Kabanata 6

1717 Words
Hindi na niya nireplya-an ang huling mensahe ko sa kanya. Kaya inintindi ko nalang na baka nag-eenjoy na silang pamilya dahil noche buena na. Kumatok sa aking kwarto si Yna. Tinatawag na pala ako sa baba upang kumain. "Kuya!" Tawag nito habang kumakatok sa pinto. "Kakain na raw sabi nila Mama at Papa," dagdag pa nito. Dali-dali akong bumangon sa aking hinihigaan. Hindi ko na rin dinala ang phone ko dahil mapapagalitan ako ng tatay ko pag nakitang ginagamit ko ito habang kami ay kumakain. "A-ah gano'n ba," dali-dali kong sagot. "Susunod na ako doon, Yna!" Dagdag ko habang nagmamadali. Bumaba na ako no'n at nakita ko ang hinanda ni Mama Gina. "Merry Christmas mga anak!" Agad na bati ni Mama Gina sa amin sabay yakap. "Merry Christmas din po!" Bati ko rin sa mga magulang at kapatid kong si Yna. Kami ay naupo na sa harap ng hapag. Nagdasal muna kami bago kumain, nagpasalamat sa Panginoon dahil sa panibagong taon na binigay Niya. "Amen!" Sabay-sabay naming bigkas nang matapos kami magdasal. Kumain kami ng mga handa. Kwentuhan at kulitan ang naganap. Kahit na hindi magarbo ang aming handa ay tiyak na masaya ang aming pamilya. December 28, 2016 Marami akong nakuhang pera sa nagdaang pasko kaya nga laking tuwa ko. Mga galing sa pangangaroling kasama ng mga kababata ko at mga bigay ng mga Ninong, Ninang, Tita, Tito at Magulang ko. Nakakatawa nga isipin na sa edad kong ito ay nakakatanggap pa rin ako ng aguinaldo mula sa kanila. Napagpasyahan kong gamitin 'tong pera upang regaluhan si Pat, tutal we're close friends naman. Pero may isa pang problema... Hindi ko alam ang ibibigay ko kay Pat. Kaya nagtanong nalang ako kay Jaz at kinontsaba ko. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at sakto ay may natira pa akong load pantawag. Ringing... Agad sinagot ni Jaz ang tawag ko. ["Hello, Jaz!"] Bungad ko. ["Oy, Dos! Merry Christmas pala at Happy New Year!] Bati naman nito sa akin. ["Onga pala, ba't ka napatawag?"] Tanong nito. ["Merry Christmas and Happy New Year din dzai! Ayon nga, gusto ko kasi regaluhan si Pat. Ang problema e wala akong maisip na magandang ipang-regalo sa kanya, sa tingin mo ano kayang magandang ibigay?"] ["Ah ayon ba? Para sa akin, suggestion lang ah. Pwede mo siyang regaluhan ng bracelet o kaya libro. E diba mahilig magbasa 'yon,"] tugon sa akin ni Jaz. ["Oo nga 'no, pwede ko siya regaluhan ng libro, pero anong klaseng libro? Anong genre?"] ["Ang alam ko kasi mahilig siya magbasa ng romance pero nachika n'ya sa akin sa messenger last time na nagpaplano siya magbasa ng fantasy novels,"] wika ni Jaz. ["Ikaw nalang mag-isip kung anong libro, mahilig ka rin naman magbasa nang kung anek-anek na kwento,"] dagdag pa ni Jaz. ["Oo, dzai ako na ang bahala kung anong klaseng kwento ng libro. Maraming salamat ha! Atsaka h'wag ka pala maingay kay Pat,"] pagpapasalamat ko dito. ["One thing pa pala. Alam mo naman 'yung karamadaman ni Pat. Kaya naman h'wag ka magbigay ng nakakalungkot! Hindi n'ya iyon malilimutan!"] Paalala pa ni Jaz sa akin. ["Oo naman dzai. Ako na bahala, thank you uli!"] Tugon ko. ["Sige na, Dos. Marami pa akong gagawin. Babush!"] Paalam nito sabay baba ng telepono. Call Ended. Pumasok agad sa isipan ko kung anong kwento ng libro ang ibibigay ko kay Patricia. Kaya dali-dali na akong naligo at naghanda upang pumunta ng National Bookstore sa mall. Sinuot ko na ang aking helmet kasi nga naman safety first. Inistart ko agad ang aking scooter at walang ano-ano ako ay lumarga na. Nakarating ako nang mabilis sa mall. Hinanap ko agad ang isang bundle ng "Harry Potter" 'yung complete books na. Binili ko 'to kahit mahal ay 'di bali kasi pa rin naman sa minamahal. Iba talaga pag inlababo ang tao. Lahat gagawin para makuha ang taong gusto. Tirik pa ang araw ng mga oras no'n kaya naman napagpasyahan ko muna mag window shopping. Naglakad-lakad at nagtingin-tingin lang upang pamatay oras. Napadaan ako sa harapan ng sinehan, hindi ko inaasahang makikita ko si Pat dito. Bihis na bihis parang may kikitain. Kaya naman dali-dali ako lumapit pero bago pa ako makapagsalita ay may tumabi na sa kanya. Ang mga hakbang n'ya ay sigurado para bang napag-usapan na nila na dito magtatagpo. Pamilyar sa akin yung lalaki na 'to. Parang kasama 'to sa Top 20 names ng mga lalaking itutumba ko. Ito 'yung mga pakboy na laging pinupusuan yung dp mo. Agad akong bumalik sa aking nilakaran, walang imik na lumabas ng mall. Gabi na nang maka-uwi ako. Sumalubong si mama sa pinto. "Anak, ba't ngayon ka lang? Kumain kana may hinanda akong paborito mo - tinola," agad na bungad sa akin ni mama. Nilagpasan ko lang si mama at dali-dali akong pumasok sa kwarto no'ng gabing iyon, animo'y walang narinig. "Dadi, nakita mo ba 'yon? Nilagpasan lang ako," sambit ni Mama Gina kay Papa Mak. "Hayaan mo na mi, malaki na 'yan si Dos. Kakain 'yan pag nagutom. Baka may problema lang 'yan," tugon nito kay Mama. Hindi na ako kumain no'n, talagang apektado ako sa nakita ko. Agad kong hiniga ang katawan kong walang gana sa kama. Maraming hindi magandang ideya ang pumapasok sa aking isip, tulad ng baka nga hindi nga tayo ang tinadhana ng universe. Baka kaya mo lang nasabi na gusto mo ako kasi nabigla ka lang. Oo, nasaktan ako that time. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko no'n. Nagpasya akong hindi pumasok nang isang linggo upang mawala ka kahit papaano sa aking isipan. Dialing... Nag-ring ang cellphone ko at nang makita kong si Aldrin ang tumatawag ay sinagot ko agad. ["Hello?"] Bungad ko. ["Paps anong petsa na, apat na araw ka nang absent. Ba't hindi ka pumapasok, napasarap ata bakasyon mo ha?"] Pangangamusta nito sa akin. ["May sakit kasi ako paps, baka next week na ako pumasok,"] pagdadahilan ko kay Aldrin. ["Ah gano'n ba, hinahanap ka kasi sa akin ni Pate. Hindi ka raw nagrereply sa mga chats n'ya?" Tanong pa ni Aldrin. ["Ay hindi ko hawak phone ko e, hiram ng tatay ko ginagamit sa trabaho,"] tugon ko. Puro pagdadahilan nalang ang nagawa ko para hindi na ako kulitin ni Aldrin na pumasok at kausapin si Patricia. ["Sige tol, ako na bahala magpaliwanag sa mga prof natin tsaka kay Pate,"] aniya. ["Sige pre, kita-kits next week,"] pagpapaalam ko kay Aldrin sabay baba ng telepono. End Call. Lumipas ang linggong iyon, mukhang nakatulong naman ito upang makalimutan ko si Pat kahit papaano. Dumating na ang araw ng pagbabalik ko sa iskewela. Kinuha ko na agad ang phone ko at nagchat sa group chat namin magtotropa. Mukhang male-late ako. [ Dos: Bois nasaan na kayo ha? Bon: On the way na aq paps. Kayo ba? Aldrin: Andito na ako sa room. Marami-rami na rin ang nandito. Dos: Ako rin, on the way na. Kita-kits nalang sa room ah. Mukhang male-late ako. Bon: Sige mga paps, malapit na ako sa school. Aldrin: Ingat-ingat mga paps.] Pagkarating sa harap ng gate ay nakita ko na ang mga estudyanteng pumapasok. Maraming naka-rebond at mga bago pa ang mga suot na bag at sapatos ng mga ito. Dali-dali akong pumasok sa room namin dahil late na ako. Anong oras na... "Oy, Dos! Anyare sa'yo? Kumusta ka ba?" Bungad agad sa sa akin ni Aldrin. "Ayos naman, magaling na rin ako. Atsaka need ko talaga 'yung isang linggong pahinga na 'yon," tugon ko kay Aldrin. "Oh ba't wala pang prof?" Dagdag kong tanong sa mga barkada ko. "May meeting daw sa faculty ang mga teacher. Answerte mo nga e, ilang oras kana kaya late," sambit ni Von kaya naupo na ako sa tabi nila. "Hindi ako naniniwalang nagkasakit 'to si Dos e. Tropa nito yung mga germs Haha," pang-aasar pa ni Aldrin. Kilalang-kilala ako talaga ng mga 'to. Iba talaga pag magkakasama na sa Junior High School hanggang College. "Oo nga, uso ba sa'yo ang sakit, Dos?" Gatong pa ni Von. "Tungeks nagkasakit nga ako," patuloy kong pagmaang-maangan. "Ano bang gawain ang binigay ni ma'am?" Segway ko upang hindi na ako ang bunot sa kwentuhan. "May pinababasa lang si ma'am, madali lang 'yon. By the way, no'ng nakaraan ka pa hinahanap ni Pat ah?" Sambit ni Aldrin kaya agad akong napalingon. "Anong sabi ba?" Malamig na tugon ko. "Wala naman, hinahanap ka lang. Noong last Monday, Wednesday at Friday pumunta rito sa room," kwento pa ni Von. Wala na akong masabi that time. Himala nga e, ngayon lang ako natigilan magsalita sa kwentuhan. Para bang wala nang nalabas na salita aking bibig. Naha-hotseat na rin ako dahil alam ko na ang kasunod ng mga kwento nila - pang-aasar. Mabuti nalang talaga at dumating ang prof namin. Save by the bell kumbaga Hahaha. "Hey guys, sit down! Masyadong napatagal ang meeting namin, sa katunayan ay hindi pa tapos. Bumalik lang ako dito upang kuhain ang gamit ko. Assignment n'yo na 'yung mga activity sa binasa n'yo and next meeting natin ididiscuss. Okay ba 'yon?" Wika ni Ma'am Hontiveros. "Okay po ma'am." "Noted ma'am, goodbye po!" "Thank you ma'am!" Agad na bati ng mga kaklase ko. Agad kaming pumunta sa isa naming klase. Art Appreciation ang subject. This time magpapakita ng mga talent upang isali sa iba pang club, dahil yung ibang club ay naghahanap pa ng bagong talents. "Guys, come here and mag-umpisa na tayo sa talent portion. Alam kong may hidden talent kayo kaya ilabas n'yo 'yan mga anak," agad na bungad sa amin ni Ms. Anclote. Agad naman kaming lumapit at pinaupo n'ya kami isa-isa. Mabuti nalang talaga at magkakatabi kaming tatlo nina Aldrin. "Hi! How are you guys?" Tanong niya sa amin. Sumagot naman sila habang ako'y ngumiti lang. "So, simple lang naman ang gagawin natin, magpe-perform lang kayo gamit ang talent n'yo and gigrade-an ko 'to at ito ang magiging grade n'yo sa midterms exam, okay ba tayo doon?" Pagpapaliwanag pa nito. "O-okay po, Ma'am!" Agad na sagot ng mga kaklase kong kinakabahan. Mabuti nalang talaga kahit ganito kaming tatlo ay may talent kami Hahaha. "Okay, Let's start with you, kuyang pogi," wika ni Ma'am sabay turo sa akin. Enebe ma'am, eke leng te eh Hahaha. Nagulat ako nang bahagya. Siguradong pagti-tripan ako ng mga tanga. Pero ayos lang, ano pa bang mawawala? Sanay na ako’t sobrang kapal na ng aking mukha. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD