Kabanata 11

1726 Words
Nang magsimulang tumugtog uli ang banda nina Von ay nagtilian ang mga kababaihan at mga binabae. Ngumiti pa si Paul na bokalista ng banda bago kumanta. Halatang chick boy e. 'Mayro'n akong sasabihin, makinig kayong lahat' 'Importante lang malaman n'yong sikreto nilang lahat' Napangiti nalang ang mga student council dahil hindi sila nagkamali sa pagpili ng mga magpeperform. 'Sila'y pare-pareho, sino'ng may pakana?' 'Magugulat ka na lang, bigla ka nang madadapa' 'Ngayon, bukas na naman ang iyong kaluluwa' Napaka-smooth lang talaga pakinggan ng pagkanta ni Paul at malinaw ang pagbigkas sa mga lyrics. "1, 2, 3..." bilang ni Paul dahil malapit na ang chorus.. ''Pag lasing, du'n ka lang malambing' ''Wag lumapit sa 'kin, natatakot na akong maipit' Nagsabayan ang lahat ng estudyante at may pagtalon pa ang mga ito. 'Mayro'n akong kilala, napakagandang dilag' 'Lalapit s'ya sa 'yo, bigla na lang mawawala' 'Para bang may mga disipolo, o kaya mga alagad' 'Ang dami-dami n'yo, hindi kayo nawawala' "Ang galing nila tumugtog ah," komento ng isang prof at tumango naman ang mga kasama nito. 'Ngayon, bukas na naman ang iyong kaluluwa' Nagsisigawan na ang lahat ng estudyante, mukhang lahat ay may mapapait na nakaraan. Lumakas pa ang sigawan nang tanggalin ni Paul ang mikropono sa mic stand at inumpisahang maglakad-lakad malapit sa audience. Ang feeling HAHAHA. ''Pag lasing, du'n ka lang malambing' ''Wag lumapit sa 'kin, natatakot na akong maipit' Pogi kasi 'tong si Paul kaya maraming nagkakagusto. Ngumiti muna ito sa mga babaeng nasa harapan atsaka bumalik sa mga ka-banda niya upang ipagpatuloy ang kanta. ''Pag lasing, du'n ka lang malambing' ''Wag lumapit sa 'kin, natatakot na akong maipit' Natapos na tumugtog ang banda nina Von at sumisigaw pa ng "More! More! More!". "Guys ikalma niyo lang. Mahaba pa ang oras natin. Here's our next performer, Shyr Cruz! Give him a round of applause!" Pagpapakilala ng emcee. "Go Shyr! Galingan mo!" Cheer ko sa kaniya kahit hindi ko alam ang gagawin niya na performance. "Kilala mo?" Tanong ni Patricia habang nakapout pa. "Oo, magaling kumanta 'yan," tugon ko. She is Shyr Cruz, a classmate of mine. Magaling 'to kumanta pero bakit kaya siya magtutula? "Hi Guys! I'm Shyr and ang tulang ito ay pinamagatang 'Payong', hope you like it!" Sambit pa nito habang nakahawak sa mic stand. Payong by Shyr Cruz Minsa'y dumarating sa aking balintataw Sa umagang maulan ikaw ang natatanaw Sa tanghaling tapat at tirik na haring araw Ikaw ang kailangan sa bagyong maginaw. Sa panahon ngayong tag-ulan na naman Ang hiling ko'y maging payong na lamang Para kahit paano'y maranasan mo naman Ang magsisi nang bahagya dahil 'di mo ko binalikan. Ngunit ano pa ba ang aking magagawa Kung sa silong kong ito ikaw nga'y nagsawa Ako ang lumang payong na iniwan mong kawawa Sa bubungan ng iba'y naghanap ka ng ginhawa Handa akong maarawan, maulanan, at maiwanan Kung ang kapalit nito'y tunay mong kaginhawaan Sa oras na dumating na ikaw ay kanyang bitawan Narito ako at naghihintay, hindi kita pababayaan. Madalas, malalaman mo ang kahulugan ng salitang pag-ibig kapag nasa katapusan na, ayon kasi ang magpapaalala na ang tunay na pag-ibig ay mismong sa sarili mo pala kailangan mag-umpisa. "Ansakit no'n! Winasak mo kami ate!" Sigaw ng mga manunuod. "Bakit kayo gan'yan? Saksakin niyo nalang ako!" Sigaw ng katabi namin ni Pat Hahaha. Nagulat ako na marunong pala siya tumula. Akala ko kasi pagkanta ang kina-career niya. Nakikita ko kasi sa 'myday' nito na laging nakanta. "Ang galing mo, Shyr!" Bati ko dito pagbaba niya sa stage. "Thank you, Dos! Mas magaling ka pa rin syempre," pambobola pa nito. "Ay by the way, si Pat pala. My bestfriend," pagpapakilala ko kay Pat. "Hi, I'm Patricia," sabay abot ng kamay upang makipag-hand shake. "Hello, Shyr nga pala. Buti naman at bestfriend lang, akala ko magjowa na e," bulong nitong sabi. "Ha?" Nagtataka na tanong ni Pat. "Ah wala 'yon! Dito na ako, pupunta pa ako sa confession board sa amin kasing activity 'yon," pagpapaliwanag pa nito sabay lakad palayo. "A-ah sige, bye!" Kaway ko pa. "Crush mo 'yon 'no?" Sabay siko sa tagiliran ko ni Pat. "H-ha? Pinagsasabi mo?" Tugon ko. "Kitang-kita ko kumikinang mata mo nang kinakausap natin siya e," dagdag pa nito. Tamang hinala yarn? Hahaha. "Nagseselos ka 'no? Ayie selos siya," pang-aasar ko pa kay Pat. "Tarantado!" Sabay batok sa akin. Nagtataka nga ako paano niya ko naabot e cute size ang height nito. Minions kung baga. "Puro broken ata ang mga performer natin ngayong taon, ang bi-bitter jusko!" Sambit ng emcee. Sumunod naman na nagperform ay ang dance troupe na may pangalang 'The Groovers'. Ang una nilang sinayaw ay ang Despacito at sinundan ng That's what I like ni Bruno Mars. Nagulat nalang kami ni Pat nang biglang pumasok ang cheerleading squad with their cheerleading outfit at sumayaw ng Shake it off at sinundan ng Cheerleader ng OMI. Napatawa kami nang biglang nagsipasukan ang mga attitude beki na kasali sa 'The Groovers' na sumayaw ng Trumpets at Juju on the beat. "Ang lalandi nila sumayaw HAHAHA," sambit ni pat na tawa nang tawa kaya napatawa na rin ako hanggang may pumasok na naman na mga members ng 'The Groovers' na mga naka-top less pa. Akala mo bang lalaki ng katawan kita naman ang mga gitara sa ribs charot. Sinayaw nila ang kantang Ignition. Lahat ng kababaihan ay tuwang-tuwa at hindi magkamayaw. "Kyaah! Omogawd! Ansherep! Ang huli nilang sinayaw ay ang Closer ng Chainsmoker. Sumunod naman ang mga gymnastic nagperform. "Ang ganda ng performance kaso may nagkamali, 'yung sa hula hoops. Buti nalang at bawing-bawi sa peslak at malinis na galaw," sambit ni Pat. Sumunod naman ay ang mga nagbelly dancing. "Infairness ang lalambot ng katawan nila ah," sambit ko. "Malamang, makakapasok ba 'yang mga 'yan diyan kung bang tigas ng katawan nila ang katawan mo Dos?" Sabay tinawanan ako. Personalan tayo dito siz? Bardagulan ah. "Grabi ka naman sa akin. Ako na naman nakita mo," sagot ko habang nakapout. Tawa lang nang tawa si Pat. Nanghahampas pa akala niya hindi mabigat ang mga kamay niya. Hindi alam ni Pat na ilang sandali nalang ay sasalang na uli ako upang magperform. Kaya nagpaalam ako sa kaniya na may pupuntahan lang pero sa backstage ang diretso ko. "Pat, dito muna ako, hinahanap ako ng mga club members ko," lakad-takbo akong umalis. "Sige, chat nalang mamaya. Ba-bye!" Paalam nitong kumakaway pa. Agad na akong tumakbo papuntang backstage upang kausapin sila Von at coordinator. Lahat ng nagpeperform ay na sa backstage. Ako lang talaga ang makulit na umalis upang masamahan manuod si Pat. May apat na rooms ang backstage upang mai-accommodate lagat ng performers. At ang bawat room ay may speakers upang marinig kung sila na ba ang magpeperform. "Eto na pala si Dos e. Hanap kana ni sir,"sambit nito habang nasa malayo. "Saan ka ba galing bata ka? Kanina pa ako naghahanap sa'yo!" Galit at nagmamadali nitong sambit. "Umihi lang po," palusot ko. "O s'ya umupo kana dito nang ma-retouch na ang peslak mo," sabay hawak ng brush at sawsaw sa foundation. "Ang gagaling nila magsayaw at entertaining ang kanilang mga ginawa. Ngunit may isa pa tayong performer, last but not the least, Mark Cruz!" Rinig kong tawag sa akin sa speaker. Dali-dali akong umakyat sa stage. Nagtataka ako bakit kinakabahan pa rin ako, e tapos na ako kanina magperform. Nagulat si Pat nang makita niya ako muli na magpeperform kaya nagcheer nalang ito. "Go pressy!" Sigaw nito at tumatawa. Natatawa na lang din ako sa sinisigaw niya parang baliw. Crush ata ako nito e. Hindi na ako tutula sa pagkakataong ito. Ako'y may hawak na gitara sa harap ng mic stand. Nakatutok na sa akin ang spotlight. Nakatitig ako kay Pat at sinambit ang mga katagang. "Ang kantang ito ay para sa babaeng panghabangbuhay ko. Makinig ka lang d'yan at damhin ang kantang inalay ko sa'yo. Nagtilian ang karamihan sa mga kababaihan at mga beki na sumisigaw pa ng "Dos! Akin ka nalang,". ( Tuliro by Spongcola ) 'Labis akong nahuhumaling' Sabik sa bawat sandaling ika'y makapiling' 'Giliw, hayaang lumapit, huwag mo sanang ipagkait, mamalas ang langit' Lahat ay nakataas ang kamay at winawagyway nang mabagal. 'Anong nadarama, tuwing makikita kang dumarating' 'Tuliro, di malaman ang gagawin at Walang sinumang makapipigil sa akin' 'At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa'yo' Napansin kong may mga umaakyat sa stage ngunit hindi ko na ito nilingon at patuloy na tumugtog. Nagulat ako nang may humampas sa drums at may nag-electric guitar. Sina Von at ang banda niya. Sinamahan ako ng mga kaibigan ko sa pagkanta sa stage. 'Wari, 'di ko na malimot, mga galaw at kilos mo sa aking pagtulog, 'At sa panaginip, ika'y mamalagi at 'di na muling malulumbay sa aking paggising' Bakas ang saya at kilig sa mukha ni Pat dahil sa kaniya lang akong nakatitig habang kumakanta. 'Anong nadarama, tuwing makikita kang dumarating' 'Tuliro, 'di malaman ang gagawin at walang sinumang makapipigil sa akin' 'At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa' yo' Nagtilian lahat ang karamihan nang may dukutin ako sa bulsa ko na isang pulang rosas. 'Anong nadarama, ngayo'y sa isip ko'y hindi ka maalis' 'Tuliro, 'di malaman ang gagawin at walang sinumang makapipigil sa akin. At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa' yo' Tinanggal ko ang mikropono sa mic stand at inumpisahan kong maglakad patungo sa pwesto ni Pat. At binigay ko ang pulang rosas. "Pwede ba akong manligaw?" Tanong ko habang inaabot ang rosas. "Oo," sagot nito at yapos sa akin. Lahat ay nagtilian at ang narinig ko na lang ay puro 'sanaol' ng mga estudyante. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob kong 'yon. Ang alam ko lang ay makakapanligaw na ako kay Patricia. Hawak-hawak niya ang binigay kong pulang rosas at sa tangkay nito ay may nakarolyong yellow paper. Binuksan ito ni Pat at nakitang may sulat na nakalagay. Nadama kong muli ang paru-paro sa aking sikmura. Talon ng aking puso sa sobrang lakas ay nabibigla. Sayo ako'y manghang-mangha. Hindi ka pa sakin, ngunit ako'y napapasaya mo na. Isipin ka lang sa kalungkutan ako ay lumalaya. Buhay kong magulo naaayos, kahit walang ginagawa. Pag ako ay napapansin pisngi ay namumula, Ngiti ay umaabot sa tenga. Sa takip silim, ikaw ang gustong kasama. Matulog habang nakatingin sa tala. Hayaan mong pagmamahal ay mag-init sa ating dal'wa. Sana'y sabay nating simulan ang bagong umaga. - 2 Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD