Kakatapos lang ng midterms exam namin at sa isang linggo ay mag-uumpisa na ang finals, kaya naman nagkayayaan na manuod ng movie sa bahay nila Aldrin.
Um-oo naman ako dahil akala ko all boys lang ang mangyayaring bonding. Ang hindi ko pala alam ay kasama nila ang mga jowa nila- si Cara at si Faith. At akala ko ayon lang ang hindi ko alam.
"Yawa! Akala ko tayo-tayo lang ang magmomoma," agad kong bungad nung chinat na nila mga jowa nila.
'Moma' is short for Movie Marathon. Hindi 'to 'yung momol, iba 'yon, magkatunog lang Hahaha.
"Paps stress din 'yung mga 'yon, alam mong katatapos lang ng exam e," ani ni Aldrin.
"Kaya nga, Dos. Sige, para hindi kana mainis may gagawin nalang kami ni Aldrin," sabay dukot ng cellphone n'ya. "Diba drin," pangongontsaba pa nito.
Nilabas niya ang cellphone at may kinontak. Hindi ko nakita kung sino ang chinat niya pero sure ako na kalokohan na naman 'to.
"Ayan na, nachat ko na h'wag kana malungkot, Dos," sabay akbay sa akin.
"Kaya nga, Dos. Donchaworry kami bahala sa iyo," nang narinig ko 'yon ay napangiwi ako.
Duda talaga ako kapag si Aldrin ang nagsasalita. Feeling ko puro kagaguhan lang ang gagawin nito at walang mangyayaring maganda.
"Sige na, tara na nga!" Pagsang-ayon ko sa kanila.
Lumabas na kami sa room namin upang hintayin ang mga jowa nila. Maaga kaming pinauwi dahil nga exam lamang nung araw na 'yon.
"Mahal tara na!" Agad na aya ni Aldrin kay Cara.
Sene el Hahaha. Charot.
Tumango naman kami kaya umalis na rin kalaunan.
"So, kaninong bahay pala tayo?" Tanong ni Faith.
"Kila Aldrin sagot ni Von," kaya nagulat ang kolokoy na si Aldrin.
"Ha? Ba't sa amin?" Nagkibit balikat kami kaya napangiwi nalang si Aldrin.
"Wala kaming movies do'n," pagpapalusot pa nito pero saktong may winawagayway si Cara na flashdrive.
Mayaman naman 'tong si Aldrin, atsaka walang tao lagi sa bahay nilang napaka-laki.
Ang mga magulang niya kasi at ate niya ay nasa ibang bansa na, hinihintay lang siya maka-graduate upanh makasunod na siya sa states.
Palagi ako dito tumatambay kaya feel at home ang peg ko. Kilala ko na rin lahat ng kasambahay nila.
"Fine! Tara na nga!" Ani ni Aldrin kaya nag-umpisa na kaming maglakad.
Mabilis lang kami nakarating sa bahay nila Aldrin. Walking distance lang 'to sa school.
Agad kaming naupo, kanya-kanyang pwesto. Ako na ang nagset-up ng flashdrive sa kanilang flat screen.
"Anong gusto n'yo panuorin? Itong Fifty Shades? Insidious? Annabelle?" Tanong ko sa kanila habang napindot sa remote.
"Ayan nalang, Insidious," suggest ni Von at sinang-ayunan naman namin ito.
Nag-umpisa na ang horror film. Ang mga magjowa ay magkakatabi at magkakayap.
Saksakin niyo nalang ako fleece.
"Wooy! Waaaaaah!" Napatakip naman ako sa mga tenga ko nang nagsisigawan sila.
Ano ba kasing kinakatakutan nila d'yan!
"Shhhh! Ano ba guys ang ingay ninyo 'di ko na maintindihan," agad kong pagsita sa kanila.
Ang bitter naman HAHAHAHA.
"Oo nga dapat shhh lang tayo baka makita nila tayo aaaaaah! Owmaygawd! Takbo bonak!" Napailing nalang ako sa pinaggagawa nila.
Nagring ang phone ni Von at tumayo ito. "Excuse me guys!" Sabay labas ng bahay habang sinasagot ang tawag.
Naupo lang ako at nanunuod. Nasa c****x na kasi ang movie kaya naman tutok ako sa panunuod.
Napatingin naman ako sa paligid ko. Andaming nagkalat na supot ng mga junk foods, mga pop corns, bote ng C2s at mga beer na in cans.
Ilang sandali pa ay bumalik na si Von. Mukhang may kasama siya, hindi ko maaninag kung babae ba o lalaki.
"Guys, I'm back! Andito pala si Pat," nanlaki ang mata ko nang makita kong si Pat nga.
"Hi, guys!" Agad na bati nito habang kumakaway pa.
"Oy, Pat! Sakto lang ang dating mo kanina pa ansungit ni Dos," sabi ni Cara.
"Masungit talaga 'yan, Carsy," sambit pa nito at tumabi sa akin.
Nagtawanan sila kaya naman nanuod nalang ako at sinalang ang iba pang movie.
"Hoy! Bakit hindi mo ako pinapansin?" Bulong ni Pat sa akin habang magkatabi kami.
"Pinapansin naman kita ah," agad kong sagot dito.
Tumingin ako sa aking relo, at magse-seven pm na pala. Ang bilis ng oras. Pangalawang movie pa lang napapanuod namin dahil natagalan kami sa pamimili at nagkwentuhan pa.
Tumayo ang magjowa na sina Von at Faith, may kukuhain lang daw sila sa kwarto sa taas. Ilang minuto lang ang nakalipas ay pumasok na rin sa kwarto sila Aldrin at Cara.
Iba rin ang mga kolokoy dumiskarte.
Naiwan kami ni Pat na nanunuod ng palabas. Ang awkward nito. Patuloy n'ya akong dinadaldal pero matipid ang mga sagot ko.
Tumayo ako upang magpahangin, marami na rin kasi akong nainom na beer. Hindi ko inaasahang susunod si Pat sa labas ng bahay.
Pagkalabas ay ramdam ko ang simoy ng hangin na humahaplos sa aking balat.
Napatingala naman ako sa itaas. Ang ganda ng langit, andaming mga bituin na kumikinang. At ang bilog na buwan na antingkad ng kulay.
Busog na busog din ako kaya napag-isipan kong maglakad-lakad sa parke ng subdivision nila Aldrin, safe naman kahit maglakad nang mag-isa.
Sumunod sa akin si Pat sa parke.
"Dos, may nagawa ba akong masama sa iyo at hindi mo ako pinapansin?" Tanong nito sa akin.
"Wala naman, Pat," tugon ko at upo sa seesaw.
"Katulad n'yan hindi na tulad nang dati 'yung sagot mo, ang titipid," ani pa nito.
Napansin niya rin pala ang mga sagot kong nakakawalang gana sagutin.
Matagal na rin nung huling nag-usap tayo nang ganito, masinsinan.
"Nafeel ko lang na dumistansya na," sambit ko habang nakatitig sa malayo.
Kami lang andoon dahil madilim na rin siguro.
"Bakit mo nafeel, may nagawa ba akong masama sa'yo?" Tanong nito na naguguluhan.
"Tanda mo noong December 28, 2016 ala una y media, sa mall?" Ani ko dito.
"O-oo, b-bakit?" Nangangatal niyang sagot.
"Nakita kit-," hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumingit ka.
"May kasama akong iba, Dos!" Umiiyak mong sagot sa akin.
Kahit narinig kong nanggaling 'yon kay Patricia ay anong magagawa ko? E wala namang kami kaya wala akong karapatan magalit sa'yo.
"H-he is Jesrael Martinez, my childhood friend na kakabalik lang dito sa pinas," nanginginig mong sagot.
Jesrael Martinez, he is a mayamang anak ng mga business partner ng magulang ni Pat. Kababata ni Pat na nag-aaral sa ibang bansa at walang duda na gwapings.
Malapit na rin pumatak ang luha ko noong tagpong iyon. Hindi ko na rin alam ang aking mga sasabihin kaya nagpatuloy na lang magkwento si Pat.
"That time no'ng makita mo kami sa mall ay nagset-up si mommy ng date para sa amin. Hindi na rin ako nakatanggi dahil sinabi niya na kung hindi ako makikipag-date ay ililipat niya ako ng school. Ayaw ko rin naman mangyari 'yon dahil ayokong mapalayo sa mga kaibigan ko pati sayo. Hindi ko rin masabi sa'yo dahil nahihiya ako," patuloy pa rin ang pag-iyak ni Pat.
"Hindi ko na rin nagawang lumapit sa'yo dahil sa kasama mong naka suit and tie samantalang naka-jersey at tsinelas lang ang suot ko," pabiro kong sagot sa'yo.
Medyo natigilan siya sa pag-iyak niya, iyak-tawa pa nga Hahaha.
"Tarantado ka talaga, Dos! Nage-emote ako dito e," sabay punas sa kaniyang mukha.
"So, bati na tayo? Wala nang iwasan na mangyayari?" Tanong pa nito sa akin.
"Oo na, umiiyak kana e HAHAHAHA," sabay tawa.
"Epal nito!" Hampas mo sa aking braso.
"Tara na, balik na tayo. Baka tapos na sila maglampungan doon," tumayo ako sa seesaw na kinauupuan ko.
"Tara na," agad mong hila sa braso ko.
Na-miss ko yung ganito. Yung tipong naglalakad tayo sa madilim na kalsada at nagkukwentuhan. Kapag kasama ko talaga si Pat, nahahanap ko ang peace na hindi ko mahanap sa iba.
Pero bago pa tayo umalis sa parke ay hinila kita papaharap sa akin at hinawakan ang dalawa mong kamay.
"K-kapag pakiramdam mo hindi ka gusto ng mundo, nandito ako para gustuhin ka, para maramdaman ang ginhawa. Kapag pakiramdam mo walang katiyakan ang lahat nandito ako para patunayang tama ka at hindi dapat mag-alala. Kapag pakiramdam mo walang nagmamahal sa'yo nandito ako para iparamdam ang taos pusong pagmamahal. Na palaging may salita na kayang magpaintindi kung gaano ka kahalaga. Na palaging may paraan para iparamdam sa'yo na sapat ka't buo," sambit ko.
Hindi kana naka-imik, nakatingin ka nalang sa mata ko. Mukhang papaiyak ka nga na naman.
"Wala akong hinihinging kapalit, hindi ako nagbibilang ng mga nagawa ko na, o kahit nag-iisip man lang kung ano bang dulot nito sa akin. Kaya kong magbigay, ng buo, o ng walang hanggan." dagdag ko pa.
At patuloy na nga ang pagragsa ng luha galing sa mata mo. Iyak ka nalang nang iyak. Hindi makasambit ng isang salita.
Umiiyak ka nang walang humpay at niyapos mo ako nang kay higpit. Niyakap rin kita at sambit ng mga salitang...
"Ikaw ang babaeng panghabangbuhay pat," bulong ko at sabay halik sa noo niya.
Tuwing nag-aabang tayo ng masasakyan, kung hindi puno, ibang ruta naman ang daraanan, kaya palalagpasin natin, iiwan tayo, maghihintay ng bago, at ayos lang 'yon, may darating pa naman. Kung minsan naman tayo na mismo ang pumipili ng sasakyan, isa na lang ang kulang pero hindi pa tayo sasakay, baka masikip, baka mainit, maghihintay pa tayo hanggang sa kapipili natin wala ng dumaraan. Maghihintay tayo. May mga pagkakataon namang sila na mismo ang nagtatanong kung sasakay tayo pero hihindi ka at magpapanggap na may hinihintay tayo, kung minsan ang mapili kaya iniiwan, at karapatan natin 'yon, walang masama.
Araw-araw may mga pagkakataong ipinamumukha sa'tin ng mundo na normal ang maiwan o iwanan, pero hindi natin masyadong pinapansin dahil na rin sa kaabalahan ng lahat.
Nasanay tayong naghihintay, pagkaraa'y maiiwan, pero hindi tayo nasasaktan dahil naniniwala tayong may kasunod pa.
May magsasakay pa rin sa'tin kahit huli na - at ang swerte ko, dahil sinakay ako ni Pat.
Bumalik kami sa bahay nila Aldrin. At pagpasok namin ay andoon na sila sa sala at naglilinis ng mga nakakakalat na beer cans at supot ng junk foods.
"O andyan na pala kayo, saan kayo galing?" Bungad sa amin ni Cara.
"Dito lang, naglakad-lakad at lumanghap nang simoy ng hangin," tugon ko.
"Ah sakto papaalis na rin kami. Tara na habang may masasakyan pang mga jeepney," aya sa amin ni Von.
Agad namin kinuha ang mga gamit namin at nagpaalam sa mga kasambahay. Hinatid kami ni Aldrin sa sakayan hangga't makasakay kami lahat.
Itutuloy...