SOBRANG HIMBING ng tulog ni Cindy, habang si Joel naramdaman agad na nasa garahe na sila ng kanilang bahay nang sandaling huminto ang kotseng sinasakyan nila. Gigisingin sana ni Manong Driver si Cindy ng pigilan ni Joel, at sumenyas na bumaba na. Pagkababa ni Manong, kinuha ni Joel ang cellphone niya at kinuhanan ng litrato si Cindy bago siya bumaba ng kotse.
Nang makababa na ng kotse si Joel ay dumeretso na siya sa loob ng bahay nila, kaagad naman siyang sinalubong ng mommy niya.
"Where's Cindy, son?" bungad ng mommy niya.
"I don't know!" masungit na sagot niya at dere-deretso sa paglakad paakyat ng hagdan papunta sa kwarto niya.
Pagtataka naman ang nasa mukha ni Mrs. Grace habang nakasunod ng tingin sa kaniyang anak.
NANG MAGISING si Cindy, kaagad siya nag-ayos ng sarili niya at dali-daling bumaba ng kotse. Nakita niya si Manong na nag-aayos ng mga gamit.
"Manong, bakit hindi nyo naman po ako ginising?" bungad na tanong ni Cindy pagkalapit na pagkalapit kay Manong.
"Pasensya na ma'am." sagot naman nito. "Napag-utusan lang po." dugtong pa nitong wika. Napailing naman si Cindy, 'Haist... Si Joel talaga,' wika niya sa isip niya.
"Sige po manong." iyon na lamang ang nasagot ni Cindy at nagsimula na siyang maglakad papasok sa loob ng bahay.
Natanaw niya kaagad si Mrs. Grace na malapit sa pintuan, medyo kinakabahan si Cindy dahil late na siya at hindi sila sabay na nakauwe ni Joel na sa totoo lang ay kanina pa talaga siya nandyan.
"Good evening po maam." bungad na bati ni Cindy nang makalapit na siya kay Mrs. Grace, medyo hindi maganda ang pakiramdam ni Cindy sa awra ni Mrs. Grace.
"Let's talk." seryosong wika ni Mrs. Grace at naglakad papunta sa Garden. Sumunod naman si Cindy, habang mabilis ang kabog ng dibdib.
Nang makarating na sila sa Garden, naupo kaagad si Mrs. Grace habang si Cindy ay nakatayo. Tiningnan muna siya ni Mrs. Grace ng saglit. Nang dumating na ang juice na inihanda ni manang, "Maupo ka." utos ni Mrs. Grace.
Tumango naman si Cindy at saka naupo. Pakiramdam ni Cindy ay nasa hot seat na siya kaagad kahit na wala pang mga tanong na itinatanong sa kanya si Mrs. Grace.
"What's new about my son?" seryosong wika nito, "May mga bagay ba siyang ginawa o nagawa na hindi ako aware as his mother?" strict na tanong nito.
"Actually ma'am. Sobrang dami pong ganap sa School." pasimulang wika ni Cindy. "Kumalat po sa School na para po kaming may relasyon ngayon po, yung mga nagkakagusto sa kanya ako po yung ginugulo. Medyo pasaway din po si Sir Joel, nag-aaya po laging umuwi dahil bored na raw po siya." pagsusumbong ni Cindy, napataas naman ang kilay ni Mrs. Grace.
Nagtataka siya sa mga isinumbong sa kanya ni Cindy. Kilala niya ang anak niya na hindi nagpapabaya sa studies niya, sobrang strict nito sa studies kaya impossible ang naging sumbong ni Cindy, "Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo tungkol sa anak ko? Ginagawa mo ba talaga ang trabaho mo? Tama nga ba na nag-hired ako ng tulad mo?" sunod-sunod na tanong sa kanya ni Mrs. Grace.
Napahinga naman ng malalim si Cindy, "Ma'am, totoo po lahat ng mga sinabi ko." seryosong wika ni Cindy, "Hindi ko po alam kung bakit po ganoon si Sir Joel kanina. Dahil nga po roon, na-viral po kami kaagad na may relasyon daw po kami. Ma'am, ginagawa ko po ang work ko, hindi ko pa po kasi masyadong gamay ang ugali po ni Sir Joel." pagpapaliwanag niya, pakiramdam niya ay hindi naniniwala sa kanya si Mrs. Grace kaya mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib niya.
"Do your job, Cindy. And take note to our contract, no attachment or romantic feeling towards my son okay?" strict na wika nito sa kanya. Mabilis namang tumango si Cindy.
"Yes po ma'am."
"Kanina ko lang nakita si Joel na nag-treat ng ganoon sa babae, snob ang anak ko pagdating sa ganoon treatment pero kanina para bang kung umakto siya sa'yo ay may kung anong mayroon sa inyo. Hindi ko gusto ang ganoon, pinaka-ayaw ko ay may madevelop na deep feeling sa inyo bukod sa amo mo siya at personal assistant ka niya. Malinaw naman sigurong nakasulat sa kontrata natin iyan hindi ba?" paninigurado ni Mrs. Grace.
"Opo ma'am. Maaasahan nyo po ako na nagsasabi po ako ng totoo at hinding-hindi ko po sisirain ang kontrata natin." seryosong wika ni Cindy,
"Mabuti kung ganoon." at ngumiti na si Mrs. Grace sa kanya kaya medyo nakahinga ng maluwag si Cindy. "Just a little bit reminder, iha." dugtong pa nito.
"Alam ko po iyon maam. Tatandaan ko po."
Pagkatapos ng usapan nila, nagpasya na silang pumasok sa loob upang makapag-dinner na. Nasa dining table na sina Mr. Renato at Aeron,
"Cindy, paki-tawag na si Joel." utos na wika ni Mrs. Grace bago maupo sa pwesto niya, habang si Aeron ay nakatingin sa kanila. Tumango naman si Cindy,
"Okay po maam" at saka umakyat sa taas.
Nang makarating na si Cindy sa harapan ng pinto ni Joel, tulad ng nakagawian niya ay kakatok siya ng tatlo beses at saka niya tatawagin ang pangalan ni Joel.
"Sir Joel, dinner time na po." pagtawag ni Cindy, wala namang sumasagot sa loob ng kwarto. "Heto na naman po tayo eh, pwede po bang sumagot ka o bubuksan ko na po itong pinto ng kwarto mo?" sunod na wika ni Cindy, "Tayo na lang ang hinihintay sa dining area, sir."
Hindi pa rin sumasagot si Joel kaya, "Papasok na ko." pagkasabi niya non ay binuksan na niya ang pinto. Kasabay ng pagpasok niya sa kwarto ang paglabas naman ni Joel sa bathroom habang makatopless at may tuwalyang nakatakip sa pambaba niya. Magulo at basa pa ang buhok niya kaya halata na kaka-shower lang nito.
Napatingin sa kanya si Joel dahilan upang bumilis ang kabog ng dibdib niya, "P-pumasok na ko dahil hindi ka sumasagot." mabilis na wika ni Cindy na kinangisi naman ni Joel. "Dinner time na po, bumaba na lang kayo 'no?" at tatalikod na sana si Cindy upang lumabas sa kwarto ng magsalita si Joel,
"Teka, bakit mukhang tense ka?" mapaglarong tingin ang ibinigay ni Joel kay Cindy, hindi naman maikilos ni Cindy ang katawan niya sa hindi niya malamang dahilan.
"H-hindi no!" masungit niyang sagot.
"Talaga ba?" playful na tanong ni Joel, nang tatanggalin na ni Joel ang nakalagay sa bewang niyang tuwalya ay kaagad na tumalikod si Cindy na kinatawa ni Joel. Nangapal ang pakiramdam ni Cindy sa magkabilang pisngi niya. Natutuwa naman si Joel sa ginagawa niyang pakikipaglaro kay Cindy.
"Sa labas na lang kita hihintayin, bilisan mo." pagkasabi ni Cindy non, ay lumabas na siya at sinarado ang pinto. Sakto naman ang dating ni Aeron,
"Tapos na kami mag-dinner," pag-inform ni Aeron sa kanya, "Mahirap kasing hintayin ang taong laging nagpapa-VIP." seryosong wika ni Aeron. Napayuko naman si Cindy,
"Pasensya ka na. Hindi ko parin kasi mahuli ang ugali ni Joel." mahinang wika ni Cindy,
"Hindi naman ikaw ang problema." seryosong wika niya at saka pinihit ang doorknob ng pinto ng kwarto niya, "Kapag kailangan mo ng kausap at nahihirapan ka na sa trabaho, handa akong makinig at damayan ka. Magsabi ka lang." halata sa mga boses ni Aeron ang pag-aalala at saka pumasok sa loob ng kwarto niya.
Hindi na nakasagot si Cindy, at saglit lang ay lumabas na si Joel. Napatitig siya kay Joel dahil ang neat nitong tingnan na pangalawang beses niyang napansin kay Joel.
"Baka matunaw ako." seryosong wika ni Joel kaya napaiwas ng tingin si Cindy,
"Tara na." pag-aya niya at nagsimula ng maglakad, "Tapos na silang mag-dinner. Hindi na nila tayo hinintay dahil baka raw magka-ulcer sila." may birong wika ni Cindy.
"Buti naman!" tipid na sagot nito sa kanya.
Nang makarating na sila sa dining area, kaagad na hinila ni Cindy ang upuan ni Joel upang makaupo na at makapagsimula ng mag-dinner. Imbis naman na pumunta si Joel doon ay hinila nito ang upuan ni Cindy at tumingin ng seryoso. "Sit first." utos nito,
"No sir." pagpilit niya, "Ikaw muna ang maupo dahil ikaw ang boss ko, mamaya na ko mag-didinner, sasabay nalang ako kay manang." seryosong wika niya rito.
Ngumisi naman si Joel, "Bakit?" curious nitong tanong sa kanya.
"Dahil iyon ang tama. Boss kita kaya dapat lang na unahin kita bago ang sarili ko." pagsagot niya rito kaya ngumisi ulit si Joel bago lumakad papunta sa pwesto ng kinatatayuan ni Cindy, humawak siya sa hinahawakang upuan ni Cindy, at tumingin ng pilyo kay Cindy,
"Seryoso ka na papaunahin mo muna ko mag-dinner bago ka mag-dinner?" pag-uulit na tanong ni Joel. Tumango naman si Cindy, "Okay sige." at naupo ito sa pwesto niya, "Stay here." sunod na wika ni Joel.
Akala ni Cindy ay maaari na niyang iwanan si Joel ngunit hindi pa pala dahil habang dahan-dahang kumakain si Joel ay nakatayo siya sa gilid nito. Halata rin sa mukha ni Cindy na nagugutom na siya ngunit tinitiis na lamang niya, lalo namang nagbagal ng pagkain si Joel kaya kahit na inis na inis na si Cindy ay hindi niya iyon maipakita.
Hanggang sa biglang tumunog ang tiyan niya, kaya napahawak siya roon. Napatingin naman si Joel sa kanya,
"Nagrereklamo na yata 'yang tiyan mo." nakangising sambit ni Joel.