Ang kaninang kay ingay na paligid ay biglang tumahimik. Lahat ng atensyon ng estudyante ay nakatuon na sa mga taong na sa taas ng stage.
Nag-umpisa na tumugtog ang banda nina Von. Strum pa lang ng gitara ay naghihiyawan na ang mga manunuod.
( Kathang Isip by Ben&Ben )
''Di ba nga ito ang 'yong gusto? Oh, ito'y lilisan na ako'
'Mga alaala'y ibabaon, kalakip ang tamis ng kahapon'
'Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito, Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo'
Hit na hit ang kanta ng 'Ben&Ben' that time kaya naman ang lahat ng estudyante ay taas ang kanilang mga kamay at mabagal na winawagayway.
'Ako'y gigising na sa panaginip kong ito,
at sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa'
"Ako'y gigising na sa panaginip kong ito,
at sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa," sabay ng karamihan sa mga estudyante.
'Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana
Na minsan s'ya'y para sa iyo pero minsan, s'ya'y paasa'
'Tatakbo papalayo, kakalimutan ang lahat'
Enjoy na enjoy namin ni Pat ang kantang 'yon. Bukod sa favorite ko ang Ben&Ben ay ang kinanta pa nila ay bagong labas pa lamang.
'Pero kahit sa'n man lumingon, nasusulyapan ang kahapon'
'At sa aking bawat paghinga, ikaw ang nasa isip ko, sinta'
Noong malapit na ang chorus ay napasabay na kami ni Pat.
'Kaya't pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito, wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo'
'Ako'y gigising na mula sa panaginip kong ito, at sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa'
"Ang gwapo ng drummer beh!" Tili pa ng babaeng katabi namin ni Pat.
"Bet ko d'yan 'yung guitarist. Kyaaah akin ka nalang!" Tugon pa ng isang babae.
Mga haliparot! Hahaha. Pero walang duda na mga gwapings talaga 'tong mga 'to.
''Di ba nga ito ang 'yong gusto? Oh, ito'y lilisan na ako'
All through out of their performance ay parang nagiging hype ang mga estudyante, hiyawan dito, hiyawan doon. Kaya nang matapos ang performance nina Von ay halos hindi magkahumayaw sa pagpalakpak ang mga manunuod kasali na rin ang mga iba kong kaklase na babae.
"Grabe 'yon! Hugot agad ang kanta. Around of applause, please. Anong masasabi n'yo guys sa naging performance ng Banda roon?" Sambit ng emcee.
"More! More! More!" Sigaw ng mga estudyanteng hype na hype.
"Ikalma niyo ang puso ninyo guys. Marami pang susunod na performers for this event. Here's our second performer, Aldrin Tatlonghari!"
"Woooh! Go kuya! 150!" Sigaw ko.
Isa rin sa amin si Aldrin sa Spoken Poetry Club. Magaling din itong sumulat at magsalita sa maraming tao. Multi-talented to dahil marunong nang sumayaw ay marunong pang mag gitara at kumanta.
"Hi guys! I'm Aldrin at ang gagawin ko ay magi-spoken-word poetry," sambit nito habang nakatayo sa stage.
"Kyah! Ampogi mo akin ka nalang," sigaw ng mga babaeng nasa tapat namin ni Pat.
"Marunong ba 'to si Aldrin tumula? Alam ko puro kalokohan lang ang nasa utak nito e," ani naman ni Pat.
"Makinig ka nalang," tugon ko at sabay tawa.
Andaming nanunuod kay Aldrin, pero tiwala ako sa mokong na 'yon dahil bang kapal na ng balat no'n, tinalo pa ang kalabaw.
Nag-umpisa tumindig si Aldrin sa harapan ng maraming estudyante. Hinawakan niya ang mikropono at nag-umpisa magsalita.
"Ang pamagat po nitong tula na isinulat ko ay 'Upuan'. Sana magustuhan ninyo,"
Upuan by Aldrin Tatlonghari
Istorya natin ay dinadalaw ako
Masayang memorya ng ikaw at ako
Matagal na rin no'ng magkasama tayo
Magkatabi sa lumang upuan na 'to
Mga kwentong naglapit sa ating puso
Pagkakaibigan ay tila lumobo
Siguro saksi na ang upuang ito
Sa mga masasayang naganap dito
Ngunit tila upuan ba ay humaba?
O ikaw sa akin ay dumidistansya
Iniwanan mo ako nang nag-iisa
Sa upuan na tuliro at lamyang-lamya
Siguro masyado lang akong umasa
Na gusto mo rin ako nang sobra-sobra
O 'di kaya naduwag ka la'ng sinta
Natakot sa mga magiging resulta
Sensya, ako talaga'y walang ideya
Kung ano ba talaga tayong dalawa
Ayokong lang na mahusgahan ng iba
Na ang tanging nagawa ko ay mahalin ka
Sana mahanap at matagpuan mo na
Taong magbibigay sa iyo ng saya
'Di man natin natupad mga pangako
Mananatili parin ang ikaw at ako- sa'king puso.
Nagpalakpakan ang lahat nang matapos si Aldrin magperform. Hindi rin magkamayaw ang mga ibang estudyante at nasigaw pa.
"Hali ka dito sa akin bebe boy! Ako nalang jowain mo fleece!"
"Dito ka na sa akin, Aldrin! Come to mommy!"
Mga linyang naririnig ko habang bumababa si Aldrin sa stage. Mga babae nga naman talaga Hahaha.
"Dos, broken hearted ba 'yan si Drins? Nagbreak sila ni Cara?" Agad na tanong ni Pat sa akin.
"Hindi, marami lang talagang memories 'yan si Drins na masakit kaya ine-express niya gamit ang tula,"
"Ah, okay. Maganda ah," at lingon sa stage kung saan nagsasalita ang host.
"Awww! Grabe ka Aldrin, winasak mo ang puso namin! Next, again from Spoken Poetry Club, Ron Canimo!"
He is Ron Canimo, isa rin sa member ko sa club. He is a business management student at kaklase ni Pat.
"Oy! Si Ron 'yun ah," turo pa nito sa stage.
"Kilala mo?" Tanong ko dito.
"Oo, kaklase ko 'yan. Antahimik kaya niya, pero im shookt ha na member mo pala siya pres," tugon nito sabay tawa.
"Tse! Shhh, manuod na tayo," at nakinig kami nang maayos sa piyesa niyang isinulat.
Lumakad na ito sa harapan na nahihiya pa. Hindi kasi siya mahilig makisalamuha sa iba, bilang lang sa daliri ang kaibigan niya..
"H-hi! A-ako si R-ron! Ang title nitong piyesang ito ay 'Kumusta',"
Kumusta by Ron Canimo
May mga gabing gusto kong tugunan ang huling mensahe mo sa akin. Gusto kong ipaalam sa’yo na naghihintay ako, at marami akong gustong sabihin. Gusto kong bigyan pa ng isang pagkakataon ang k’wento nating nabitin.
Gusto kong ulitin — balikan ang simula. Kumusta?
Malalim ang gabing iyon. Pareho tayong hindi makaahon. Nasa ilalim tayo ng pighati — nilulunod ng malulungkot na k’wento, ng mga reklamo natin sa mundo. Pinagtagpo tayo kung kailan parehong basag ang ating mga puso. Umasa tayong baka mabuo, baka mabuo tayo ‘pag naging tayo.
Pero hindi pala.
Mas lalo lang tayong binasag ng tagpong iyon. Mas lalo lang tayong hindi nakaahon. May sumaglit na ngiti at kilig, may sumandaling pag-ibig — pero hindi iyon sumapat para maghilom ang mga puso nating tadtad ng sugat. Sa huli, napagtanto nating nasabik lang tayong magmahal muli.
Saka ko rin naisip na hindi pa pala ako handa.
Masyado pa ‘kong mahina para sa isang ‘kumusta’.
Masyado pa ‘kong naniniwala sa ideyang ang pag-ibig ay matatanggap ko lamang sa iba. Masyado pa ‘kong mahina para hawakan ang katotohanang kailangan ko munang maghilom mag-isa. Na ang pagkawala ng sarili ko ay hindi ko matatagpuan kung maliligaw tayo sa isa’t isa.
Pero may mga gabing naliligaw pa rin ako sa mga mensahe mo — doon sa iniwan mong mga salita. Gustong tumipa ng mga daliri ko — kumusta?
Nasa pagitan ako ng pag-asa at pagiging mahina.
At sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga estudyante. Grabi araw ng mga puso pero puro pang wasak na puso ang mga piyesa nila.
"Grabe ang galing!" Sambit ko at palakpak.
"Panis ka pala pres e," pangbubuyo sa akin ni Pat.
"Wait mo lang, papakitaan kita," pagyayabang ko.
"Yabang mo pres HAHAHA. Manuod na nga tayo," sabay hawak ng braso ko.
"What an incredible performance. Aray ha! Kanina pa kayo nakakasakit," wika ng host sabay tawa.
"Ang next ay siguradong ikatutuwa niyo, ang president ng Spoken-Word Poetry Club, Mark Cruz! Give him around of applause, please!" Dagdag pa ng host.
"Hi guys! Ansasakit ng mga tula nilang hinanda para sa atin. Kaya naman papagaanin ko ang inyong mga pakiramdam gamit ang aking tulang sinulat na pinamagatang, 'Tara Kape!'" Sambit ko sa harap ng maraming tao.
"Go Pres!!" Sigaw ng mga ka-club ko.
"Go Dos! Keri mo 'yarn!" Sigaw naman ni Pat.
Tara Kape! By Mark "Dos" Cruz Jr.
Gusto mo ba ng kape?
Ipagtitimpla kita. Ano bang gusto mo, yung mapait, matamis, matabang o sakto lang? Kung ititimpla ba kita ng kape sasamahan mo ko sa kuwentuhan?
Mauupo lang, pag-uusapan natin kung bakit may mga taong mahilig mag kape kahit mainit.
Kung gaano kahirap magtimpla, tumantya ng tamis o pait, balansehin ang tamang dami ng mainit na tubig at maghabol kung sakaling sumobra sa panlasa.
Kape tayo, kwentuhan, gusto ko kasing malaman kung bakit hinayaan mong lumamig na lang ang lahat sa atin. Kung bakit hindi mo ako sinabihan na kulang na pala ako sa tamis at sobra na sa pait. Gusto kong malinawan, gusto kong pag-usapan sa harap ng isang tasang kape.
Pero huwag mo naman hayaang lumamig habang tinititigan lang. At kung sakaling hindi mo na maubos ay huwag mong iwanan, sige itapon mo na lang para makapag timpla ako ng bago para sa iba.
Sa susunod na magkakape ka, ubusin mo, tapusin, huwag mong iwan ng malamig.
Ako na ang bahala sa tapang, kaya ko namang lumaban.
At sabay-sabay silang nagpalakpan at nagsigawan ng...
"Scaaaaam!"
"Sabi papagaanin, mas lalong pinabigat ang nararamdam ko!"
"Scammaz!"
Sabi ng mga estudyanteng umasa na tungkol sa masayang pag-ibig ang inihanda kong tula.
Hahaha umasa talaga sila.
"Hoy Mr. Cruz, paasa ka rin e no? Akala ko sasaya ako sa hinanda mong piyesa pero ba't mo ako pinapaiyak," nagpupunas pa kunwari ng luha.
Agad akong bumaba ng stage. At pinuntahan nang dali-dali si Pat.
"Iba ka talaga pres," sabay tawa nito.
"Ano Pate, panis ka 'no?" Pang-aasar ko pa dito.
"Congrats pala pressy, ang galing!" Dagdag pa ni Pat.
"Ako lang to oh, Pat! Ako lang," tugon ko na nagmamayabang.
"Shhh manuod kana nga!" Ani niya.
"Guys! Are! You! Ready! For! More?!" Tanong ng host sa mga nanamlay na estudyante.
"Woooh! Yeees!" Tugon ng mga estudyante.
"Here's 'Banda roon' upang tugtugan uli kayo ng pasabog at hugot na kanta" Pagkasabi pa lang ay parang sinasapian na ang iba dahil sa excitement.
"Guys sino na sa inyo ang pinagpalit ng mga jowa nila?" Tanong ni Paul sa audience.
"Akooo!" Sigaw ng mga estudyante.
"Sino pa ang mga may jowang malambing lang kapag lasing?!"
"Here's 'Kapag Lasing Malambing' by Mayonnaise sana magustuhan niyo!" Sambit pa ni Paul.
Kapag Lasing Malambing by Mayonnaise
Itutuloy...