Chapter 17: Stranger's Love - Viral News

1517 Words
SERYOSONG-SERYOSO si Joel habang naglalakad papunta sa lobby upang tingnan ang bulletin board. All this time, akala niya ay kontrolado niya ang lahat ngunit hindi niya akalaing magiging ganito ang kalalabasan ng pananadya niya. He's not the type of guy na maaapektuhan sa mga issue-issue sa buhay maliban na lang kung tungkol iyon sa mommy niya at sa pamilyang mayroon siya ngayon. Sa kabilang banda naman, nang makabawi na ng enerhiya si Cindy ay nagdecide na siya umalis sa clinic. "Are you sure na kaya mo na?" paninigurado pang tanong ni Aeron. Ngumiti naman si Cindy saka tumayo. "Oo, kaya ko na. Kailangan na nating bumalik sa mga room natin at baka may ma-skip tayong lesson." turan pa niya. "Sige." at lumabas na sila sa clinic. Habang naglalakad sila sa hallway, hindi maipaliwanag ni Cindy ang kakaibang ambience sa paligid maging ang mga studyante ay iba ang mga tingin sa kanya. Ibang-iba iyon hindi tulad ng mga unang tingin bilang isang newbie bagkus may mga laman ang tingin na iyon. Dahil sa curiousity ni Cindy ay nagdecide siyang pumunta sa lobby upang tingnan ang bagong news na naka-post doon. Nakasunod naman si Aeron sa kanya dahil worried pa rin ito kay Cindy. Hindi pa man sila nakakalapit sa may bulletin board, napatingin na kaagad kay Cindy ang mga studyanteng nasa lobby, napataas kilay naman si Cindy at kaagad niyang napansin si Joel na nakatingin sa bulletin board. "Ayan na si newbie." Nang marinig ni Joel iyon, napalingon siya sa likuran niya at nagtama ang mga tingin nila ni Cindy. Hindi maipaliwanag ni Cindy ang pagbilis ng t***k ng dibdib niya sa pagkakataong iyon habang si Joel ay pinagmamasdan lang ang kabuuan ng mukha ni Cindy na halatang hindi pa nakakabawi ng energy. Habang papalapit siya ng papalapit sa bulletin board, "Ngayon lang nagkaroon ng viral news dito na ganito. Isang newbie na nahimatay dahil buntis pala." Nang marinig ni Cindy ang usap-usapang iyon, napakunot ng noo siya hanggang sa makalapit sa bulletin board. Hindi rin makapaniwala si Aeron sa nabasa niya sa bulletin board, habang si Joel nakatingin pa rin kay Cindy habang binabasang mabuti ang nakasulat doon. "Another issue na naman!" walang energy niyang wika at napatingin kay Joel. Hindi naman inaalis ni Joel ang tingin nito sa kanya, "Ganito ba lagi ang sasalubong sa akin dito sa paaralang ito?" habang nakatingin siya kay Joel, "Ito ba talaga ang gusto mong mangyari? Gusto mo ba talagang mag-quit ako?" mahinang tanong ni Cindy kay Joel at seryosong-seryosong nakatingin kay Joel. Wala nang pakealam si Cindy sa paligid niya, sa mga tingin ng mga studyante at sa mga bulung-bulungan ng mga ito. "Mag-quit saan?" curious na tanong ng isang babae. "Nakakahiya naman siya!" dugtong pa ng isang babae. Nanatiling nakatingin si Joel kay Cindy, habang si Aeron tumingin sa mga studyanteng nandon sa lobby. "Sinong may gawa nito?" galit na tanong ni Aeron. Tumahimik naman ang lahat, "Ang pino-post sa bulletin board ay ang mga related sa school natin hindi ang ganitong klaseng issue na wala namang basehan." masungit na wika ni Aeron, "Ipapa-imbestiga ko ito at mananagot ang gumawa ng ganitong klaseng issue." pagkasabi ni Aeron no'n, halata sa mga studyante ang takot. Pagkatapos magsalita ni Aeron, tumingin siya kina Joel at Cindy na magkaharap pa rin. Walang emosyon ang mga tingin ni Joel kay Cindy habang si Cindy, pinipilit na ipakitang matatag pa rin siya despite sa mga nangyari sa kanya ngayon araw hanggang sa hawakan ni Joel ang braso niya at hilahin siya palayo. Samo't saring ingay na naman ang umalingawngaw habang si Aeron ay naiwang nakatayo roon. "Ano ba talaga ang totoo?" usisa ng isang babaeng nakaponytail. "Ngayon lang yata ako nakaramdam ng excitement sa school." nakangiting wika naman ng isang babae. "Ano kayang mayroon sa newbie na iyon?" tanong naman ng isang lalaki at napangisi habang nakatingin sa papalayong Joel at Cindy. Sa kabilang banda naman, dinala ni Joel si Cindy sa rooptop kung saan silang dalawa lang ang nandoon. Cold ang mga tingin ni Joel kay Cindy habang si Cindy naman ramdam sa mga tingin ang galit. Hindi na niya kinakaya ang mga nangyayari, lalo na ang ma-issue na buntis siya. "May mas ilalala pa ba ito?" mariing tanong ni Cindy na sa pag-aakala niya ay kagustuhan lahat ni Joel ang nangyayari. "Gustong-gusto mo talaga akong mawalan ng trabaho." at ngumiti siya ng mapait. "Okay sige." at huminga muna ng malalim bago talikuran si Joel, "Susuko ka na?" patanong na turan ni Joel, napahinto naman sa paglakad si Cindy. "Kung alam ko lang na ito lang pala ang magpapasuko sa'yo, sana nung umpisa palang nangyari na ito." cold na wika ni Joel, at dahil doon mas lalong nainis si Cindy kaya na-conclude na niya na si Joel ang may gawa ng lahat ng iyon. Humarap naman si Cindy sa kanya, "Iyon naman ang gusto mo hindi ba? Ang sukuan ka ng lahat ng taong nasa paligid mo." seryosong pagbitaw ng mga salita ni Cindy, "P'wes sige. Ibibigay ko ang ikasasaya mo." "Okay, That's good!" at saka naglakad si Joel, walang emosyong nilagpasan si Cindy. Naiwan si Cindy sa rooptop, nanlambot ang mga tuhod niya nang sandaling nakaalis na si Joel kaya napaupo siya sa sahig. "Cindy... Paano na?" napatulo ang luha niya habang tinatanong ang sarili niya. "Saan ka na pupulutin niyan?" at napayuko siya habang umiiyak. Nawala ang matatag na si Cindy sa pagkakataong iyon, hindi niya na-expect o inasahan na ganito ang kakalabasan ng lahat. Kahit na ipakita niya na matatag siya, kapag nag-iisa na lamang siya ay hindi niya mapigilang maiyak dahil sa mga nararanasan niya. "Ma." pagtawag niya sa mama niya, "Pa." dugtong pa niya, "Nahihirapan po ako. Nahihirapan po ang anak nyo." pagsusumbong niya, "I grabbed the chance to be a scholar in one condition, ang maging personal assistant ng isang lalaking sobrang sama ng ugali. Sarili lang niya ang mahalaga sa kanya at wala siyang pakealam sa mga taong nasa paligid niya, ma, pa." pagkukwento niya, "Sign na po ba ito ng pagsuko?" sunod niyang tanong sa mga magulang niya habang nakayuko pa rin. "Nandito ka lang pala, newbie." Napataas ang tingin ni Cindy at nakita niya ang dalawang queen campus na sina Gelai at Moira. "Ow! Umiiyak ka ba?" pakunwaring pag-aalala ni Gelai at lumapit sila kay Cindy. "Masama 'yan para sa baby mo." at nag-cross armed ito. "Nagulat kami sa news na nagviral, hindi namin nahalata ng preggy ka pala?" patanong na wika ni Moira. "Kung alam lang namin, mas naging careful kami sa mga kilos namin." seryosong wika pa nito. Pinunasan naman ni Cindy ang mga luha sa pisngi niya at saka tumayo. "Oh dahan-dahan." plastic na pag-aalala ni Moira, "Baka kung anong mangyari sa baby mo." at kunwari pang tutulungan si Cindy na tumayo. "Nakita namin si Joel, halos kakababa lang galing dito sa rooptop. Hindi ba may kayo tapos malalaman ng lahat na preggy ka pala? So, anong napag-usapan nyo ni Joel? Natanggap ba niya ang lahat-lahat?" pag-uusisa ni Gelai. "Hindi namin inaasahan ang news na iyon, kung hindi ka pa nahimatay sa malapit sa hagdan ng third floor, hindi namin malalaman." dugtong pa nitong sabi. "Tanggap naman niya." tipid na wika ni Cindy at sinakyan na lamang ang mga sinabi ni Gelai. "Meaning?" nakataas kilay na tanong ni Moira. "Ano bang gusto nyong malaman? Kung nabigla ba siya? o nagalit ba?" imbis na makipagtalo si Cindy ay sinabayan na lamang niya ang trip ng dalawa. Hindi na siya nagsayang ng oras at enerhiya upang sabihin ang totoo dahil hindi na naman mahalaga ang bagay na iyon. "Sa kanya nyo nalang itanong iyong mga gusto nyong malaman. Ayaw kong sa akin pa manggaling." "Fine." mabilis na reply ni Gelai, "Tara na nga." aya niya kay Moira at tinalikuran si Cindy. Ngumisi naman si Moira bago sumunod kay Gelai. Naupo ulit si Cindy at nag-isip isip sa mga nangyari. Pinag-iisipan niyang mabuti ang mga susunod niyang mga hakbang. She's not the type of girl na basta nalang susuko dahil sa mga nangyayari sa kanya. Kung ang pagkawala nga ng mga magulang niya ay kinaya niya, ito pa kayang fake issues na kumakalat tungkol sa kanya. Nang magdecide siyang i-grab ang opportunity, inihanda na niya ang sarili niya sa mga pwedeng maganap sa buhay niya. Saglit pa siyang nag-isip isip bago magdecide na bumaba mula sa rooptop. Nang nasa hallway na siya, nasalubong siya ni Aeron. "Saan kayo nagpunta ni Joel? Nakapag-usap na kayo ng maayos?" Ngumiti naman si Cindy kay Aeron at inaya ito sa may garden. "Kailan ba kami nakapag-usap ng maayos ng boss ko?" pabiro pa niyang wika. "Nagsungit na naman ba? May pinagawa na naman ba sayo?" curious na tanong nito sa kanya. "Wala naman." at tumingin siya sa mga halaman, "Ano kaya kung bumalik na lang ako sa probinsya namin?" sunod na tanong niya na kinagulat ni Aeron. "Sa tingin ko kasi, mukhang iyon ang gustong mangyari ni Joel eh. Atleast diba, hindi na ko ma-involve sa issue ng pamilya nyo. Ano sa tingin mo?" at tumingin siya kay Aeron. Napaseryoso naman ng tingin si Aeron sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD