Hindi mawala ang ngiti ko sa labi hanggang sa makarating ako sa karenderya. Paulit-ulit ko kasi naririnig ang boses ni Arvin habang sinasabi niyang mahal niya ako. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi siya ang unang beses na nagtapat sa akin, pero siya lang ang nagpatibok ng puso ko. Siya lang ang nagpabaliw sa akin ng ganito. “Mukhang good mood ka, Eloisa, ah?” puna ni Aling Marites sa akin. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya at pinagpatuloy ang paghahalo sa niluluto kong adobong manok. Sumasabog na sa buong kusina ang mabangong amoy niyon. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Aling Marites at pinagmamasdan ako. Masyado akong nawili kakaisip kay Arvin. “Si Sir Arvin ba ‘yan?” Bigla akong natigilan nang marinig ko na binanggit niya si Arvin. “P-Po?” tensyonado kong tanong. Paano niya

