February 12, 2017
Ilang araw nalang at araw na ng mga puso, kaya naman busy ang mga student council at iba't-ibang mga clubs sa iba't-ibang pakulo nila ngayong taon.
Last year kasi ay gasgas na 'Prison Booth' na kung saan ikukulong kayo ng taong nilista mo na gustong makasama sa isang silid na puro rehas. Dapat kayong mag-usap at magkakilanlan upang makalabas. Sunod naman ang walang kasawaang 'Wedding Booth' kung saan ililista mo o ng mga kaibigan mo ang taong gustong makasama sa harap ng altar. Hahanapin ito ng mga student council upang samahan ka sa harap ni father. Kadalasan ay puro crush nila ang hinihila ng mga student council kahit na walang alam ang mga ito. Ang siste ay magpapalitan ang dalawang tao na nasa harap ng altar ng mga vows nila, kadalasan ay puro confession at expression ng feelings. At lastly, ang malaking bulletin board na kung saan ang lahat ay pwedeng maglagay ng mga sulat nila. Kadalasan ay nagiging confession board na 'to dahil karamihan ay pakipot at walang lakas ng loob para sabihin ang nararamdaman nila para sa taong gusto nila.
Bilang isa sa mga president ng mga club ay nag-isip agad kami ng mga kagrupo ko ng magandang pakulo para kumita kahit papaano ng pera at makabili ng mga kailangan sa club room.
"Guys, nagpatawag ako ng meeting upang mag-usap-usap tayo about sa mangyayaring Valentine's day," bungad ko sa aking mga kagroup. "Need natin maka-isip kaagad ng activity upang makapaghanda na tayo," dagdag ko pa.
"Siguro pres, magbenta tayo ng mga piyesa natin," suggest ni Amy.
Siya si Amy Pangilinan ang Vice-President ng club namin at isang education student. Maasahan siya sa mga ganitong bagay lalo na't hardworking siyang tao. Siya rin ang pinagkakatiwalaan ko ng mga bagay-bagay dahil tamad akong president HAHAHA.
"O hindi kaya magkaroon tayo ng contest ng spoken-word tapos may fee ang pagsali," suggest pa ni Ken.
Siya si Ken Gomez ka-batch ko rin at isang engineer student. Magaling siya sa pagsusulat ng mga tula, lalo na 'yung pang heartbroken. Halatang may pinagdadaanan.
"For sure maraming sasali d'yan," pagsang-ayon pa ng ibang members.
"Okay, pareho nating gagawin yung mga sinuggest niyo," ani ko. "Ilista na natin 'yung mga gagamitin nating mga gamit for araw ng puso," at kuha ng white board marker.
Natapos ang meeting namin nang mabilis. Siguradong magagawa namin ito nang maayos dahil sa mga kagrupo ko na siguradong maasahan.
Uwian na nang makita ko uli si Amy at kinausap ko siya para sa paghahanda sa valentine's day.
"Amy!!" Sigaw ko habang natakbo.
"Oy pres! Bakit?" Tanong nito na nagtataka bakit ako kumaripas palapit sa kanya.
"A-ah wooooh!" Hinto ko at hinihingal pa. "Gusto ko sanang sabihin na ikaw na muna umasikaso ng paghahanda ng club natin, may pinaghahandaan din kasi ako that day, ayos lang ba?" Pagpapaliwanag ko kay Amy.
"Ayos lang naman pres," tugon nito.
"Thank you, Amy! Una na ako may hinahabol pa ako e, byeee!" Sabay takbo papalayo.
"Sige pres!" Kaway nito sa pag-alis ko.
Mabuti nalang at mabilis ako tumakbo, naabutan ko pa sila Pat na papalabas pa lang ng classroom nila.
"Pat!" Habang kumakaway sa malayo.
"Tara na," sabay hablot nito sa braso ko.
Oo, maayos na ang relasyon namin ni Pat. Bumalik na uli 'yung pagiging close namin bilang magkaibigan. Tipong gabi-gabi na uli kami magkasabay naglalakad pauwi.
---*---*---*---
February 14, 2017
At dumating na nga ang araw ng mga puso, lahat ng estudyante ay excited nang araw na 'yon.
Maaga rin akong nagising upang makatulong sa aking mga kagrupo dahil marami pang ise-set up sa booth ng club namin.
Maaga pa lang pero marami na agad ang estudyante sa field kung saan gaganapin ang event, nagtatayo na rin sila ng iba't-ibang booth sa gagawin nilang activity. Nagset up din pala ng stage ang mga miyembro ng student coun dahil sa marami ang magpeperform.
Tinawagan ko agad ang mga barkada kong sina Von at Aldrin sa messenger upang tanungin kung nasaan sila.
Ringing...
"Oy na san kayo?" Tanong ko sa mga 'to.
"Andito pa pasok na ako ng gate," Ani ni Von.
"Dito pa ako sa bahay pre. Maaga pa naman," Sagot naman ni Aldrin.
"Osige, Von kita tayo sa cafeteria. Kakausapin daw tayo ni Pres. Elena," paalala ko kay Von.
"Sige na, malapit na ako doon," at patay ng call.
"Pasok kana Drin nang matulungan mo kami," habang naglalakad papunta sa cafeteria.
"Oo, sige on the way na ako," at pagbaba rin nito ng tawag.
Call Ended...
Agad na akong pumunta sa cafeteria dahil andoon na raw si Von. Sa paglalakad ko ay nakita ko na ang mga hinahandang pasabog ng ibang booth. Kaya naman nagmadali na ako.
"Von!" Sigaw ko sa malayo.
"Dos, tara na! Andoon daw sila sa headquarters nagchat sa gc," aya nito sa akin.
"Tara, tara dalian na natin," lakad-takbo ang ginawa namin upang makapunta nang mabilis.
Nandoon na nga silang lahat. Kami na lang pala talaga ang hinihintay.
Nagsimula na ang meeting about sa magaganap na program. Binigyan kami ng mga listahan ng activities na magaganap at pinaliwanag kung sino ang sunod-sunod na magpeperform, sakto panghuli ako makakatulong pa ako sa booth namin.
Ilang minuto lang ang tinagal ng meeting namin at mukhang lahat naman ay handa na magperform.
Dali-dali na akong pumunta sa lugar kung saan nakatayo ang booth namin upang matulungan na ang mga kagrupo ko.
"Kumusta, guys? Sorry ngayon lang ako nakapunta may inaasikaso lang," hingi ko ng tawad sa kanila.
"Tapos na lahat pres, don't you worry," tugon ni Amy.
"We? Kaya sa inyo tiwala ko e," sabay ang tawa ko.
"Ang problema nalang paano natin maaakit ang mga kapwa students na bumili sa atin," ani ng iba pa naming kagrupo.
"Kami na bahala ni Aldrin d'yan," tugon ko.
"By the way pres, ayos na yung listahan ng mga kasali sa spoken-word poetry," singit ni Amy.
"Goods, ano pang maitutulong ko?" Tanong ko sa mga kagrupo ko.
"Wala na pres, ayos na lahat. Umupo ka nalang d'yan at intindihin ang pagsalang mo," sambit ni Amy.
"Thank you talaga guys! Dabest kayo!" Ani ko. "May pupuntahan muna ako, babalik ako agad," paalam ko sa mga kagroup ko.
Kinontak ko na si Pat dahil maga-alas dos na at hindi ko pa siya nakikita. Napag-usapan kasi namin magkikita kami before mag alas dos.
Ringing...
"Pat, saan kana?" Tanong ko dito.
"Ay, Dos. Andito pa ako sa bahay. Sasabay ata ako ni Jesrael sa kotse niya," ani naman nito.
Parang sampal sa akin 'yon ah HAHAHA.
"Ah gano'n ba? Kita nalang tayo sa cafeteria, libre ko," aya ko kay Pat.
"Hala, kakadrive thru lang namin. Kita nalang tayo sa cafeteria," sambit naman niya.
"Oww, sige sa cafeteria nalang. Ba-bye!" Paalam ko naman.
"Sige, kita-kits nalang," paalam din nit sabay baba ng phone.
Call Ended...
Well organized ang event ngayong taon, hindi katulad last year nagkaroon pa ng suntukan dahil nalaman ng boy na pinagsasabay pala sila ng ka-tropa niya ng jowa niya.
Pighati Hahaha.
Ngayong taon ay may designated na kulay ang shirt ng bawat course. Kaya naman ang ganda sa mata kapag nagpunta at nagsama-sama na ang lahat sa field.
Walang klase noong araw na 'yon dahil kinausap ng student council si Dean upang maging free ang lahat. Dinahilan nila na mag-uumpisa na kasi ang finals kaya kailangan muna maging stress free.
Kitang-kita ko agad si Pat dahil sa suot niyang yellow shirt at pants. Ang simple lang pero grabe ang dating.
"Good aftie, Mademoiselle!" Bati ko agad kay Pat.
"Good afternoon din, Pres! Hahaha," pang-aasar pa nito.
Alam niya kasing president ako ng isang club at minsan ay tinawag akong 'pres' ng isa kong kagrupo sa labas na ng school kaya tinatawag niya rin akong 'pres' Hahaha.
"Tse! Tara na may libre ka sa aking tula doon sa booth namin," aya ko dito.
May binebenta kasi kaming libro na andoon lahat ng piyesa naming magkakagrupo. Mayroon din naman na 'we make your own request' kumbaga ibibigay mo kung tungkol saan at isusulat ka namin ng isang tula. O di kaya mayroon nang ready na tula at bibilhin mo nalang.
"Tara na nga! HAAHAHAHAA gusto ko 'yan ha," sabay kuha sa braso ko.
Ilang minuto nalang at mag-uumpisa na rin pala ang event. Halos lahat ay nasa field na sa harapan ng stage.
Dali-dali kaming pumunta ni Pat sa booth ng Spoken Poetry Club.
"Guys, I'm back! Si Pat pala, my bestfriend," pagpapakilala ko kay Pat sa grupo ko.
"Hi Pat!"
"Hello!"
"Oy, I'm Amy Vice President ng club na 'to," sabay abot ng kamay upang makipaghand shake.
"Hello, Guys! I'm Patricia from Business course. You can call me Pat, Pate or Tricia," ani naman ni Pat.
"Oh eto na pala 'yung libre ko," sabay abot ng isang sobre na may papel sa loob.
Aesthetic talaga ang itsura nito, may pa-flower pa sa gilid.
"Ay thank you, basahin ko maya-maya," pagpapasalamat nito sabay hila sa akin papuntang gitna ng field. "Bye muna guys!" Pagpapaalam nito.
Nag-uumpisa na pala ang event, saktong alas otso na. Maganda ang pwesto namin ni Pat dahil kitang-kita namin ang magpeperform doon.
"Guys! Are you ready?" Sigaw ng emcee sa stage.
"Yeees!"
"Woooh!"
"Eto naaa!"
Ayan lang ang mga ibang narinig ko sa sigaw ng iba. Punong-puno ang field dahil sa lahat ng students ay andoon.
"Before we start, kumain na ba kayo? Sigaw pa uli ng emcee.
"Yeees!" Tugon ng mga excited na estudyante.
"Mukhang matamlay, patugtugin na 'yan DJ," at pinatugtog ang kantang 'Girl in the mirror'.
Magsu-zumba!!
Bago pa tumugtog ang musika ay nagsi puntahan na ang mga member ng dance troupe sa harapan.
Lahat ay energetic sa pagsunod sa sayaw ng instructor sa taas ng stage. Kami rin ni Pat ay hindi na nagpahuli at umindak na rin. Yung ibang nasa likod ay ang ke-KJ. Mga takot sumayaw.
"Ano nabuhayan ba ang lahat?" Tanong ng emcee.
"Yeees! Woooh!" Sigaw ng mga pawisang mga estudyante.
"Kung gano'n ay panuorin natin ang unang performer ngayong Valentine's day! Please welcome 'Banda roon'!" Pagtawag sa grupo nila Von.
"Kumusta mga students! Ready na ba kayo?" Sigaw ng Vocalist nilang si Paul.
"Yeees!"
Puro hiyawan nalang ng mga estudyante ang maririnig dahil sa excitement.
"This is 'Kathang Isip by Ben&Ben!"
At lahat ay pumaling ang atensyon kay Paul nang pakanta na ito.
Itutuloy....