nito, "Kung sakaling tumuloy siya bilang personal assistant mo, kukunin ko yung chance na yon para maging karamay niya sa twing pinapahirapan mo siya at kung hindi naman siya tumuloy, dadalawin ko nalang siya sa probinsya nila." pag-oopen up ni Aeron kay Joel.
"Wala akong pakealam sa mga plano mo." inis na wika niya rito. "Umuwi pala sa probinsya si Cindy?" sunod niyang tanong. "Ibang klase rin, isang buwan pa lamang nakuha na niyang umabsent sa klase niya. Kunwari pa siya na pinapahalagahan niya ang pag-aaral niya," at ngumisi siya.
"Hindi mo alam ang dahilan niya." pagdepensa ni Aeron.
"Wala akong pakealam sa mga dahilan niya. Pare-pareho lang din sila ng mga babae sa campus." at saka siya tumalikod upang iwan si Aeron.
Nanatili si Joel sa terrace, hanggang sa...
"Ba't indi ka pa natutulog, son?"
napalingon si Joel sa nagsalita, nakita niya ang mommy niya na nakatingin sa kanya. Simula ng magdesisyon ang mommy niya na mag-asawa ulit, nawalan ng gana si Joel na kausapin ito kaya tumingin lang siya saglit sa mommy niya at maglalakad na sana nang pigilan siya nito at hawakang sa braso.
"Joel." tawag ng mommy niya sa pangalan niya, "Let's talk?" pakiusap nito.
"Tungkol saan?" pagtatanong niya at tumingin ng seryoso sa mommy niya,
"Sa nangyayari sa atin." malalim ng paghinga ang binitiwan ng mommy niya. Bumalik si Joel sa pagkakapatong ng braso niya sa railing ng terrace at tumingin sa malayo, ganon din naman ang ginawa ng mommy niya.
Hindi alam ni Mrs. Grace kung paano niya sisimulan ang pakikipag-usap sa kanya anak. Ibang-iba na kasi ang dati sa ngayon, ibang-iba na ang lahat.
"Anak, I'm sorry." iyon ang unang lumabas sa bibig ni Mrs. Grace, napatingin naman si Joel sa mom niya nang sandaling iyon.
"It's nonsense!" at umiling si Joel, "I need to rest." at tatalikod na ulit si Joel dahil ayaw na niyang pakinggan ang sasabihin ng mommy niya.
"You need to hear everything, son. You need to accept the reality, na may bago na akong asawa at iba na ang dati sa ngayon." turan nito,
"Hindi ba obvious, na alam ko na ang lahat na iyan?" galit na wika ni Joel sa mommy niya, "Iba na nga ang dati sa ngayon kaya huwag mong hanapin yung anak mo noon sa anak mo ngayon." mariing na utos ni Joel, "Hindi na ako yung dating Joel mom. Ikaw iyong lumimot sa Joel na iyon, kaya ako naging ganito." at naluha si Joel habang nakatingin sa mommy niya,
"Anak." at naluha na rin si Mrs. Grace,
"At kung mag-ha-hired ka ulit ng personal assistant ko, siguraduhin mong kayang-kaya niya akong i-handle kasi kung hindi... laging mauulit at mauulit ang senaryong ito." galit na wika ni Joel.
"Anak, huwag mo namang pahirapan yung mga nasa paligid mo. Ayusin natin kung anong naging problema natin. Please!" pakiusap ni Mrs. Grace kay Joel.
Ngumisi naman si Joel, "Problema natin?" at sumeryoso siya ng tingin sa mom niya, "Alam mo kung sino ang problema natin, mom. Kung gusto mo talagang ayusin, dapat noon pa. Ngayon, paano mo aayusin ang isang problema kung niyakap mo na iyon?" patanong na wika ni Joel, na tumutukoy sa pagpapakasal ng mommy niya.
"Anak, hindi na natin maibabalik iyon. Kasal na ko sa Tito Renato mo, at kapatid mo na si Aeron ngayon. Tanggapin mo nalang iyon para matapos na ito. Ayaw mo ba akong maging masaya ulit?" patanong na wika ng mommy niya,
Ngumisi ulit si Joel at pinunasan ang luha sa pisngi, "Exactly mom!" at tumingin ng malalim sa mommy niya, "Hindi ko kailanman matatanggap ang lahat ng ito, kaya walang maaayos. Gusto mong i-consider ko ang happiness mo? E binasura mo nga ang dapat kong maramdaman." at pagkasabi ni Joel non, tinalikuran niya ang mommy niya.
At maglalakad na sana si Joel nang makita nila si Cindy na nakatayo roon at nakatingin sa kanilang dalawa.
"Cindy?" wika ni Mrs. Grace, at inayos ang sarili. Tumingin naman ng masama si Joel kay Cindy bago lagpasan ito.
"Pasensya na maam, hindi ko po intensyon na marinig ang usapan niyo."
Rinig ni Joel na sinabi ni Cindy bago siya pumasok sa kwarto niya.