Kabanata 4

1736 Words
Lumipas ang mga linggo't buwan na lagi kaming magkasabay umuwi at kumain tuwing breaktime. Nalaman na namin kung ano ang mga sikretong kinukubli nang isa't-isa, dito ko rin napagtanto na hindi ko na s'ya gusto - minamahal ko na s'ya. Alam kong corny pakinggan ang pinagsasabi ko, pero sino bang hindi mahuhulog sa kagaya ni Pat na sobrang ganda, mabait, matalino at multi-talented pa. Kaya hindi na ako nagtataka na maraming nagkakagusto at nagtatangka na manligaw sa kanya. Nag-iisip nga ako kung sasabihin ko ba ang nararamdaman ko sa kan'ya nang personal o idadaan ko na naman sa tugmaan. Matagal ko nang pinag-iisipan ito, at sa ilang linggong lumipas ay sa wakas nakapagpasya na ako - sasabihin ko pero mukhang ang tula na naman ang sasandalan ko. December 2, 2016 Sa pagkakatanda ko ay binalak kong umamin na sa kanya. Nakapaghanda na rin ako ng tula na ibibigay dahil ako ay aminadong isang torpe. Hinanap kita sa buong campus noong araw na 'yon ngunit hindi kita makita kaya nagtanong-tanong ako sa mga kaibigan mo. "Hi, Jaz! Nakita mo ba si Pat?" Tanong ko kay Jaz na friend ni Pat. "Oy, Dos! Ah hindi e. Alam ko maaga 'yon umuwi," tugon nito sa akin. "Gano'n ba, salamat Jaz! Pakisabi na hinahanap ko s'ya kung sakaling makita mo," sagot ko rito na may bakas na lungkot sa aking mukha. "Osige ba. Bye, Dos!" Ani nito sabay paalam sa akin. Ako ay naglakad na mag-isa pauwi, walang kasabay dahil yung dalawa kong barkada e kasama nila ang kanilang mga jowa. Ayoko naman maging third wheel at lalong ayoko makasira ng moment nila. Si Pat lang talaga ang inaasahan ko makasabay pag-uwi ngunit mukhang nauna na s'ya. Habang naglalakad ay ang lalim ng iniisip ko. Hindi ko alintana ang madilim na daan na nilalakaran ko. Nadaan ako sa isang convenience store na lagi namin binibilihan ng ice cream at ako ay sumilip. Hindi ko inaasahan na makikita ko rito si Pat, may kasamang ibang lalaki kumakain ng ice cream. Nakita ako ni Pat. "Dos! Hoy Dos!" Tawag nito sa akin ngunit hindi ko siya nilingon. Patuloy akong naglakad, mistulang walang naririnig. Hindi ko s'ya nilingon nung gabing iyon, siguro ay nagselos ako. Wala man akong karapatan, pero oo - nagselos talaga ako. Nakakatawa man pakinggan, pero gano'n siguro kapag nagmamahal ka. Yung tipong kahit walang kayo ay hindi mo maiiwasan ang magselos kapag may kasama siyang iba. "Hi, Dos! Nakita mo ba ako kanina? Tinatawag kaya kita doon sa convenience store pero hindi mo naman ako nilingon," chat sa akin ni Pat sa messenger. Nakita ko ito sa notification bar ng aking cellphone, nag-alangan akong buksan ang mensahe n'ya at sagutin chat ito. Ilang minuto rin ang lumipas no'n at binuksan ko rin ang chat mo. "Hi, Pat! Weeeee? Hindi ko narinig pasensya," maang-maangan ko pang sagot sa chat nito. "Oo, ansakit nga ng lalamunan ko kakasigaw sa'yo," ani nito. Hinayaan ko na ang huling mensahe na ito ni Pat dahil ko na rin alam ang isasagot ko. Lumipas ang sabado't linggo ay maaga ako pumasok. December 5, 2016 "Oy, Dos! Goodmorning pa-kiss nga," bati ng aking kaibigan na si Aldrin. "Hinahanap ka ni Pat, hindi mo raw sinasagot reply n'ya," dagdag pa nito. "LQ ang magjowa ah," pang-aasar pa ni Von. "Tungeks, hindi ko jowa 'yon. May jowang iba 'yon," tugon ko sa dalawa. "We, akala ko kayo na?" Tanong ni Aldrin na nagtataka. "Oo nga, araw-araw kayo magkasabay pauwi," dagdag pa ni Von. "Hindi mga baliw. Nagsasabay kami kasi malapit lang bahay nila sa amin tsaka magkaibigan lang kami," sagot ko sa mga tanong nilang nakakasakit para sa akin. Nag-umpisa na ang klase noong araw na 'yon pero hindi pa rin mawaglit sa isipan ko si Pat at 'yung lalaking kasama n'ya. Breaktime no'n at sumabay akong kumain sa mga barkada ko kahit na kasama nila 'yung mga jowa nila. Ayos na sigurong maging 5th wheel kaysa mag-isa kumain. "Dos, bakit hindi mo kasabay kumain si Pat? Tanong ni Cara sa akin, girlfriend ni Aldrin. "Oo nga, Dos. Nag-away ba kayo ni Pat?" Pahabol pang tanong ng kasintahan ni Von na si Faith. Hindi ko talaga alam ang isasagot sa mga tanong nila. "Hindi kami magkaaway. We're good naman. May boyfriend ata 'yon si Pat kaya alam n'yo na, need dumistansya," ani ko sa kanilang mga tanong. "We? Ang akala ko kayo? Kwento nito ni Aldrin sa akin," tugon nito sa akin na mukhang naguguluhan. "Akala nga ng lahat kayo na," dagdag pa nito. "Hindi ah. Friends lang kami," sagot ko sa kanilang mga tanong at tila napalakas ang aking sabi. Narinig ito ni Pat. Mukhang kakausapin n'ya sana ako nung oras na 'yon pero nagmadali siyang lumayo nang marinig niya ang mga salitang lumabas sa aking bibig. "Dos, si Pat," turo sa akin ni Aldrin. "Habulin mo!" Dagdag pa nito. Iniwan ko ang mga kaibigan ko sa lamesa. Hinabol ko si Pat para kausapin. "Pat! Kausapin mo ako please," pagmamakaawa ko dito. "Pat, bakit ka ba umiiyak ha?" Tanong ko dito na nag-aalala. Hindi siya kumikibo at umiiyak na rin ito. Gulong-gulo na ako kung bakit siya umiiyak. Tinanong ko ang sarili ko kung may nasabi ba akong hindi maganda patungkol sa kanya. Natapos na lang ang oras ng breaktime pero hindi niya pa rin ako kinikibo, andoon pa rin kami sa rooftop ng building nila. "Dos, mamaya na lang tayo mag-usap," sagot nito na nagpupunas pa nang luha sa kan'yang mga mata. Sabay iwan sa akin na blanko at hindi malinawan. Naiwan ako doon nang nakatulala. Iniisip ko kung bakit ba siya tumakbo at umiiyak. "Umiyak ba siya dahil sa hindi ko siya nireply-an noong nakarang gabi?" Tanong ko sa sarili na gulong-gulo. Hindi ko na rin napasukan ang sumunod na klase ko noong araw na 'yon. Hindi ko kaya makapag-focus nang ganitong may hindi kami pagkakaintindihan ni Pat. Talagang apektado ako sa nangyari. Sinubukan ko pasukan ang huli kong klase pero hindi ko maintindihan ang tinuturo ng prof ko sa unahan. "Dos, kanina ka pa tahimik ah? Hindi ka rin pumasok sa isang subject kanina. Anong nangyari ba? Tanong ni Aldrin sa akin na kahit ito ay nag-aalala na. Hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kanya dahil ako rin ay litong-lito na. "Ewan ko rin pre," malamig na sagot ko sa kanya. "Sige pre, andito lang kami ni Von kung kailangan mo ng kausap. "Tawagin mo lang kami," ani nito sa akin. "Kaya nga, Dos. Andito lang kami handang makinig sa kwento mo. Hindi ka namin huhusgahan," dagdag pa ni Von. Nagulat ako sa mga lumalabas sa bibig ng mga barkada ko. Ngayon ko lang narinig na magseryoso ang mga 'to kasi puro pang-aalaska ang alam nito. "Salamat mga pre! Aylabyu!" Pabiro ko pang sagot sa mga 'to. "Labyutu pre! Pa-kiss nga," ani ng mga kaibigan ko sabay tawa. Lumipas ang oras pero hindi talaga maalis sa utak ko si Pat. Naguguluhan ako bakit gano'n ang naging reaksyon n'ya sa aking mga sinambit na salita. Agad akong lumabas ng school at inantay ko na si Pat kung saan kami lagi nag-aantayan kapag uwian na, doon sa harap ng tindahan ni Aling Nena. Mag-aalas syete na nang nakalabas si Pat sa school. Sinabayan ko siya sa paglalakad. Hindi ganito 'yung nakasanayan namin na pag-uwi dahil mas tahimik ito. Walang lumalabas na salita sa aming bibig, tila ay nagpapakiramdaman lang kung sino ang unang susubok na bumasag sa katahimikan. Ilang minuto rin na ganito. Walang imik. Ngunit nilakasan ko ang loob ko. "A-ah Pat, sorry!" Pagbasag ko sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. "Naguguluhan na ako pero hindi ko alam kung anong dahilan nang pag-iyak mo kanina," dagdag ko pa rito. "Hindi mo talaga alam, Dos?" Tanong nito sa akin na blanko ang mukha. "Manhid ka nga, Dos!" ani pa nito. "Hindi kita maintindihan e. Pat, gulong-gulo na ako. Pwede bang linawin mo, please?" Sagot ko sa kanya na medyo naiiinis na. "Gusto kita, Dos! Hindi pa ba halata? Lagi tayong magkasabay umuwi. Sa tingin mo ba anong ibig sabihin no'n?" Galit na sambit nito. Natigilan ako bigla. Hindi ko alam kung binibiro n'ya lang ba ako o ano. Magulo pa rin ang lahat para sa akin. Hindi pa nagsi-sink in sa akin ang mga sinasabi n'ya. "P-pero... sino 'yung kasama mong lalaki na kumakain ng ice cream nung nakaraan?" Tanong ko dito na litong-lito. "Baliw ka ba? Si Jason 'yon, my gay friend. Transferee lang siya," sagot nito. "Bakla 'yon?!" Gulat kong tugon kay Pat. "Oo, bakit ha? Nakita mo pala kami nung nakaraan hindi mo pa ako nilingon!" Masungit na tugon nito. "So, gusto mo ba ako o hindi?" Tanong pa nito sa akin. Doon lang pumasok sa isip ko na gusto ako ni Pat. Hindi ako mapakali. Sobrang saya ko. "A-ah, Oo. Mahal na nga kita, Pat!" Natataranta kong sagot. "Mahal ah, hindi ako easy to get, Dos. Hindi ako katulad ng iba mong mga nakilala," masungit na tugon nito sa akin. "Ligawan mo muna ako, duh!" sabay irap nito sa akin at patuloy ang lakad. "Oy, sandali! Pwede ba kita ligawan?" Tanong ko kay Pat na walang halong kaba sa dibdib. "A-ah, let me think muna," pakipot nitong sagot. "Tara na. Ililibre mo ako ng ice cream dahil pinaiyak mo ako," dagdag pa nito sabay hila sa aking braso. Hindi na ako naka-imik noong panahon na 'yon. Nakangiti nalang ako hanggang makaabot kami sa convenience store. Naglakad kami habang kumakain ng ice cream. Andaming niyang kwento pero hindi ko na matandaan ang mga 'to. Ang alam ko lang ay gusto rin ako ng babaeng gusto ko. Hindi ko namalayan na nakaabot na kami sa harap ng bahay nila. Si Pat ay papasok na sa gate nila nang maalala kong may isinulat pala ako para sa kan'ya. "Dos, dito na ako. Salamat sa paghatid!" Pagpapaalam nito sa akin. "Ay wait, Pat. Ito pala," sabay abot ng yellow paper na matagal kong pinag-isipan ang mga salitang ilalagay. December 5, 2016 Dis oras na naman ng gabi Diksyonaryo ang aking katabi Ako nga pala'y gagawa ng tula Nagtitingin-tingin ng mga babagay na salita. Panahon na para idaan sa tugmaan ito Para ihayag ang nararamdaman ko A-singko ng disyembre talagang sakto Para aminin na sa iyo'y may gusto. Sabi nila na nakakabaliw daw ang pagiging matalino. Pero bakit ako? Hindi naman matalino pero bakit nababaliw ako - sayo. Nakakabaliw ka na, Putangina ka. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD