10

1403 Words
Chapter 10 “Ano pa silbi ng department na ito kung iisang article hindi niyo matake down!” nanggagalaiti na sambit ng matandang Yeraz. Hindi alam ng mga empleyado ang gagawin para sabay sagutin ang call at burahin ang article kung nasaan nakalagay ang pangalan ng dalawang young miss ng mga Yeraz. Naging headline kasi ang balitang nag aagawan ang dalawang youngmiss sa tagapag mana ng Hue family at ang nagyari na kidnapping na ang first young miss ang nasa likod ‘non. Na confirmed pa ang issue pagkatapos ipasara ni Ruoxie ang isang private hospital para kaya Xierro and ilang days lang sakay ng private helicopter sapilitan sinama ni Leticia si Xierro at nagtapon ito ng halos isang milyon, public. “Dad, can you calm down?” puno ng concern na sambit ng babae. Hinawakan ang braso ng ama at inaya ito pabalik sa table. Umupo ang matanda, kinuha ni Ruoxie ang baso ng kape na tinimpla ng assistant at inabot iyon sa ama. “Paano ako kakalma? Kayo magkapatid ang laman ng newspaper and hindi na nawawalan ng reporter sa labas ng company,” naiinis na sambit ng matanda. Wala na siya mukha maipakita sa board member ng company at alam niya lahat pinagtatawanan sila. “Wala na ginawa tama si Leticia! Simula ng dumating siya wala na siya ginawa kung hindi magbigay ng problema. Kung alam ko lang gagawin niya ito at sisirain ang kasal mo hindi ko na siya tinanggap ulit sa mansion at nag act na hindi kilala,” madilim ang mukha na sambit ng matanda dahil sa sobrang pagod, pagkapahiya at dissapointment. “Dad mabait si Xierro almost a perfect guy na mahihiling ng lahat ng babae, natural na gustuhin siya ni Leticia. Lumaki siya province at mag isa, walang pamilya na nag aasikaso. Gusto niya lang ng atensyon huwag kayo masyado maging harsh sa kanya ni mom,” mababa ang boses na sambit ni Ruoxie. Mas lalo sumakit ulo ng matanda dahil muli pinanggol ni Ruoxie ang kapatid. “Ang bait talaga ni miss Ruoxie noh? Sinira ng kapatid niya iyong wedding na piniprepare nila ng ilang taon pero hindi ‘man lang siya nagalit?” bulong ng isa sa mga staff. Bahagya siya siniko ng mahina ng kasama at bahagya tumango. “Hindi nga ako makapaniwala biological sister sila ni miss Leticia. Miss Ruoxie literally an angel,” dagdag pa ng babae. Wala sa kanila hindi gusto ang young miss na si Ruoxie Yeraz, bukod kasi napaka generous nito as a boss wala ito pakialam sa status. Nakikisalamuha ito sa kanila at madalas pinagtatanggol sila sa galit ng CEO. “Kahit sana half lang ng sensible ni Ruoxie nakuha ni Leticia wala sana problema,” ani ng matanda na puno ng disappointment ang boses. Sa hospital kalaunan halos maglupasay ang madam ng mga Yeraz dahil noong magising ito nalaman na wala na ang baby niya. Na confirmed na lalaki ito kaya mas lalo nagwala ang madam at nanlumo, nagmakaawa sa asawa na bigyan ng hustisya pagkawala ng anak nila. “Huwag na huwag niyo na pababalikin ang batang iyon dito dahil papatayin ko siya kapag nakita ko siya!” Mahina na ang konstitusyon ng madam dahil sa edad nito, sinabi na din ng doctor dahil doon kailangan ng madam mag ingat pero hindi nito napigilan emosyon, sinisi kay Leticia lahat. Tumunog ang phone ni Ruoxie kaya agad niya kinuha iyon. Nabasa niya ang name ni Caden Ruvic, Ruoxie's first love and Xierro's bestfriend. “Si Ruvic na naman ba iyan? Ilang beses ko na sinabi sa iyo Ruoxie tigilan mo na pakikipag usap sa lalaki na iyan?” ani ng matandang Yeraz. Nasa labas sila ngayon ng hospital room at hinihintay lumabas ang doctor na nagsicheck ng lagay ng madam. “Dad hindi ko na siya masayado kinakausap. Tumatawag lang siya para humingi ng update tungkol sa paghahanap natin kay Xierro at Leticia,” pagsisinungaling ni Ruoxie na ngayon hawak ng mahigpit ang phone. “Good dahil hindi siya maganda sa image at career mo,” ani ng matanda ngayon inaayos ang suot na kurbata. Binaba ng babae ang tingin at tumango, hindi ngayon mabasa expression ng babae. Maya maya umalis ang matanda para sagutin ang call, naglakad naman si Ruoxie patungo sa emergency exit at sinara ang pinto. Agad niya dinial ang number ni Caden at medyo naiinis na nagsalita. “Nagset ako ng time ano oras ka pwede tumawag hindi ba? Are you out of your mind?” may diin at gigil na sambit ng babae. Nakarinig siya ng mga boses sa kabilang linya bago nagsalita si Caden. “Kasi importante tinawag ko, may lead na ako nasaan ang future husband of yours,” ani ni Caden. Napaayos ng tayo si Ruoxie at tinanong nasaan ang lalaki. “Nababaliw na si Leticia, Ruoxie. Pinakasalan niya si Xierro at dinala sa isla,” ani ni Caden sa kabilang linya. Napahawak ng mahigpit si Ruoxie sa phone. “What!” sigaw ni Ruoxie. Sumigaw si Ruoxie ng imposible, hindi magpapakasal si Xierro. “Imposible kaya nga sapilitan niya pinapirma si Xierro. Nagbayad ako ng tao para makuha ang cctv record and nakita ko kinakaladkad siya ng mga tauhan ni Leticia,” sagot ni Caden. Sumigaw si Ruoxie at binato sa sahig ang phone, sa isang iglap nasira lahat ng plano niya. Sinira lahat iyon ni Leticia. “Papatayin kita Leticia, papatayin kita.” Pulang pula mata ni Ruoxie sa galit malayo ang expression at personality nito ngayon sa Ruoxie Yeraz na kilalang golden daughter sa social circle. Isa si Xierro sa stepping stone niya para sa perfect life na gusto niya, gwapo, magandng lalaki, mahaba pasensya, mayaman at may magandang background. Hindi siya naniniwala makakahanap pa siya ng isa pang lalaki tulad ni Xierro sa buhay na iyon na ginawa para lang sa kanya. “Ano gagawin ko? Hindi pwede lumabas sa media ang about sa kasal ni Xierro at Leticia. Kailangan ko makuha si Xierro at ipa annulled ang kasal bago pa lumabas iyon sa public,” bulong ni Ruoxie na ngayon kagat kagat ang kuko, habit niya ito kapag nagpapanic na hindi ginagawa sa harap ng ibang tao. Pinilit ni Ruoxie pakalmahin ang sarili, umayos ng tayo at pumikit ng madiin. “Mahal ako ni Xierro sigurado napilitan lang din siya magpakasal. Kahit ano mangyari kailangan ko makuha si Xierro,” bulong ni Ruoxie na may malamig na boses at malamig na tingin. — “Bakit mo naman natanong iyan?” flat na tanong ni Xierro kay Leticia. Nasa bedroom ni Xierro si Leticia, nakatayo ang babae malapit sa pintuan at diretso nakatingin kay Xierro. “Sabi ng doctor hindi gawa ng ibang tao ang injury mo. Sinaksak mo ba sarili mo?” iritable na sambit ni Leticia, napataas ng kilay ang lalaki at nagcross arm. “Naniniwala ka sa quack na iyon? Bakit ko sasaktam sarili ko? Takot ako sa sakit!” naasar na sambit ni Xierro at umirap, bumulong pa ito na nadamay na siya napagbintangan pa siya. “Sinong tao nasa matinong pag iisip saktan ang sarili sa ganoon na sitwasyon,” ani pa ni Xierro. Wala sa mukhang lalaki na nagsisinungaling ito. Knowingly kasabay din ni Leticia lumaki si Xierro alam niya walang self harm tendency si Xierro. Galing sa healthy family si Xierro at masayang pamilya, spoiled din si Xierro sa older brother nito kaht pa sabihin si sila magkapatid by blood. 15 years old pa lang si Xierro nakatakda ng tiga pamana ng mga Hue si Xiero. Wala din si Leticia maisip dahilan para gawin ni Xierro iyon kaya hind na niua pinush pa. Nagpaalam na si Leticia na babalik sa bedroom niya. Pinihit ni Leticia ang door knob at maya maya napatigil dahil may naalala siya. Tiningnan ni Leticia si Xierro. “Bukas darating dito ang kinakapatid ko. Kapag naligaw siya sa building na ito agad ka tumawag ng security para pauwiin siya. Huwag ka makipagtalo sa kanya lalo kung maliit lang na bagay,” ani ni Leticia. Napataas ng kilay si Xierro. “Wala ako plan lumabas ng building na ito at hindi ako ganoon kapetty. Huwag mo ako igaya sa iyo.” Kasasabi lang ni Xierro iyon ngunit wala pa isang araw nasa harap na siya ng kinakapatid ni Leticia, tinatawag lahat ng santo para bigyan siya ng mas mahabang pasensya para hindi niya masapak ang lalaking apat na taon ang bata sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD