Chapter 11

1698 Words

“’La! Tao po!” tawag ni Danilo mula sa labas ng bahay nila Eloisa. Kumatok muna siya bago niya binuksan ang gate. Dahil magkababata sila ni Eloisa ay halos pamilya na rin ang tinuring sa kanya ng dalawang matanda. Wala silang ibang pinagkakatiwalaan sa kanilang apo kundi sa kanya lamang. Nakita ni Danilo si Lola Bening sa sala at nakatanaw na sa may pwesto niya. “Magandang gabi po, ‘La!” bati ni Danilo at nagmano sa matanda. “Napadaan ka, Danilo?” Ngumiti nang malapad si Danilo at nagtingin-tingin sa kusina. “Si Eloisa po?” Lalong kumulubot ang noo ni Bening. “Kanina pa umalis. Sabi may salo-salo raw sila ng mga dati niyang kaklase sa kabilang barangay.” Tinitigan ni Bening si Danilo. “Bakit nga pala hindi ka kasama?” “Ho?” Natigilan si Danilo. Wala siyang maalala na mayroong silang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD