Dahil sa gulat ay napatayo ako bigla kaya natawa nalang sila Ms. Anclote at 'yung mga anakis n'yang higher year na nanunuod sa perfomance task namin.
"No need to stand up kuya... Anong pangalan mo uli?" Tanong nito.
Wala pang asawa si Ms. Anclote at hindi pa gano'n katanda pero ang makakalimutin na n'ya. Nalimutan niya agad ang gwapo kong pangalan.
'yahvang yarn?' Hahaha.
"A-ah miss, Mark po!" Agad kong sagot dito.
"Okay, Mark! H'wag kana tumayo, just sit there and relax. Smile!" Paalala pa nito.
Mabuti nalang talaga at may mga instruments sa room ni Ms. Anclote kaya dali-dali kong kinuha ang gitara.
Inayos ko agad ang pwesto ko at tinuno ang gitarang nahiram.
( Ikaw Nga by South Border )
Agad kong pinatugtog ang gitara. At inumpisahang umawit.
'Heto na naman, nag-iisip minsa'y nagtataka'
'Na sa'kin nga ang lahat, ba't nangungulila'
Kitang-kita ko na maraming nasabay sa saliw ng musikang tinutugtog ko. Bakas sa kanilang mukha na nagagandahan din sila sa paborito kong kanta.
'At nang makita ka, ibang sigla aking nadarama'
'Pag-ibig ba ito, ako'y nangangamba'
Nakita ko rin na nae-enjoy ni Ms. Anclote ang performance ko at ng mga higher year.
Napailing nalang ang dalawa kong kaibigan nung malapit na magchorus.
'Nais kong ipagtapat sa'yo, sana'y dinggin mo ang lihim ng pusong ito'
'Kahit na tayo'y magka-ibang mundo'
Feel na feel ko na ang pagkanta. Halata dahil may pagpikit pa ako Hahaha.
'Ikaw nga, ang siyang hanap-hanap'
'Kay tagal na ako'y nangarap, lumuluhod, nakikiusap na ako ay mahalin mo sinta'
'Ikaw nga ang s'yang magbabago sa akin, sa aking buhay'
'Handang iwanan ang lahat, para lang sa'yo'
Nagpalakpakan ang lahat at kitang-kita ko ang tuwa sa mukha ni Ms. Anclote.
"Anlamig! Woooh! Sigaw pa ng mga kaklase ko.
"Anakan mo ko, Dos!" Sigaw pa ni Aldrin.
"Pa-kiss sa cheecks bebeboy!" Sigaw pa ng mga beki naming kaklase.
Agad na tumayo si Ms. Anclote sa harapan habang pumapalakpak.
"You have a beautiful voice, Mark. Ang husky. And you sang from the heart. Magaling din ang song choice ah," compliment nito sa akin.
Ma'am ako lang to. Dos lang 'to oh, Dos lang Hahaha.
"Kayo mga anakis, anong masasabi n'yo sa performance ni Mark?" Pertaining sa mga higher year.
"Wala na, ma'am. May nanalo na. Uwian na, tara na guys," sabay tawanan ang lahat.
Sunod niyang tinawag ang babaeng 'di makabasag pinggan. Magaling siya gumuhit at tumugtog ng ukelele.
Her name is Gracia Able.
Sunod niyang tinawag and President ng classroom namin. Magaling 'to magsayaw at magrap.
Siya si Joshua Martes
Sumunod ang kaklase naming mga beki. Si Nico at Carlo. Ang titigas pa ng pangalan pero pagnakita mo sa personal ay bang lambot. Mas prefer nilang tawagin na Nicole at Carla.
Nag-acting ang mga ateng, bigay todo ang mga bakla. May sampalan pang naganap at sabunutan.
Mga close ko na rin 'tong mga 'to. Madali kasi akong makakilala at makipagkaibigan sa kanila. 'Dzai' pa nga ang tawagan namin nila Nico at Carlo ay este Nicole at Carla Hahaha.
Sunod na tinawag si Aldrin. Magaling 'to sumayaw kaya naman niyaya n'ya na ang jowa niyang si Cara upang sayawin ang 'Love me like you do' na sinayaw ni Zeus at Dawn.
Asar talo siya sa amin ni Von pagkatapos nilang magperform.
Sa pang-aasar namin ni Von kay Aldrin ay nakita siya ni Ms. Anclote na patawa-tawa kaya tinawag na siya.
Pinagtawanan namin siya sa harap. Bilis ng karma ano? Hahaha.
"Ms. Anclote, banda po kaming tutugtog, ayos lang po ba 'yon?" Tanong ni Von.
May nabuo kasing banda sa block namin. Kinukuha nga akong vocalist kaso hindi priority ang pagkanta. Naging drummer si Von ng bandang 'yon.
Sila ang 'Banda roon'. Nakakatawa man pakinggan ang band name nila pero siguradong magaling tumugtog ang mga 'to.
"Osige, i'll give you 5 minutes upang pag-usapan n'yo muna ang gagawin niyo. Just call me pag magpeperform na kayo," iniwan muna sila ni Ms. Anclote.
Agad na tumawag muna si Ms. Anclote upang hindi masayang ang oras.
Agad niyang tinawag ang babaeng maganda. Si Shyr Cruz. Kumanta siya with a guitar. Ang ganda ng boses niya.
Pareho pa pala kami ng apelyido. Sa katunayan ngayon ko lang siya napansin. Ang akala ko kasi dati nerd s'ya.
"Miss, okay na po kami ng banda ko," sambit pa ni Von.
"So, everyone here's the last 5 performer, Von, Kurt, Dhave, Khalil and Paul. Let us welcome, Banda roon!" Nagtawanan ang mga higher year.
Nakakatawa naman talaga ang band name nila pero pag tumugtog na 'tong mga 'to, mapapanganga ang mga taong nanunuod sa kanila sa sobrang galing.
( Ulan by Cueshé )
After a while ay nagsimula na silang tumugtog.
'Lagi na lang umuulan, parang walang katapusan'
'Tulad ng paghihirap ko ngayon, parang walang humpay'
Ang ingay ng buong classroom, sumabay na lahat ng mga kaklase namin. May pagtaas pa ng kamay at winawagayway pa.
Napapatingin ang kabilang classroom sa room namin. Mga chismosa't chismoso. Hahaha.
'Pero mahirap lang na tanggapin, 'di na kita kapiling'
'Iniwan mo akong nag-iisa, sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan'
'Pero 'wag mag-alala, 'di na kita gagambalain'
Nagsitayuan na ang lahat ng mga kaklase ko. Tuwang-tuwa na ang lahat at nakiki-jamming sa bandang tumutugtog.
'Alam ko namang ngayong may kapiling ka nang iba'
'Tanging hiling ko sa 'yo na tuwing umuulan, maalala mo sanang may nagmamahal sa 'yo, ako.'
Matapos magperform nila Von ay naghiyawan naman ang mga higher year kasama si Ms. Anclote na pumapalakpak.
"Yikes! Tutugtog kayo sa Valentine's day ha?" Tumango naman sila Von kasama ang mga kabanda niya.
"Woooh! Mga idol!"
"Anakan n'yo ko batik!" Sigaw ni Aldrin.
"Ang galing n'yo!"
Iilan lang 'yan sa mga naririnig kong hiyaw ng mga kaklase ko. Napapailing nalang talaga ako kapag nagpeperform sila.
Sabi sa inyo e, makalaglag panty ay este panga pala.
Sinalubong namin ni Aldrin si Von ng apir. Sabay batok at kutos.
Pagkalingon ko ay nakita kong nagsasayahan na ang ibang mga kaklase ko dahil karamihan sa magpeperform for Valentine's ay nanggaling sa block namin. And guess what, nasama pa ako Hahaha.
Nag-iisip nga ako kung anong ipe-perform ko, kung kakanta ba ako o mag-spoken word.
Nasa cafeteria kami kasama ko sila Von at Aldrin, kasama pa 'yung mga higher year na namumuno sa mga events sa school. Nire-recruit kami nila upang may mga juniors sila na mapag-iiwanan nang trabaho nila dahil sila ay graduating na.
Si Pres. Elena Gomez ang head para sa mga gaganapin na events. Kinausap n'ya kami at ang performance sa Valentine's day ang magiging batayan kung karapat-dapat ba kami sa maiiwan nilang pwesto.
Hindi ko napansin ay kinakalabit ako ni Pat. Kaya naman tumayo ako sa aking kinauupuan para kausapin siya.
"Excuse me lang, Pres!" At agad akong hinila ni Pat.
"Ba't hindi ka nagrereply sa chat ko? Iniiwasan mo ba ako, Dos?" Agad na tanong nito sa akin.
May halong kaba ang nararamdaman ko sa tagpong iyon, kaya nagpaliwanag ako.
"Hindi ah, gamit kasi ng tatay ko ang phone ko sa trabaho. Nasira kasi 'yung kanya. Atsaka isang linggo akong nagkasakit, buti na lang talaga ay gumaling na ako Hahaha," pagsisinungaling ko dito.
Hindi siya umimik. Buti nalang naalala ko na dala ko pala 'yung librong binili ko.
"Wait mo 'ko diyan, may kukuhain lang ako sa room. Wait ha!" Agad na takbo ko patungong classroom.
Hingal na hingal ako kasi 3rd floor pa ang room namin. Kinuha ko agad ang libro at dali-daling bumaba upang ibigay kay Pat.
"Oh, Pat. Belated Merry Christmas at Happy New Year!" At abot ng mga librong nakalagay sa paper bag.
"Ano 'to? Hindi mo naman kailangan na magregalo ah," binuksan n'ya agad at nakitang libro ang laman.
"Thank you, Dos!" Umakma pa siyang yayakapin ako pero agad akong lumayo.
"Welcome, bye!" Nagmamadaling umalis.
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Pat. Naguguluhan ata 'to dahil pansin niya na umiiwas ako sa kanya.
Lumipas ang oras at dumating ang oras ng uwian. Sumabay na ako sa mga tropa ko bumaba at sa hindi inaasahan ay naghihintay s'ya sa guard house malapit sa gate.
"Hi, Von at Aldrin!" Agad na bati ni Pat sa dalawang kolokoy.
"Oy! Hello, Pate!" Bati rin ni Aldrin at Von.
"Tara na, Dos! Sabay na tayo maglakad," aya mo sa akin.
"A-ah e-eh may pupuntahan pa kami ng mga 'to e," agad kong dahilan.
"Wala nam-" tinapakan ko agad ang paa ni Aldrin. "Ay, oo nga pala. May pupuntahan pa kami, Pat," agad na kabig ni Aldrin.
"Ah gano'n ba, osige," malungkot niyang tugon.
"Sorry, Pat. Next time nalang tayo magsabay," ani ko.
Hindi ko hinayaang maglakad mag-isa si Pat. Kahit umiiwas ako ay gusto ko pa rin na safe siya pag-uwi. Kaya naman nagtawag ako ng tricycle upang i-hatid na siya sa kanilang bahay.
Tiwala ako sa mga tricycle drivers dito kasi mga kumpare ni Papa Mak ang mga ito at Ninong ko pa 'yung iba.
"'Nong!" Tawag ko sa tricycle.
"Dos, ilan kayong sasakay?" Tanong pa ng Ninong ko.
"Isa lang 'nong, s'ya lang," sabay turo kay Patricia. "Pakihatid nang safe sa kanila 'yan 'nong, salamat!" Dagdag ko pa.
"Ako bahala, nak!" Sabay paandar ng makina.
"Magchat ka nalang kung naka-uwi kana," agad kong paalala kay Patricia.
"O-okay," matipid nitong sagot.
Umandar ang tricycle at umalis na ito. Ramdam ng mga kaibigan ko na may hindi tama sa nangyayari pero hindi ako nagkukwento kapag alam kong kaya ko pa.
"Ba't hindi mo sinabayan paps?" Tanong agad ni Aldrin.
"Kaya nga, mukhang malungkot si Pate," dagdag pa ni Von.
Hindi ko na nagawang sumagot sa mga tanong dahil hindi ko na rin alam e. Hinila ko na agad sila upang maglakad.
"Tara na nga!" Pag-aya ko kila Aldrin at Von.
Nakauwi na ako at dumiretso sa kama. Nakakapagod ang araw na 'yon dahil sa performance. Nakita ko nalang sa notification bar ng aking phone na nagchat na si Pat sa akin.
"Hi, Dos! Nakauwi na ako. Thank you dito sa regalo mo, hindi ka na dapat nag-abala pa pero pramis, babasahin ko 'to," chat ni Pat sa akin.
Hindi ko na 'to nireply-an at sineen nalang. Nagpahinga na ako.
Nagpatuloy ang ganito naming set-up. We're good pero pansin ang pag-iiwasan namin. Kung mag-uusap man ay mabilisan lang hindi tulad nang dati ay nagtatagal.
Itutuloy...