Arvin: I’ll wait for you. Pinigilan kong ngumiti nang mabasa ko ang text ni Arvin. Alas onse na ng tanghali at katatapos ko lang magluto. Sabi ni Arvin ay magdala raw ako ng tanghalian sa kanya at doon na lang din daw ako kumain sa opisina niya. Kaya naman inihanda ko na agad ang dadalhin kong pagkain at nagpaalam na kay Aling Marites. Nagtanong pa sa akin si Aling Marites kung saan daw ako pupunta, pero nagdahilan lang ako na uuwe muna. Hindi na ako nag-reply pa sa kanya dahil papunta na naman ako. Paglabas ko ng karenderya ay sakto namang nagpupuntahan ang mga construction workers na nagtatrabaho sa site na ginagawa ni Arvin. Ngumiti lamang ako sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad. Tama lang din dahil walang makakakita sa akin sa habang nasa site ako. Ilang sandali lang ang nilakad

