TAHIMIK SILANG NAKARATING sa School, walang imikan na nangyari kina Joel at Cindy. May paninibago man kay Joel dahil tahimik si Cindy ay dinedma na lang niya iyon at kaagad na bumaba ng kotse pagkarating na pagkarating nila sa school. Nagpaalam lang si Cindy kay manong at sumunod na kay Joel. Maraming bumabati kay Joel ngunit dedma lang ito sa mga iyon habang si Cindy naman nakasunod lang at hindi nagsasalita.
"Go to your room. I can handle myself." seryosong wika ni Joel habang patuloy sila sa paglalakad. Sa tuwing papasok sila sa School, ang una nilang tinitingnan ay ang nakapaskil sa bulletin board. Laging maraming studyante roon dahil gusto nilang maging updated sa mga news sa campus at kung anong activities. Kay Cindy nakatuon ang mga mata ng studyanteng nasa lobby kabilang na sina Gelai at Moira. Hindi naman pinapansin ni Cindy ang mga tingin na iyon at nakatuon din siya sa bulletin board.
Pagkatapos tingnan ni Joel, naglakad na siya ulit papunta sa may hagdan upang tumungo na sa room niya, nakasunod naman si Cindy habang nakasimangot dahil nagugutom na siya at wala pa silang breakfast ng umalis sila sa bahay hanggang sa harangin sila nina Moira at Gelai.
"Hi Joel. Good morning." nakangiting bati ni Gelai
Napatingin naman si Cindy sa dalawa, bago binalik ang tingin kay Joel. Imbis naman na pansinin ni Joel si Gelai ay nilagpasan ito. Kitang-kita ni Cindy ang pagsimangot ni Gelai.
Hinihintay naman ni Joel na magreact si Cindy sa ginawa niyang pag-snob sa dalawa ngunit walang energy si Cindy upang magsalita o magreact man lang. Nang naglakad ulit si Joel ay sumunod na lang ulit siya at dinedma nalang ang tingin nina Gelai at Moira sa kanya. Narinig pa nila ang inis na boses ni Gelai nang sandaling makalagpas na sila.
Sobrang naninibago naman si Joel kay Cindy kaya nang nasa hagdan na sila papuntang third floor ay huminto siya at humarap kay Cindy.
"Sa second floor lang ang room mo." seryosong wika ni Joel.
"Alam ko." tipid na sagot naman ni Cindy, sa kilos niya ngayon ay halatang ginagawa lang niya ang trabaho niya.
"So, bakit ka pa nakasunod sa akin?" taas-kilay na tanong ni Joel.
"dahil ginagawa ko ang trabaho ko." walang ganang sagot ni Cindy.
"and?" inis na tanong naman nito sa kanya, "Kailangan mo talaga akong ihatid sa room ko? Nagpapatawa ka ba?" dugtong pa nitong tanong.
"Yes kailangan." tipid na sagot naman niya then, "at hindi ako nagpapatawa." masungit pa niyang wika.
"Ok!" at tumalikod na si Joel saka nagpatuloy sa paglakad paakyat sa hagdan.
Napahawak si Cindy sa tiyan niya habang nakasunod kay Joel dahil gutom na talaga siya. Habang nakasunod siya kay Joel ay napapa-irap siya rito dahil sa inis. Hindi niya talaga maintindihan ang kinikilos ni Joel at kung ano ba talagang gusto niyang mangyari. Isa lang ang alam niya - gusto nito na mag-quit na siya sa pagiging personal assistant niya.
Nang makarating na sila sa room ni Joel, tinanggal na niya ang kamay niya sa bandang tiyan niya dahil tumingin sa kanya si Joel.
"Gusto mo lang yata makita 'yong room ko eh." nakangising wika ni Joel habang nasa tapat sila ng pinto ng room. Nakatingin naman ang mga kaklase ni Joel sa kanila.
"Kung 'yan ang gusto mong isipin." at huminga ng malalim si Cindy, "Pasok na sa loob." sunod na wika niya.
Napangisi naman si Joel habang nakatingin sa kanya, "Oo nga pala, hindi pa ko nagbe-breakfast. Tutal, ginawa mo na rin 'yung trabaho mo - dalhan mo na rin ako ng breakfast food dito." dere-deretso nitong wika sa kanya.
"Okay." at tumalikod na si Cindy at hindi nakipagtalo.
Napataas ang kilay ni Joel at pagtataka ang nasa isipan niya dahil hindi man lang nakipagtalo si Cindy sa kanya. Lahat ng sabihin niya ay sang-ayon lang si Cindy sa kanya. Nang wala na si Cindy sa paningin niya at nagpasya na siya pumasok sa loob ng room. Dumeretso siya sa pwesto niya, may ilang kaklase siya na binabati siya ngunit hindi niya pinapansin ang mga iyon.
Sa kabilang banda naman, tumungo na si Cindy sa Canteen upang um-order ng breakfast ni Joel. Kahit na gutom na gutom na siya at super low na ng energy niya ay pumili siya sa canteen lane. Mabuti na lang at hindi masyadong maraming studyante tulad ng lunch time kahapon.
"Cindy. Kailangan mong i-keri to." bulong niya sa sarili niya, "Kailangan mong sundin ang boss mo." sunod na usap niya sa sarili niya.
"Next." wika ng tindera sa kantin.
"Ito nga po, ate take out tapos po itong burger at juice po." at nag-swipe na siya upang makapagbayad. Nang makuha na niya ang order niya, kaagad siyang naglakad pabalik sa room ni Joel.
Inip na inip naman si Joel dahil sobrang tagal ni Cindy, kasabay pa ng pagrereklamo ng tiyan niya kaya naisipan niyang lumabas upang pumunta sa Canteen.
"Mukhang hindi ako sinunod ni Cindy." wika niya sa isipan niya saka napangisi. "Humanda siya sa akin." dugtong pa niyang wika.
Habang patuloy siya sa paglalakad pababa ng hagdan,
"Hoy. Nahimatay si newbie ah."
Rinig ni Joel na usap-usapan sa hallway. Napakunot noo naman siya at nakaramdam ng kaba sa dibdib.
"Nako... baka naman kaya nahimatay e buntis?" wika pa ng isang babae.
"Hay nako. Kabago-bago niya 'no, mahiya naman siya." turan naman ng isa.
"Pero may dala raw na food nung nahimatay sa hallway eh." chika pa ng isang babae, "Ayon, dinala sa clinic. Di ko lang sure kung sino yung bumuhat sa kanya kaya nasa clinic na siya ngayon." super na pagmamarites ng mga studyante.
Nang marinig ni Joel ang mga usap-usapang iyon ay dali-dali siyang tumungo sa School Clinic.
"Iha. 'Wag kang magpapalipas ng gutom dahil magkaka-ulcer ka niya at hihina ang immune system mo." rinig ni Joel na wika ng school nurse. Napasandal na lang muna si Joel sa pader, at pinakinggan ang usapan.
"Opo maam. Pasensya na po sa abala." nahihiyang sagot ni Cindy.
"Wala yon. Trabaho ko yan bilang isang nurse ng campus. Sino bang dadalhan mo ng pagkain sa third floor?" usisa ng nurse.
"Ah... kaibigan ko po."
Dahil sa sagot ni Cindy, bahagyang napangiti si Joel.
"Ang swerte naman ng kaibigan mong iyon, magpapakagutom ka para lang mahatiran mo siya ng pagkain. Hay nako, iba na yong ganyang galawan ha." biro pa ng nurse.
"Nako po maam. Wala pong ibang meaning yon. Kailangan lang talaga." mabilis na sagot naman ni Cindy, ngiti na lamang ang ini-response ng nurse sa kanya.
"O sya, diyan ka na muna at mag-rest ka ha." bilin ng nurse, tumango naman si Cindy.
Nang maramdaman ni Joel na umalis na ang nurse, papasok na sana siya sa loob ng clinic nang...
"Dapat hindi ka nagpapalipas ng gutom." concern na wika nito kay Cindy na rinig na rinig ni Joel, "Kagabe ka pa. Huwag mo naman pabayaan ang sarili mo dahil lang ginagawa mo ang trabaho mo kay Joel." dugtong pa nitong wika. Halatang-halata sa boses nito ang pag-aalala.
"Opo." nakangiting sagot ni Cindy, sumilip naman si Joel sa may bintana upang makita kung sino yung kausap ni Cindy at, "Thank you, Aeron at nandoon ka kanina. Kung wala ka roon, baka nautog na 'yong ulo ko sa hagdan at nagbleeding pa. Salamat ha."
Nang marinig ni Joel ang sinabi ni Cindy, nakaramdam siya ng konting guilt.
"Wala yon." at kinuha niya ang pagkaing in-order niya at inabot kay Cindy, "Kumain ka muna nang bumalik ang energy mo." dugtong na wika pa ni Aeron at naupo sa tabi niya.
Dahil hindi matiis ni Joel ang nakikita niya kina Aeron at Cindy ay nagpasya na siyang umalis. Dumeretso siya sa Canteen upang kumain dahil ramdam na rin niya ang gutom.
Habang kumakain siya ay nilapitan siya nina Gelai at Moira.
"Hello Joel." nakangiting bati ni Gelai. "May viral news kami sa'yo." dugtong na wika nito at naupo sa bakanteng upuan, maging si Moira.
Hindi naman pinansin ni Joel ang dalawa at nagpatuloy sa pagkain. "May nabasa kasi kami sa bulletin board kanina. Mukhang trending si newbie scholar." nakangiting wika naman ni Moira, hindi naman nagpaapekto si Joel sa mga pinagsasasabi ng dalawa.
"Kalat na ang news sa campus. Sobrang nahihiya ako para kay newbie. Hayyyy!" reaksyon ni Gelai.
"Lagi siyang nakadikit sa'yo tapos may iba naman pala siya. Kalat na kalat na ang news pa tungkol sa kanya. Alam mo ba na nasa clinic siya ngayon kasama 'yong lalaki niya?" dere-deretsong wila ni Moira. "Kaya pala siya scholar kasi magaling siya." nakangisi pa niyang wika na halata ang panunutya kay Cindy.
Napataas naman ng tingin si Joel at pabigla niyang nilapag ang kutsara at tinidor sa magkabilang side ng plato niya na kinagulat ng lahat.
"Joel?" nakakunot-noo na tawag ni Gelai sa pangalan ni Joel, "Gusto lang naman namin na maging aware ka sa newbie na yon." dugtong pa niya.
Tumingin lang si Joel sa dalawa bago tumayo at maglakad palabas ng canteen.
"Kung ayaw mong maniwala sa amin, bahala ka. Tingnan mo nalang ng sarili mong mata ang news na naka-post sa bulletin board." pasigaw na wika pa ni Gelai.
At hanggang sa nagdere-deretso na si Joel.