Chapter 10 – R18

1213 Words

Matapos ang ginawa namin ay para akong lantang gulay. Pakiramdam ko ay na ubos lahat ng enerhiya ko sa katawan. Nakahiga lang ako sa kama ni Arvin habang nakaunan siya sa aking dibdib. Oo! Nakayakap ako sa kanya ngayon at ganoon din siya sa akin. Pakiramdam ko ay ako pinaka swerteng babae ngayon. Wala pa rin kaming mga saplot at tanging ang puting kumot lamang ni Arvin ang nakatabing sa mga katawan namin. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya habang sinusuklay ko ang kanyang buhok gamit ang mga daliri ko. Tumikhim ako. “Arvin,” tawag ko sa kanya. “Hmm?” ungol lamang niya at mas nagsumiksik sa aking katawan. “May gusto sana akong itanong.” “Ano ‘yon?” Nakagat ko ang aking labi. Gusto kong malaman mula sa kanya ang katotohanan. Kung ano ba talaga ang kanyang nararamdaman sa akin. Na i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD