Eloisa’s Point of View Kinabukasan ay masakit ang buong katawan ko nang magising ako. Pumipintig-pintig din ang ugat sa akin ulo dahil sa puyat kakaisip kay Danilo. Ano kaya ang ginagawa niya roon kagabi? Sana naman ay hindi niya ako isumbong kay Lolo. Bumuntonghininga ako at tinigil ang pag-iisip kay Danilo. Kakausapin ko na lamang siya bukas para mapakiusapan. Hindi pwedeng malaman ng kanyang Lolo at Lola ang tungkol sa relasyon niya kay Arvin. Sigurado akong magagalit ang mga ito. Halos tatlong oras lamang ang itinulog ko dahil hating-gabi na ako dumating. Tapos alas kwatro pa lang base sa cellphone ko. Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari sa amin ni Arvin. Hanggang ngayon ay para pa rin akong nananaginip. Masaya ako na si Arvin ang unang lalaki sa buhay ko, at sisiguraduh

