Nilapitan ko agad si Pat sa kanyang inuupuan nang malaman na absent ang partner ko. Inalok ko siya na maging kasayaw ko sa gagawin naming activity.
"Dos, salamat pala sa paghatid sa akin kagabi," agad na bati nito sa akin nang ako ay lumapit. "Bakit ka nga pala nandito, magpapraktis ng sayaw ah?" Tanong nito sa akin.
"Oo nga e, absent kasi partner ko. E nalaman ko na wala kang partner kaya nagbabakasakali ako na maging partner mo, kung ayos lang naman," paliwanag ko kay Pat.
"Ayon lang ba, no problem since magkaibigan naman na tayo," pagsang-ayon nito sa akin habang nakangiti.
Noong oras na 'yon ay lahat ay nakatayo at may sari-sariling partner. Sumasabay sa indak ng musika na nanggagaling sa kanya-kanyang device na dala. At ito kami ni Pat, nagkakahiyaan.
Ilang ako humawak sa bewang ni Pat, kaya naman hinawakan n'ya ang kamay ko. Ginabayan niya ito patungong bewang n'ya. At dahang-dahan naghawak ang aming kamay, ramdam ko na medyo kinakabahan s'ya dahil sa namamasa n'yang kamay.
Kahit kinakabahan ay pinipigilan ko ang kilig na gusto nang kumawala sa aking katawan.
Lumingon ako sa aking likod, ang mga kolokoy ay tawang-tawa.
"Go, Dos!" Pang-aasar sa akin ni Von.
"Pakitaan mo nang mga da-moves mo 'yan si Pat, Dos!" Dagdag pa ni Aldrin na nang-aalaska.
Hiyang-hiya ako no'n sa pinagsasabi nila lalo na't magkaharap kami ni Pat.
"Mga tarantado talaga kayo!" Ani ko sa mga mapang-asar kong kaibigan.
Tumatawa si Pat. Naririnig nga pala nya ang pang-aasar sa akin ng dalawa kong kaibigan.
"Ba't ka tumatawa?" Tanong ko dito na may hiya na bakas sa aking mukha.
Patuloy itong tumawa. "Wala, ang kukulit n'yo lang kasi magkakaibigan," ani nito.
"Ah, ganyan talaga 'yang mga 'yan. Likas na malalakas mang-asar," sagot ko dito.
"Halata nga," sabay tawa at tila ba nawala na ang kaba na kanina ay nanggagambala.
Nagpraktis kami. Noong una ay nagkakahiyaan ngunit nang tumagal na ay nawala ang hiya at tila nakagalaw nang maayos. Nakita ko ang pagsasayaw niya, walang duda na multi-talented si Pat.
Mabilis n'ya na nakabisado ang lahat ng steps, talagang sa akin lang kami natatagalan dahil 'di ko agad ito makuha at minsan ay nalilimutan ko pa.
Hindi kalaunan ay nakabisado ko rin, dahil ito sa tulong ni Pat. Maayos namin naisasagawa ang steps kaya tuwang-tuwa s'ya, syempre ako rin.
"Ang galing natin, Dos!" Bati nito sa akin.
"Ikaw kamo ang magaling, kung hindi dahil sa iyo hindi ko makakabisado 'yon," ani ko dito.
"Ano ka ba, 'di natin mape-perfect 'yon kung hindi nakipag-cooperate ang isa sa atin. Kaya good job, Dos!" Sagot nito.
"A-ah gano'n ba, salamat. Galingan natin sa araw na ipe-present natin 'to sa classroom, goodluck sa atin, Pat!"
At gano'n nangyari ang unang paghahawak namin ng kamay, hindi man official na paghahawak kamay bilang magkasintahan ay atleast, nahawakan ko ang kamay ni Pat.
Lumipas ang isang linggo, at ang araw ng aming presentation para sa minor subject na P.E ay dumating.
"Kumusta, Pat?" Bati ko dito na parang confident sa mangyayari.
"Eto ayos naman. Tagal nga ni sir e," sagot nito na mukhang excited na magpresent sa harap ng aming mga kaklase.
Lumipas ang ilang minuto ay nag-umpisa na ang presentation, kinakabahan ako kasi kahit madalas ako magsalita sa harap ng maraming tao ay 'di ko pa nagawang magsayaw sa harap nila.
"Mr. Aldrin and Ms. Cara, kayo na sa harapan dali," wika ng aming guro na si Sir. Rodrigo.
Dali-dali ako lumapit sa upuan ni Pat para balitaan na kami ang susunod dito.
"Pat, tayo na susunod dito, kinakabahan ako baliw," ani ko dito na tila walang bakas na kaba sa mukha.
"Huminga ka nang malalim then dahan-dahan mong ibuga, magiging ayos pakiramdam mo," advice nito para sa akin. "Atsaka 'wag ka mag-alala, kasama mo ako," dagdag pa nito.
Hindi ko namalayan ay na tapos na magsayaw si Aldrin at partner n'yang si Cara.
"Okay, next is Mr. Cruz and Ms. Patricia, sa harap please," pagtawag nito sa amin.
Lalong lumakas ang t***k ng puso ko sa kaba, parang sasabog na ito. Pinagpapawisan na ako nang malamig at n
hindi na ako mapakali. Ngunit biglang may humawak sa kamay ko, anlambot nito.
Pagtingin ko ay kamay pala ni Pat, niyaya na akong pumunta sa harapan hawak-hawak ang aking kamay.
Nawala ang pagiging kabado ko at ako ay kumalma. Kahit maraming nakatingin ay walang pakielam dahil hawak-hawak ko ang kamay ni Pat.
"Galingan natin, Dos!" Ani nito bago kami sumayaw. "Huwag kalimutan ngumiti," dagdag na paalala pa nito.
"O-okay!" Pagsang-ayon ko sa kanya sabay ngiti sa madla.
Nag-umpisa ang kanta, dahan-dahan naming sinabayan ang mabagal na ritmo ng kanta. Hanggang dahan-dahang bumilis ito, lalo akong nahulog sa'yo.
Buong oras na iyon ay nakatitig lang ako sa iyong magandang mukha, hindi ko namalayan na natapos na ang kantang sinalang at sabay palakpakan ang lahat.
"Tropa ko 'yan!" Sigaw ni Von sa likuran.
"Kuya pa-kiss isa lang!" Sigaw rin ni Aldrin na nang-aasar lang.
Ako ay tumawa na lang at nabilib sa sarili ko na natapos namin ang presentation namin nang maayos.
"Ang galing natin, Dos!" Bati sa akin ni Pat at biglang yapos nito sa akin.
Nagulat ako nang bahagya, ngunit niyakap ko na rin siya dahil isa rin 'to sa mga inaasam-asam ko mangyari, bukod sa maging kasintahan niya.
"A-ah salamat, Pat!" Sagot ko dito. "Hindi naman 'yon mangyayari kung hindi dahil sa magaling kong teacher," ani ko dito.
"Ay sus, nambola ka pa. Oo na, libre na kita ng ice cream pag-uwi," at sabay kami nagtawanan.
"Oh class, very good kayong lahat because you perform well sa ating ginawang activity," bati ni Sir. Rodriguez sa aming lahat. "Ayon lang para sa araw na ito, goodbye class!" Pagpapaalam nito sa amin.
"Goodbye sir!" Ani namin dito.
Nagtayuan na ang lahat at nagsipuntahan na sa kani-kaniyang sunod na klase.
"Ba-bye, congrats uli sa atin, Dos!" Paalam ni Pat sa akin sabay kaway palayo.
Ayon ang unang beses kaming nagkahawak kamay at nagyakap, parang ayaw ko na nga maghugas ng aking kamay para 'di mawala ang halimuyak niya.
Masaya kaming naglakad pauwi, nagkwentuhan sa mga pangyayaring naganap sa aming araw. Habang kain-kain ang sorbetes na nilibre niya sa akin.
Ganito nagsimula ang pagiging matalik namin na magkaibigan. At lalong nagiging mas komportable na akong kasama siya at kausap siya.
"Oy, Dos salamat uli sa paghatid," pagpapasalamat nito bago pumasok sa kanilang bahay.
"Wala 'yon, ito pala oh," sabay abot sa kanya ng kapirasong yellow paper.
Agad n'ya itong kinuha, sabay pumasok na sa kanilang bahay. "Bye, Dos!" Paalam nito sa akin na nakangiti na tila ba alam na kung anong laman ng inabot kong papel.
Nakasulat dito ang tulang hinanda ko sa kanya.
Pangatlong tula
July 25, 2016
kagaya ng buwan,
hindi ka man laging buo,
may hindi man kanais-nais sa parte mo
pero lagi kang maganda
lagi kang mahalaga at may halaga.
Itutuloy...