Chapter 09
Natawa ako at bahagya bumangon, nang aasar tinitigan si Xierro at bahagya inalis ang bakas ng dugo sa gilid ng labi ko. Hindi ko inind1a ang sugat mula doon.
“You pervert woman, how dare you to kiss me. Are you a dog! You keep licking and biting me na parang walang bukas,” inis na sambit ni Xierro at dinilaan ang labi niya, napangiwi at tiningnan ako ng masama. He's so damn sexy doing that.
“Make your mouth clean before you calling me a dog. Akala ko mamatay na ako sa paghalik sa iyo. Sa bibig meron ka himala buhay ka pa like your mouth is practically poisonous and your breath stink from talking nonsense,” gigil na sambit ko, how dare he calling me a dog. Being sexy and ungrateful are different things, wala ako balak itolerate.
“Miss,” tawag ng assistant ko matapos niya kumatok at buksan ang pintuan. Tumingin siya sa akin ng makahulugan at tiningnan si Xierro na nasa tabi ko.
“Gusto ka daw makausap ng doctor,” imporma sa akin ng assistant ko. Sapat na ang pera na iyon para mabuhay siya ng ilang taon ng walang trabaho. Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto, sinara ng assistant ko ang pintuan at sinundan niya ako na naglalakad paalis.
“Humirit pa ba ng dagdag sweldo ang doctor na iyon? Gusto niya na ba mamatay?” inis na tanong ko. Pakunswelo sa sapilitan pagdala ko sa doctor na iyon sa building dinagdagan ko ng 60 thousand usapan namin na bayad sa pagbabantay kay Xierro.
“I dont dare,” sagot ng doctor at nanlalaki ang mata nagtaas ng kamay. Natatakot na sinabing hindi siya humihingi ng dagdag na bayad. Sobra sobra na ang higit na 5 million para sa isang buwan na pag aalaga ng doctor na ito sa young master.
“Bago ako umalis nararamdaman ko dapat may malaman kayo o dapat may sabihin ako dahil trabaho ko iyon,” ani ng doctor at nag aalala na tiningnan ako. Nagcross arm ako at tinaasan siya ng kilay.
“Huwag mo sabihin may malala pa na sakit si Xierro at wala ka sinasabi,” ani ko na may malamig na boses. Hindi ako basta nagtatapon ng 5 million.
Aaminin ko magaling ang doctor na ito that's why isinama ko siya para bantayan si Xierro. Maganda at pino ang pagkakatahi nito sa sugat ni Xierro, hindi din nagrereact masyado si Xierro kapag ito ang naglilinis ng sugat niya isa din yun sa reason bakit 5 million binigay ko pero kapag nalaman ko may tinatago pa ito at nanganganib pa din buhay ni Xierro all this time wala sa plan ko palabasin pa dito siya ng buhay.
“Thats not what i meant, katulad sinabi ko perfectly healthy si young master,” ani ng doctor hanggang sa may kinuha siya brown envelop, binuksan iyon at may inabot sa akin na mga litrato.
Litrato iyon ng injury ni Xierro bago tahiin. Sinabi ng doctor na noong nasa hospital sila sinabi ng family ng pasyente na nakuha ni Xierro iyon sa ibang tao.
“Naaksidente si young master kaya nakuha ang ganoong sugat. Naisip ko na inaabuso mo ang young master kaya—”
Napahawak ako ng mahigpit sa litrato at nanlilisik ang mga mata tiningnan ang doctor. Balak niya ba gamitin mga litrato na ito para isumbong ako sa mga pulis. Nanlaki ang mata ng doctor at bahagya napaatras.
“Kahit halungkatin niyo pa mga gamit ko ngayon wala na ako copy,” ani ng doctor at sinabi na ang concern niya lang is iyong injury ni Xierro hindi galing sa ibang tao.
“Ayoko sa lahat tinatraydor ako at nagsisinungaling sa akin. Kunin niyo ang mga gamit ng doctor na ito, simula ngayon magistay siya sa mansion na ito at magiging private doctor siya ng mga Yeraz,” iritable na sambit ko. Nanlaki mata ng doctor, lumuhod at nagmakaawa na pakawalan siya.
“Ikaw nagdala nito sa sarili mo. Masyado ka makalkula,” malamig na sambit ko at tumalikod, naglakad paalis ng lobby.
“Miss Yeraz!” sigaw ng doctor na ngayon nagpapasag habang hawak ng mga tauhan ko.
“Kapag sinubukan niya tumakas huwag kayo magdadalawa isip barilin siya,” flat ang boses na order ko bago tinahak ang daan patungo sa kabilang building.
“Tingin mo totoo sinabi ng doctor? Bakit sasaktan ni young master sarili niya?” tanong ng assitant ko. Kung capable si Xierro gawin iyon sa sarili niya dapat mag alala ako, ilang uri lang alam ko na tao capable saktan sarili nila. Una doon is the one na mas pipiliin saktan ang sarili kaysa ibang tap, pangalawa is iyong tao na malakas ang will makasurvive, gagawin lahat makaligtas and ang pinakalast at delikado… Mga taong walang awa, walang puso ikiclaimed, tatapakan at sasaktan ang mga tao para makuha gusto nila.
“Kailangan ko malaman ano nangyari sa hotel building noong araw na iyon,” bulong ko. Wala ako time imbestigahan nangyari, naturally wala na ako pake dahil patay na lahat ng tao na involved doon pero ngayon na involved si Xierro need ko malaman ano tunay na nangyari, saan nakuha ni Xierro ang injury niya.
Pilit ng private team ko na irecover ang cctv noong araw na aksidende. Nakakapagtaka na ni isa sa mga cctv ng araw na iyon wala nakakuha sino ang mga dumating para iligtas ako at paano si Xierro nakalabas ng building.
Noong una naisip ko posibleng mga Vitale nasa likod ‘non at pinashutdown buong building bago ginawa ang atake pero paanong nagawa namin marecover ibang records except sa record kung dumating iyong grupong nagligtas sa amin ng assitant ko at tumulong kay Xierro tumakas.
Nasa loob kami ng control room ng assitant ko kasama ang ibang miyembro ng security, pinanonood bawat clip ng footage.
“Nakakuha ba kayo ng sample ng substance na tinurok sa akin ng miyembro ng vitale para makatulog?” tanong ko sa assitant ko at nakapamulsahan na tumayo. Hinawakan ko ang sandalan ng swivel chair na inuupuan ko at nilingon assitant ko.
“Wala kami nakita injection o nadetect na kakaibang substance sa inumin mo miss. Nakakapagtaka na walang kahit ano kami nakita doon,” ani ng assitant ko. Sa footage may tinurok sakin iyong walang hiyang boy toy na nabili ko sa club. Kung hindi sila same ng vibes ni Xierro wala ako plan ikeep siya ng matagal sa tabi ko.
Masyado ako naging reckless at kampante, kung may natatago ganoon na substance ang vitale kailangan ko mag ingat.
Tiningnan ko ang likod ng palad ko na nakapatong sa sandalan ng sofa. Kailangan ko mag ingat dahil wala na ako plano bumaik sa impiyerno na iyon.
Pagkagaling ko sa control room pumasok ako sa clinic sa loob ng facility. Inisa isa ko hubarin lahat ng damit ko, sa speaker sa loob ng white room narinig ko nagsalita ang assitant ko.
“Miss gawin mo lahat para makatulog ka. Matatagalan ako icheck vitals mo,” paalala ng assitant ko. Hindi ako umimik at humiga sa malamig na metal table.
“Batayan niyo maigi si Xierro. Mananagot kayo sa akin kapag nakalabas siya ng building,” pagbabanta ko at paunti unti pumikit. Hindi ko pinansin mahinang pagbulong ng assitant ko sa microphone gaano ako kalove sick.
Love sick huh, ano ang love anyway? Pumasok sa isip ko mga salita palagi binibitawan ng parents ko tuwing sinusubukan nila console si Ruoxie at sa mga event na dinadaluhan namin how they are proud of her.
Ayoko ng pagmamahal kung ganito lang din sila lahat kasakit. Ang puting kwarto binalot ng tunog ng makina na kinaaayawan ko talaga, tuwing nakakarinig ako ng tunog ng heart monitor bumabalik sa akin lahat ng ala ala na pilit ko kinakalimutan, paanong dapat iyong pamilya ko at poprotektahan ako sila pa ang nagbukas ng pinto ng impiyerno na kinahulugan ko.
Parang kahapon lang nakatingin ako sa batang ako na hahabol sa kotse papalayo kung nasaan ang parents ko at si Ruoxie. Paanong iyong puting van kinuha ang batang ako at sapilitan pinasok sa sasakyan.
Napahawak ako ng mahigpit sa metal bed at pumikit ng madiin. Maya maya narinig ko sa speaker ang assistant ko.
“Miss if hindi mo kaya bukas na natin ito gawin,” pag aalo ng assitant ko. Tunog lang ng mga machine sa loob ng kwarto na ito torture sa akin pero wala ako choice. Kailangan ko ito para mabuhay, para makasurvive…
“Baranov you really are something, kanina sinabi ko ayoko pumasok dito sa white room todo pilit ka ngayon nakahiga na ako sasabihin mo pwede natin ito bukas gawin,” ani ko na may pagkairita sa boses. Sinabi ng assitant ko na hindi namin pwede hinsi gawin ito pero its not mean hindi pwede sa ibang araw.
“What's the difference? Pipilitin mo pa din ako ipasok sa machine na ito,” inis na sagot ko at pinikit ulit mata ko.
“Kung kailan ka okay miss if hindi ka okay ngayon pwede natin gawin bukas kung kailan okay ka na. Hindi mo kailangan pilitin sarili mo dahil may bukas pa o sunod na araw,” ani ng assistant ko. Hindi ko na nagawa pa makapagsalita o umimik sa sinabi niya dahil napakafamiliar ng line na iyon.
Sinabi niya din iyon sa akin noong mga bata pa kami. Iyong time na sa loob ng laboratory sa edad na 15 years old pinalaki niya ako.
“Natakot ako akala ko pagkagising ko nasa loob na naman ako ng impiyerno na iyon,” bulong ko. Maya maya nagsalita ulit ako at bahagya binuksan mata ko.
“Baranov if mangyari ulit iyon at wala na chance survival para sa atin please kill me first. Ayoko na bumalik sa impiyerno na iyon,” bulong ko. Narinig ko mula a speaker ang pagbigat ng hininga ng assitant ko. Ayoko na makita ulit sarili ko sa loob ng capsule, madaming nakakabit ng apparatus at madami nakatusok na karayom.
“Matulog ka na miss,” mababa ang boses na sambit ng assistant ko.
“I'll take it as yes,” bulong ko at maya maya naramdam ko gumalaw ang metal bed. Hindi ko na pinansin tunog ng machine at lamig ng ac, wala ibang laman isip ko kung hindi matapos iyon.