DAHIL SA sobrang inis at galit nina Gelai at Moira kay Cindy, sinundan nila ito hanggang sa parking area. Sa istilo ng dalawang sina Joel at Cindy, kapag titingnan mo ay para silang sweet couple huwag na huwag lang maririnig ang pinag uusapan nila. Kinuha ni Moira ang pagkakataon na iyon upang kuhanan sila ng litrato.
Habang patuloy sa pagkuha ng litrato,
"She is super liar!" gigil na gigil na sambit ni Gelai.
"Maghintay ka lang, gagawin nating viral ang buhay niya."
Sa kabilang banda naman, tanaw ni Aeron sina Joel at Cindy mula sa second floor. Malungkot ang mga tingin nito habang pinagmamasdan ang dalawa na ang sweet-sweet.
"Hoy dude. Sinong tinitingnan mo riyan at mukhang napakaseryoso mo?" bungad na wika ni Vincent at tumingin sa gawi ng tinitingnan nito. "Teka, si Joel yon at 'yong newbie scholar ah." dere-deretsong wika pa nito. Hindi naman naimik si Aeron, "Parang ang sweet naman yata nila." dugtong pa nito.
Dahil sa huling sinabi ni Vincent, tumalikod na si Aeron at naglakad pababa ng hagdan.
"Dude. Wala ka yata sa mood ah." biro pang wika nito habang nakasunod kay Aeron. Hindi pa rin umiimik si Aeron at nagpatuloy sa paglakad. "Mukhang may kakaiba sa'yo ngayon, dude."
Hanggang sa makarating na sila sa Canteen. Usap-usapan naman ang sweetness moment nina Joel at Cindy,
HINILA NA NI Cindy ang kamay ni Joel upang makaalis na sila sa parking area.
"Dito sa School, ako ang dapat masunod lalo na't ikabubuti ng ating grade okay?" strict na wika ni Cindy habang hila-hila pa rin si Joel.
"You're so sweet talaga!" nakangiti nitong wika kaya kaagad na binitawan ni Cindy ang braso nito at huminto sila sa hallway.
"Sir Joel, kahit dito lang po sa School maging matured ka naman at 'wag magpasaway." seryosong wika ni Cindy, pakiramdam niya ay maaga siyang tatanda dahil sa attitude ni Joel.
"Hala sila 'yon hindi ba?" wika ng grupo ng studyanteng naglalakad at nakatingin kina Cindy at Joel.
"Yah. Oo nga, confirmed na." sagot pa ng isang babae
Naririnig nina Joel at Cindy ang mga usapang iyon kaya pagtataka ang nasa mukha ni Cindy na may halong pagtatanong habang si Joel ay kalmado lang na para bang planado na niya ang lahat.
"Grabe no? Kabago-bago pa lang ang inatupag e pakikipagrelasyon na?" wika ng isang babaeng nakasalamin.
"Kaya nga, pero ayos siyang mamili ng lalandiin ha." dugtong pa ng isang babae.
"Kaya nga. Kainis!!!" sabat pa ng isang babae.
Ilan lamang sa mga usapan na naririnig ni Cindy, napatingin siya sa grupo ng mga studyanteng pakiramdam niya ay siya ang pinag-uusapan.
"Ehem!" napataas ng kilay si Cindy, habang si Joel ay hinihintay ang mga ikikilos ni Cindy. "Excuse me." pasimulang wika ni Cindy at lumapit sa grupo ng studyante. Napatingin naman lahat sa kanya, "I'm Cindy Celestino." pagpapakilala niya. "Ako 'yong pinag-uusapan ninyo 'newbie'." at ngumiti pa si Cindy sa kanilang lahat.
Nagbulungan naman sila,
"Wala kaming pake." pabulong na wika ng isang babae, kaya napatingin si Cindy sa babaeng iyon.
"Wala kayong pake pero pinag-uusapan nyo ko? Kung may problema kayo dahil kasama ko si Joel," sabay hila niya sa braso niya Joel upang mapalapit sa kanya. "Sarilinin nyo nalang ang problema nyo, kasi alam nyo kung bakit?" napataas kilay pa si Cindy, "Kasi walang may pake."
Palaban na babae si Cindy, kaya hindi siya basta-basta nasisindak ng kahit isang grupo pa ng mga studyante. Napahanga naman si Joel sa ginawa ni Cindy ngunit hindi siya nagpahalata.
"So now? May gusto ba kayong sabihin?" masungit na wika ni Cindy, "Para naman ma-address natin iyang mga issues nyo sa buhay!" dugtong pa nito.
Imbis na magsalita ang mga grupo ng studyante ay nagsitayuan ito sa pagkakaupo sa bench at saka nagsi-alis.
Pagkaalis naman ng mga studyante, pumalakpak ng mahina si Joel at nakangising nakatingin kay Cindy. "Nako. Baka mainlove ako sayo niyan." biro pa nitong wika.
Hindi pinansin ni Cindy ang winika ni Joel bagkus ay inirapan niya ito. "Halika na nga!." at sabay hawak ulit sa braso nito at hinila.
Pagkapasok nila sa hallway, at papuntang lobby. Nagtataka sila kung bakit maraming tao sa may bulletin board. "Ano kayang announcement na mayroon sa bulletin board at pinagkakaguluhan?" mahinang tanong ni Cindy.
"Lapitan mo pala malaman mo." wika ni Joel.
Umirap naman si Cindy kay Joel bago hilahin papunta sa bulletin board. Nagsihawi naman ang mga studyante at napatingin sa kanilang dalawa, kasabay ng pagkakita ni Cindy sa mga litratong kuha mula sa parking area kanina.
'The New Couple of the year' nakasulat sa bulletin board at nakadisplay ang mga larawan nina Joel at Cindy na akala mo talaga ang sweet na sweet sa isa't isa.
Napakunot ng noo si Cindy at tumingin sa mga studyanteng nandoon. "Sinong may gawa nito?" inis na tanong niya. Hindi naman umimik ang mga studyante at nakatingin lang sa kanila.
"Hindi nyo ba alam na bawal ang pagkuha ng larawan ng isang tao lalo na't walang kaalam-alam ang taong iyon." matapang na wika ni Cindy. "Gusto ninyo bang kasuhan ko kayo?" pananakot pa niya,
Parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik ng buong paligid.
"Wala bang gustong umamin kung sinong nagpakalat nito?" seryosong tanong ni Cindy.
Walang ni isang naglakas loob na sabihin kung sino ang nagdikit ng mga pictures sa bulletin board hanggang sa nagsalita si Joel.
"Hayaan mo na. Totoo naman 'yong picture na iyan eh." seryosong wika ni Joel. Nawindang ang lahat sa sinabi nito, habang si Cindy inis ang bumalot sa buong mukha niya.
"May mga larawan na ginagawan lang ng kwento pero behind the capture iba ang nangyari." mariing sagot ni Cindy saka tumingin sa mga studyante, "Walang magsasabi kung sino? Fine!" at ngumisi pa siya, "I will report this to the guidance office para maparusahan ang nagpapakalat ng mga ganitong larawan." pananakot niya.
"Go ahead."
Napalingon ang lahat sa nagsalita. Naningkit naman ang mga mata ni Cindy nang makita kung sino ang nagsalita. Inaasahan na niya na sina Gelai at Moira talaga ang may gawa ng lahat ng ito. Ang kinaiinis lang niya, parang nag-eenjoy pa si Joel sa mga nangyayari.
"Go to the guidance office para malaman ng Guidance Councelor natin na kakaiba kang babae. Baguhan ka lang pero ganyan na ang attitude na pinapakita mo sa lahat, scholar ka pa man din." dere-derersong salita ni Moira.
Natahimik naman si Cindy at napaisip. Mas lalong umingay ang paligid at halatang kampi ang lahat kina Moira at Gelai dahil sila nga pala ang Campus Queen.
"Fine!" ngumiti siya ng bahagya. "Totoo nga iyang nasa larawan." pagkasabi ni Cindy no'n, saktong dating nina Aeron at Vincent. Napatingin ng seryoso si Aeron sa kanya. Ramdam na ramdam ni Cindy ang pagkaipit sa sitwasyon. Hindi niya lubos maisip na sa first day na school ay ganito ang mangyayari. "But, hindi sweetness ang nakapaloob sa kwento niyan! We argued because of being childish ng crush na crush nyong si Joel." pagkasabi niya no'n, sumeryoso ang tingin ni Joel sa kanya, "Tama ako, diba?" patanong na wika pa niya kay Joel. "Ako nga lang yata ang nagtitiyaga sa lalaking ito eh." pagkasabi ni Cindy no'n, napangiti naman si Aeron na nakita ni Joel dahilan kaya mas kumunot ang noo ni Joel. "Kaya, favor naman. Kung sakaling magpipicture kayo ng moments namin, samahan nyo na ng video para naman alam ang buong storya. Si Joel, nako..." at huminga siya ng malalim, "Bos..." Magsasalita pa lamang si Cindy ngunit hindi natuloy ang sasabihin niya dahil kaagad siyang binuhat ni Joel na pa-bridal style.
"OMG It's confirmed!" sigaw ng isang babaeng curl ang buhok.
"Joelll..." sigaw naman ni Gelai. "Cindy?!!!!" galit na bigkas niya sa pangalan ng newbie. Lumapit si Gelai sa bulletin board at tinanggal niya lahat ng idinikit nila roon. Galit na galit siya habang ang ilang studyante ay nagsi-alis na sa lobby. Naiwan na lamang sina Gelai, Moira, Vincent at Aeron.
BUHAT-BUHAT parin ni Joel si Cindy, inis na inis naman si Cindy.
"Ibaba mo ko. Ano bang problema mo?" at halos lahat ng madadaanan nila ay pinagtitinginan sila.
"Joel, isa." seryosong wika niya, "Ibaba mo ko." mariing wika.
"Stop telling them that you are working with us. The next time na magbabalak kang sabihin, hindi mo magugustuhan ang mga gagawin ko." seryosong wika ni Joel.
"Ibaba mo ako." Pag-uulit niya.
Nang makarating na sa parking area, ibinaba na niya si Cindy. "Manong, we're going home na." at binuksan ni Manong ang pinto ng kotse sa passenger seat. "Pasok na." utos ni Joel.
"Hindi pa tayo pwedeng umuwi." tutol ni Cindy.
"Pasok." tipid na utos nito at pinapasok siya sa kotse ng sapilitan. "Pasok na."
Dahil sa kakatulak ni Joel, napilitan na si Cindy na sumakay sa kotse. Wala na talaga siyang magawa kundi ang sumunod. Hindi naman siya pwedeng magpaiwan dahil kailangan niyang malaman lahat ng kilos ni Joel, at may reporting siya kada uuwi sa bahay.
Dahil sa mga nangyari sa school at sa masyadong pagod ni Cindy ay nakatulog na siya sa biyahe. Habang si Joel naman ay nag-earphone na lamang at ipinikit ang mga mata upang makapagpahinga na rin.