HINDI MAIPINTA sa mukha nila Gelai at Moira ang inis sa mga sandaling nasa iisang table sina Joel, Aeron at ang Newbie Scholar na si Cindy. Hindi nila matanggap na masasapawan sila ng isang baguhan. Hanggang sa nauna nang umalis si Joel at naiwan sina Aeron at Cindy.
Dali-dali namang tumayo at umalis sina Gelai at Moira upang maabutan si Joel. Napansin iyon ni Cindy ngunit nagpatay malisya na lamang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Naabutan nina Gelai at Moira si Joel sa may hallway paakyat ng hagdan kaya dali-dali nila itong nilapitan,
"Hi Joel." pagbati ni Gelai. Napahinto naman sa paglakad si Joel at tumingin sa kanila.
"Hello Joel." bati rin ni Moira, "Gusto lang sana naming klaruhin kung anong mayroon sa inyo ni Cindy?" wikang tanong pa nito.
"At bakit nyo naman kailangang malaman?" medyo nasungit nitong tanong sa dalawa.
"Joel, alam mo naman na since the beginning Gelai has crush on you and not only crush but to love you every single day. Kaya inaalam namin kasi apekted kami. Mas bagay kayo ng queen campus natin kesa sa newbie scholar na iyon." dere-deretsong wika ni Moira habang si Gelai ay nakayuko na lang.
"Yes, she's my girlfriend!" seryosong wika ni Joel na kinakunot-noo ng dalawa.
"Joel?" patanong na wika ni Gelai. "Seryoso ba 'yan? Saan at paano kayo nagkakilala?" curious na tanong nito, "Parang ang bilis naman... newbie scholar siya, baguhan lang so paano kayo nagkaroon ng chance na magkakilala? Samantalang ako, heto... Ilang taon ng nakasubaybay at nangangarap na kahit konti ay bigyan mo ng chance na makilala. Bakit naman ganito, Joel?" malungkot na daing ni Gelai.
"Kay Cindy mo itanong ang lahat ng iyan." pagkasabi ni Joel no'n ay nagdere-deretso na siya paakyat ng hagdan.
Dahil sa huling sinabi ni Joel, minabuti ng dalawa na hintayin si Cindy na dumaan sa hallway upang kausapin. Mga ilang minuto lang, natanaw na nila si Cindy kasama si Aeron na naglalakad.
Nang malapit na ito sa kanila,
"Cindy. P'wede ka ba naming makausap?" derektang tanong ni Moira habang si Gelai ay kunot-noo ang tingin kay Cindy.
"Tungkol saan ang pag-uusapan nyo?" singit na tanong ni Aeron. Habang si Cindy ay nagdadalawang isip na sumama kina Gelai at Moira.
"Its a private matter. Curious din ako sa'yo ha, close rin pala kayo ni Newbie Scholar." sagot naman ni Gelai.
"Hindi naman kasi mahirap i-close si Cindy." iyon na lamang ang naging sa'yo ni Aeron sa dalawa.
"Tara muna, Cindy. May mga pag-uusapan tayo." at hinawakan ni Moira ang braso niya at hinila, kasunod si Gelai. Hindi na nakatutol si Aeron dahil ng bell na rin. Naglakad sila papunta sa Garden.
"P'wede bang mamaya nalang nating pag-usapan iyang gusto niyong pag-usapan." wika ni Cindy, "Nag-bell na kasi, need nating um-attend ng second orientation." wika pa niya ngunit parang walang naririnig ang dalawa at patuloy lang sila sa paglakad habang hawak-hawak ang magkabilang braso niya dahilan kaya napapalakad din siya.
Nang makarating sila sa Garden, doon pa lamang nila binitawan si Cindy. Walang katao-tao sa Garden dahil nasa mga classroom na ang mga studyante. Tanging silang tatlo nalang ang nasa labas.
"Joel told us na 'girlfriend ka niya', ngayon saan at paano nangyari na naging kayo without knowing that." inis na bungad ni Moira.
Napaseryoso si Cindy at napawika sa isipan, 'Talaga naman, Joel. Gusto mo talagang pag-initan ako ng mga nagkakagusto sa'yo. Haist!'
"Sagutin mo ang mga tanong namin." galit na wika ni Gelai.
"Sasagutin ko lahat ng katanungan n'yo mamaya kaya kung p'wede um-attend muna tayo sa second orientation natin. Makakapaghintay naman ito, ang orientation natin for sure na nagsisimula na iyon." matapang na wika ni Cindy. Wala siyang pake-alam kung Queen Campus pa ang kausap niya o kahit sino pa. As long na may mas importanteng kailangang gawin, kaya niyang kausapin ang isang tao para lang ma-prioritize ang isang bagay.
"Kung gusto namin na ngayon na malaman lahat?!" gigil nq wika ni Gelai. "Hindi na kami makapaghihintay." dugtong pa nito.
"P'wes problema niyo na 'yon." at saka niya hinila ang dalawang braso niya para mabitawan nina Gelai at Moira ang pagkakahawak sa kanya. "Hindi ko hihintayin na sumang-ayon kayo bago ako umalis at habulin ang second orientation natin." matapang na wika niya. Kitang-kita sa mga mukha nina Gelai at Moira ang galit sa mga sandaling iyon, kaagad namang tumalikod si Cindy sa kanila at naglakad paalis.
Paakyat na siya ng second floor nang masalubong niya si Joel. Hindi niya sana ito papansinin at lalagpasan nalang niya para makahabol siya sa second orientation nang harangin siya nito.
"Nagmamadali ka yata?" kalmadong tanong nito sa kanya, napahinto naman siya sa pag-akyat.
"P'wede ka po bang tumabi muna, at kailangan kong makahabol sa orientation namin, sir." mariing wika ni Cindy.
Umusod naman si Joel at tumabi sa kanya. Napakunot-noo si Cindy sa ginawa niya. "Favorite mo talaga ang physical touch 'no, gusto mo 'yong lagi akong malapit sa'yo." nakangiti nitong wika.
Hindi naman alam ni Cindy na nasa likuran na niya sina Gelai at Moira, at nasaksihan ang ginawa ni Joel maging ang sinabi nito.
"So, ayaw mo kaming sagutin sa mga tanong namin dahil gusto mo na lagi kayong magphysical touch ni Joel?" nakataas na kilay na tanong ni Gelai at bahagyang lumapit sa kanila.
Nanlaki naman ang mata ni Cindy, habang si Joel ay nakangiting nakatitig sa kanya.
"Hindi ko maintindihan ha... Kung anong nakita ninyo sa lalaking ito." matapang niyang wika at tiningnan si Joel na nawala ang ngiti sa mga labi. "Bukod sa isip-bata, napakasuplado at sarili lang ang iniisip. Ganiyang lalaki ba ang mga tipo n'yo?" nakataas pa niyang kilay na tanong.
Napaseryoso naman si Joel. Habang sina Gelai at Moira naman ay nakatingin ng masama kay Cindy. "O sige. Tutal, wala na rin naman akong aabutan sa second orientation natin, itanong nyo na 'yong kating-kati kayong itanong at malaman." inis na wika ni Cindy.
Isa sa pinaka-ayaw ni Cindy ay ang ma-bully siya kaya lagi niyang dine-depensahan ang sarili niya ano man ang estado ng taong kaharap niya - lalo na at nasa tama siya.
"Next time nyo nalang itanong 'yan, may lakad pa kami eh." pagpigil ni Joel sa dalawa at hinila ang braso ni Cindy.
Hindi naman nakatutol si Cindy. Habang ang dalawang sina Gelai at Moira ay abot hanggang langit ang galit kay Cindy.
Nang nakarating na sila sa parking area, binitiwan na ni Joel si Cindy.
"Cutting clases ba?" kaagad na tanong ni Cindy, habang si Joel hinahanap si Manong Driver at kung saan ipi-nark ang kotse nila. "Hoy sir, wala ka na bang klases?"
"I'm bored. I want to go home." wika nito.
Napailing si Cindy, hindi siya makaisip ng paraan para hindi mag-attitude ang boss niya. Kailangan niyang makuha ang kiliti nito.
"Bakit ba gustong-gusto mo nang umuwi?" curious na tanong ni Cindy.
"Nasabi ko na. Uulitin ko pa ba?" masungit na wika ni Joel.
"Oo. Give me a valid reason." madiing wika ni Cindy, "Kapag nabigyan mo ko ng maganda at valid na rason, sige papayag ako na umuwi na tayo." seryosong wika ni Cindy.
"Ako ang boss kaya ako ang masusunod, kung ayaw mong umuwe... ako na lang ang uuwe." at kinuha niya ang phone niya upang tawagan si Manong Driver.
"Sir Joel naman... hindi na nga ako naka-attend sa second orientation tapos ngayon, gusto mo na ma-cutting classes tayo?" inis na wika ni Cindy.
"Hindi naman kita pipilitin. Ano ka gold?" masungit na wika nito.
"Ang immature mo talaga!" galit na wika ni Cindy.
at para na silang aso't pusa na nagsasagutan hanggang sa dumating si Manong driver.
"Let's go, manong." utos ni Joel
"No, manong." tutol naman ni Cindy.
"Ako ang boss dito. Ako ang masusunod." at bubuksan na niya ang pinto ng passenger seat nang pigilan ito ni Cindy.
"Hindi nga eh!" mariing wika ni Cindy.
"Get rid!" seryosong wika ni Joel.
"I said no." sagot ulit ni Cindy.
Hindi naman malaman ni Manong driver ang gagawin, pinanonood lang niya ang dalawa.
"Tatanggalin mo ang kamay mo, o hahalikan kita." seryosong wika ni Joel na kinabigla ni Cindy.
"At bakit mo naman ako hahalikan? Baliw ka ba?" singhal niya rito.
"Mamili ka." at lumapit ng bahagya si Joel. Kinikilig naman si Manong Driver sa panonood sa kanilang dalawa.
"Wala akong pinipili. Walang aalis." strict na wika ni Cindy.
Ngumisi naman si Joel, "So you choose to kiss you than to get rid your hands on the car?" at napataas kilay pa si Joel habang papalapit ang mukha kay Cindy.
"Baliw ka talaga!" at tinanggal niya ang kamay niya sa pinto ng kotse at inilagay sa mukha ni Joel na papalapit sa kanya upang mapigilan itong makalapit.
"Oh s**t!" sabay layo ni Joel ng mukha niya at kinuha ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang mukha niya. "Your hand is so dirty and you put it to my face?" galit na wika niya.
"Kasi parang kang baliw! Bagay lang sa'yo 'yan..." at saka inutusan si Manong Driver na pumarada na ulit. "Sige na manong. Mamaya pa ang uwi namin."
"No!" inis na utos nito, "Stay here."
"Go na manong. Ako ang sundin mo." huling wika ni Cindy at hinaltak si Joel.