Chapter 18: Stranger's Love - Her Absence

1533 Words
"NASA SA IYO ang desisyon. Ikaw ang nakararanas ng mga bagay-bagay sa buhay mo kaya alam mo kung nakatutulong ba o hindi ang pag-stay mo rito sa Manila. Siguro naman, marami ring school sa Probinsya nyo na may offer din ng scholar o anything na pwedeng magbenefits sa'yo. Kung hindi ka masaya sa kung nasaan ka man ngayon, baka may lugar na nakatadhana para sa'yo." Habang nakasakay si Cindy sa bus pauwi sa Probinsya nila, pabalik-balik sa isipan niya ang makahulugan na sagot ni Aeron sa kanya. Mga ilang oras din ay nakarating na si Cindy sa Bataan. Dahil hindi alam ng kaibigan niya na uuwe siya ay nasurpresa ito nang makita siya. "Cindy?" gulat na tawag nito sa pangalan ni Cindy. "Teka, bakit ka napauwe? Nagkaroon ka ba ng problema roon?" worried na tanong ng kaibigan niya sa kanya. Natawa naman si Cindy, at sabay yakap kay Mia. "I miss you so much, friend." masayang-masayang wika ni Cindy. "I miss you so much and much, friend." at mahigpit din itong yumakap sa kanya. Mga ilang sandali lang din, nagkalas na sila sa pagkakayakap. "Halika nga muna sa loob ng bahay, hindi mo naman ako sinabihan na uuwi ka rito sa atin edi sana naipaghanda ko ang pagdating mo." at saka sila pumasok sa loob. Pagkapasok nila ay naupo na si Cindy sa sofa habang si Mia naman, nagtungo sa kusina upang kumuha ng pagkain. "So anong mayroon at napauwe ka rito? Goodnews ba o badnews?" habang dala ang pagkain at inilapag sa maliit ng table malapit sa sofa. "Ayon, syempre goodnews at badnews." in begtween na sagot ni Cindy. Mas na-excite naman si Mia na malaman ang mga iyon. "Dali na. Anong kwento?" at nakaready na itong makinig. Uminom muna si Cindy ng softdrinks at kumain ng biscuit na inihanda ni Mia. Natutuwa siya dahil masaya at excited ang kaibigan niya na malaman ang nangyayari sa buhay niya sa Manila. "Ano bang gusto mong unahin kong ikwento?" hindi naman maitago sa mga mata ni Mia ang pagka-excite. "Syempre yung goodnews." mabilis na sagot ni Mia. Ngumiti naman si Cindy bago magkwento. Nang nagsimula na siya magkwento, natutuwa siya sa mga reaction ng kaibigan niya. Sa kabilang banda naman, pagtataka ang bumungad kay Joel dahil tanghali na ay wala pang nanggugulo sa kanya kaya naisipan na niyang maggayak at tumungo sa kusina. Nadatnan niya ang mommy niya at sina Mr. Renato at Aeron na kumakain na ng breakfast. "Son, gising at nakagayak ka na pala. Halina at sumabay ka na sa amin." wika ng mommy niya. Napatingin si Joel sa bandang kusina kung nandon si Cindy bago siya naupo sa pwesto niya. Pinipigilan niyang huwag itanong kung nasaan si Cindy dahil iyon naman talaga ang gusto niya, ang sumuko si Cindy. Tahimik ang lahat habang kumakain, bumalik na naman sa dati ang lahat. Walang kabuhay-buhay na tahanan. Pagkatapos kumain ay nagpasya na si Joel na umalis upang pumasok sa school, tumayo na rin si Aeron upang sumabay sa pagpasok ngunit nang nasa tapat na sila ng kotse, "Good morning mga sir." bati ni manong, napapatingin pa ito sa pinto kung nahuli lang ng paglabas si Cindy ngunit mga ilang segundo na ay wala parin. "Kayong dalawa lang po? Asan po si Maam Cindy?" pagtatanong ni Manong, wala namang sumagot sa dalawa at sabay pang nagbukas ng pinto ng kotse upang pumasok. Pagtataka ang bumungad kay Manong bago tuluyang paandarin ang kotse at umalis. Nang nasa school na sila, nagkanya-kanya na sina Joel at Aeron. Halata kay Joel ang paninibago dahil wala si Cindy na laging nakasunod sa kanya habang si Aeron naman, sinimulan na ang pagpapa-imbistigahan sa naging viral news tungkol ay Cindy. Naupo si Joel sa may pwesto niya nang makarating na sa kanyang classroom. Habang naghihintay si Joel ng klase, naalala niya ang huling pagtatalo nila ni Cindy at hindi niya akalaing magiging totoo ang lahat na iyon, na susukuan siya ni Cindy. Humarap naman si Cindy sa kanya, "Iyon naman ang gusto mo hindi ba? Ang sukuan ka ng lahat ng taong nasa paligid mo." seryosong pagbitaw ng mga salita ni Cindy, "P'wes sige. Ibibigay ko ang ikasasaya mo." Napailing si Joel nang maalala niya ang mga binigkas ni Cindy sa harapan niya. "Mahina pala siya. Hindi siya ganoong katapang tulad ng inaasahan ko." wika niya sa isipan niya at nakaramdam siya ng panghihinayang. Nang malaman ni Aeron kung sino ang mastermind sa naginh viral news, kaagad niya itong pinatawag. Nasa likod ng gym sila ni Vincent at hinihintay na dumating ang mastermind sa naging kaganapan kahapon. Hindi na nagulat si Aeron nang makita niya sina Moira at Gelai. Habang ang dalawang queen campus naman ay pagtataka ang bumungad sa mga mukha ng sandaling makita si Aeron. "Teka, bakit kami pinapunta rito?" usisang tanong ni Moira. Seryoso naman ang mga tingin ni Aeron sa kanilang dalawa. "Aeron, bakit mo kami pinapunta rito?" pag-ulit ng tanong ni Moira. "Marami pa kaming gagawin." dugtong pa nito. "Kayo pala ang may gawa ng viral news?" mariing wika ni Aeron. "Viral news na wala namang sense." halata sa tono ng boses ni Aeron ang inis. "I will report that in guidance office so that you have receive punishment for that act." Nagulat naman ang dalawang queen campus sa narinig nila. "Teka, yung viral news na iyon. Totoo naman yon ha." seryosong sagot ni Gelai dahil sa pag-aakala niyang totoo ang pagiginv preggy ng newbie scholar. "Gaano ka kasigurado na buntis siya?" pagsingit ni Vincent, "You need a proof before you accuse someone." "Eh teka nga! Bakit ba super affected nyo? Si Cindy nga hinayaan lang ang viral news tapos kayo ganiyan kagigil na sabihin at alamin kung totoo o hindi ang lahat." Lumapit si Gelai kay Aeron, "Hayaan na lang natin." "No Gelai. Mali itong mga pinaggagagawa niyo kaya kailangan nyong mabigyan ng aral. Hindi nyo alam kung anong epekto ng ginawa nyo sa isang tao. Maaaring maging trauma ito sa isang tao dahil sa pagkakalat nyo ng maling impormasyon." seryosong- seryosong wika ni Aeron. "Aeron naman ... " malambing na wika ni Gelai, "Huwag mo naman kaming ipahamak." pakiusap nito. "Oo nga, Aeron." sabat naman ni Moira, "Teka nga, hindi namin nakikita si Newbie? Wala ba siya ngayong araw?" dugtong pa niyang tanong. "Yes. Wala siya!" tipid na sagot ni Aeron, at sumagid sa isip niya ang huling sinabi ni Cindy sa kanya. "Ano kaya kung bumalik na lang ako sa probinsya namin?" napailing si Aeron nang sandaling iyon, kahit na isang buwan pa lamang sila ang lumipas simula ng naging magkaclose sila. Iba na ang awra kapag wala si Cindy, iyon ang biglang na-miss ni Aeron nang sandaling sumagi sa isip niya ang huling usapan nila. Hindi naman niya akalaing susundin ni Cindy ang payo niya. "Mukhang natakot siya sa viral news niya ha. Baka kasi totoo talaga." wika ni Moira na siyang kinakunot lalo ng noo ni Aeron. "You don't have a right to judge someone." at tumingin siya kay Vincent, "Dude, tell my dad to punish them." seryosong utos ni Aeron, na kinabigla nina Moira at Gelai. "Aeron, bakit mo naman kami ilalaglag. Queen campus kami ng paaralan niyo, magiging kasiraan to. Please dont do that." pagmamakaawa ni Gelai. "Oo nga. Hindi naman namin intensyon na mag-absent si newbie dahil sa viral news niya. Gusto lang namin na maklaro ang mga issues kaya namin ginawa iyon." "P'wes mali ang pamamaraan niyo. Kung walang aksyon na gagawin, sa mga susunod ay mauulit at mauulit ito. Moira, Gelai or the queen campus, hindi ako nagtotolarate ng ganitong mga kilos even my dad." at pagkasabi ni Aeron no'n, tinalikuran na niya ang dalawa. Umiling naman si Vincent sa dalawa bilang sign ng disappointment bago sumunod kay Aeron. Maghapong tutok sa pag-aaral si Joel upang hindi sumagi sa isip niya si Cindy, ayaw niyang makaramdam ng guilt sa mga nasabi niya kay Cindy at sa mga nagawa niya rito. Gusto niyang malaman kung bakit wala si Cindy ngunit ayaw niyang itanong iyon sa mommy niya o kay Aeron dahil baka kung ano pang isipin ng mga iyon sa kanya. Masyadong mataas ang pride ni Joel kaya kahit na naninibago siya, hinding-hindi niya gagawin o itatanong kung bakit wala si Cindy. Nang matapos ang klase niya ay sinandya niyang dumaan sa classroom ni Cindy upang silipin kung nandon si Cindy ngunit tanging mga usap-usapan lang ang kaniyang narinig. "Mukhang hindi matanggap ni Cindy 'yong naging viral news sa kanya kaya hindi nakapasok." wika ng isang babae "Oo nga eh. Kawawa naman siya, nakakatrauma ang bagay na iyon lalo na at hindi naman totoo. Kabago-bago pa naman niya." sagot naman ng isang babae. "Sana hindi siya mag-quit sa school. Mukha pa naman siyang mabait at masayang kasama." "Kaya nga eh." Malungkot ang grupo ng studyante habang nag-uusap-usap. Nang marinig ni Joel iyon, kaagad na siya lumakad at umalis. Pababa pa lamang siya ng hagdan nang masalubong niya si Aeron, tiningnan lang siya ni Aeron at lalagpasan na ng lakad nang biglang, "Sandali lang." wika ni Joel. Huminto naman si Aeron at humarap kay Joel na nakatingin sa kanya. "Alam mo ba kung nasaan si Cindy?" Nang sandaling iyon, seryosong tingin lamang ang ibinigay ni Aeron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD