Chapter 15: Stranger's Love - A friend

1529 Words
NAGREREKLAMO NA ANG Tiyan ni Cindy dahil sa gutom habang si Joel, nagbabagal parin sa pagkain ng dinner niya. "Mukhang nagrereklamo na ang tiyan mo." walang emosyong wika ni Joel habang patuloy sa pagkain. "Ayaw mo pa kasing sumabay, 'yan tuloy baka magka-ulcer ka niyan." dugtong pa niyang sabi. Hindi naman pinansin ni Cindy ang mga sinabi ni Joel, wala na kasi siyang enerhiya upang makipagtalo pa sa boss niya. Mga ilang sandali pa ay natapos na si Joel sa pagkain ng dinner kaya tumayo na siya at lumakad paakyat sa taas. Napahinga ng malalim si Cindy at saka tumungo sa kusina. "Manang, nagdinner ka na po?" tanong ni Cindy kay manang habang busy ito sa paghuhugas ng mga pinggan. "Oo neng. Kumain na ko." sagot nito at patuloy sa ginagawa nito. Napatingin si Cindy sa relo niya at pasado alas onse na pala ito. "Ah sige po manang." Kumuha lang si Cindy ng slice bread na may palaman na cheese saka gatas. Pagkatapos, tumungo si Cindy sa terrace upang magpahangin. "Ma, Pa, kumusta na po kayo? Ako? heto, lumalaban sa buhay. Sana nandito pa kayo para may mapagsabihan ako ng mga nangyayari sa buhay ko." at bahagyang ngumiti si Cindy sa kawalan. "Ang hirap-hirap ma, pa. Sobrang hirap ng mag-isa lang." pagrereklamo niya. At ramdam ni Cindy ang hanging dumadampi sa kanyang balat. Sobrang lungkot ng gabing iyon para kay Cindy, mga ilang oras lang naramdaman niyang may tao malapit sa tabi niya na nakasandal sa railing ng terrance. "You need a friend?" Mahinang tanong nito na siyang kinalingon ni Cindy. "Kumain ka na ba ng dinner? Pasensya ka na kay Joel, ganyan talaga siya kaya walang tumatagal sa kanya." seryosong wika ni Aeron. Huminga ng malalim si Cindy at tumingin sa malayo. "Sinasanay ko yung sarili ko kaso kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin makuha yung ugali niya. Hindi lang naman siya iyong unang nawalan ng mga mahal sa buhay pero kung umakto siya daig pa niya yung mga batang iniwanan ng mga magulang sa lansangan. Swerte nga niya eh, nandiyan pa yung mommy niya." at napapunas sa pisngi si Cindy. "tapos, kayo ni sir Renato." "Malalim kasi 'yong sugat sa puso niya." seryosong wika ni Aeron, "Ikaw ba? nasaan ang parents mo? Buti pinayagan kang lumuwas dito sa Manila?" "Nandon sila." at itinuro ang langit saka ngumiti. Hindi naman expected ni Aeron ang naging sagot ni Cindy. "Kinuha kaagad sila sa'kin." at kaagad tumulo ang luha ni Cindy, "Ang daya-daya nga eh! Alam mo 'yong pakiramdam na last mo na pala silang makakasama edi sana kung gaano pala isinulit na yung pagkakataon na iyon kaso wala e, biglaan ang lahat." sobrang lungkot ng boses ni Cindy, tinap naman ni Aeron ang balikat ni Cindy bilang pagdamay. "I'm sorry to hear that." malungkot na wika ni Aeron. "Buti at kinakaya mo. Nakakabilib ka naman!" "Kailangang kayanin!" mahinang wika ni Cindy, bago tumingin kay Aeron. "Ikaw? Where's your mom?" "Nasa state, may ibang pamilya." simpleng sagot ni Aeron. Napataas naman ang kilay ni Cindy na nagpapahiwatig na parang may gusto pang itanong. "Buti okay lang sa'yo?" at tumingin sa expression ni Aeron, "Hindi masama ang loob mo or galit sa mom mo?" dugtong pa niyang tanong. "Wala rin namang sense kung magalit ako. Nandoon parin iyong fact na may iba siyang pamilya. Na, hindi na mabubuo yung pamilya namin. Walang saysay yung galit, ako lang yung mahihirapan. Kaya, tinanggap at hinayaan ko nalang. Kung doon siya masaya eh, tanggapin ko nalang." malalim na wika ni Aeron. Napabilib naman si Cindy sa mindset nito. "Sana ganyan rin ang mindset ni Joel no? Katulad ng mindset mo para hindi komplikado." at naupo si Cindy sa upuan sa terrace. "Hindi pwedeng pareho kami ng mindset. Bawal yon." pabirong wika ni Aeron at naupo na rin. Napakunot noo naman si Cindy, "Bakit naman? Masaya nga yon, walang stress." natawa naman si Aeron pagkatapos niya marinig ang huling winika ni Cindy. "Grabe ka kay Joel ah. Cause ng 'Stress' pala siya para sayo ah." at nakatawang wika nito. "Hoy hindi naman sa ganon. Maganda lang kasi kung may good mindset at hindi makitid ang pag-iisip sa mga bagay-bagay." pagdepensa ni Cindy. "Don't worry, hindi naman kita isusumbong no! Hindi kami close ni Joel para sabihin ko sa kanya na 'stress' ang tingin mo sa kanya." at saka tumawa ng mahina. Napatawa na lang din si Cindy, kahit papaano ay gumaan ang dibdib ni Cindy. Nang gabing iyon ay nakatagpo siya ng kaibigan na nagpagaan ng loob niya. Hindi niya akalaing masarap kausap si Aeron, na nakakawala ito ng stress o mabigat na iniisip. Marami pa silang napagkwentuhan dahil hindi pa sila dinadalaw ng antok. "Salamat." out of the blue na wika ni Cindy. "Para saan?" curious na tanong naman ni Aeron. "Dahil dinamayan mo ako ngayon gabi. Super down kasi ako ngayon. I want someone to talk to. To share my heavy feelings para gumaan kahit papaano." seryosong wika ni Cindy. "Wala 'yon. Hindi ba sabi ko, if you need a friend. I am here, always." at seryoso itong tumingin kay Cindy, "May pagkapilyo rin ako pero kind person naman ako." dugtong pa nito. Napangiti naman si Cindy. At marami pa silang napag-usapan. SA KABILANG BANDA naman, habang nasa kwarto si Joel, napapaisip siya sa inasal niya kanina. May konting guilt siyang nararamdaman dahil parang sumosobra na siya kay Cindy, sa pagpapahirap dito. Ramdam niya kasi kanina na masakit na ang tiyan ni Cindy dahil sa gutom ngunit nagdedma-dedmahan siya at binagalan pa ang pagkain. Sinasadya niya kasi ang lahat upang mas mahirapan si Cindy at kusa itong sumuko ngunit mukhang hindi niya ito mapasuko. Balisa si Joel at hindi makatulog kaya naisipan niyang lumabas ng kwarto, maglalakad na sana siya pababa ng hagdan ng mapansin niyang may tao sa terrace. Nang makilala niya kung sino 'yong nagtatawanan sa terrace kaagad siyang nakaramdam ng inis. Masayang nagtatawanan sina Aeron at Cindy, napatikom siya ng palad niya bago magsimulang maglakad pababa ng hagdan. "Mukhang nagiging close na sila." bulong nito habang naglalakad. "Aba, hindi pwedeng maging masaya sila habang may ginugulo silang tao." inis na bulong ni Joel at nagsalin ng tubig sa baso saka ito ininom. KINABUKASAN, maagang gumising si Cindy upang magprepare ng breakfast ni Joel tulad ng dati. Inayos niya ang pwesto nito katulong si Manang, maging ang food na kakainin nito ay ayon sa librong bigay ni manang sa kanya. At pagkatapos ng ilang oras na pagpe-prepare ay nagdecide na si Cindy na bumalik sa kwarto niya upang ayusin ang kaniyang sarili bago gisingin ang amo niya. Nang matapos na siya ay lumabas na siya sa kwarto niya, at pumunta sa pinto ng kwarto ni Joel. Katulad ulit ng mga nagdaang araw, ganoong senaryo ulit ang ginawa ni Cindy. Kakatok siya ng tatlong beses at tatawagin ang pangalan ni Joel. "Sir. Good morning po." paunang wika niya, "Naka-prepare na po ang breakfast, gayak na po tayo at nang makaalis ng maaga papuntang school." dugtong na wika pa ni Cindy. Nakatatak sa isip niya ang boundaries na need niyang gawin. Mga ilang segundo ng paghihintay ay wala pa ring sumasagot kay Cindy. "Sir Joel." sigaw na wika ni Cindy, "Please sir, tara na po." medyo hinahabaan ni Cindy ang pasensya niya at hindi muna pumasok sa loob ng kwarto ni Joel. "Sir." muling pagtawag niya. Maya-maya ay lumabas naman si Aeron sa kabilang kwarto at napatingin kay Cindy na nasa tapat parin ng pinto ng kwarto ni Joel. "Hindi ka parin sinasagot?" tanong na wika ni Aeron at lumapit sa kanya, napatango naman si Cindy. "Masyado talagang pasaway si Joel." at ngimiti ng bahagya. "Nako Aeron, ayaw ko na kasing pumasok sa kwarto niya kaya hihintayin ko nalang siya buksan ang pinto niya." at saka sumandal sa pader. "Sir Joel, pag ready ka na lumabas ka na sa kwarto mo no? May klase pa tayo ngayong araw." pasigaw na wika niya. "Tulungan na nga kita." simpleng wika ni Aeron at kumatok sa pinto ni Joel. "Joel. Gising ka na ba? Need na nating magbreakfast para makapasok ng maaga sa school. Pag hindi ka sumagot, bubuksan ko na itong pinto ng kwarto mo." seryosong wika ni Aeron. Nakatingin naman si Cindy kaym Aeron at napangiti ng pasimple. Hindi niya akalaing makaka-close niya si Aeron, dahil mukha rin kasi itong suplado. Mga ilang sandali, binuksan ni Joel ang pinto ng kwarto niya at seryosong tumingin sa dalawa. Saglit na katahimikan ang bumalot sa kanilang tatlo bago maglakad si Joel at lagpasan sila. "Sir Joel." wika ni Cindy, at saka sumunod kay Joel na naglalakad pababa ng hagdan. Sumunod na rin si Aeron sa dalawa. Nang makarating na sila sa dining area. Napatingin kaagad ang mag-asawa sa kanilang tatlo. Imbis na maupo si Joel sa dining chair na hinila ni Cindy, nilagpasan niya ito at nagdere-deretso sa main door. "Sa Canteen na ko magbe-breakfast." seryosong wika ni Joel. "Sir Joel?" tawag ni Cindy, at tumingin kay Mrs. Grace na sumenyas sa kanya na sundan. Tumango si Cindy at sumunod kay Joel na halos kakalabas lang ng main door habang si Aeron ay sumabay magbreakfast kina Mrs. Grace at sa daddy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD