Halos hindi ko makahinga nang bigla akong siniil ng halik ni Arvin. Nanlalaki lang ang mga mata ko habang tinititigan siya sa mga mata. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkasabik habang hinahalikan ako. Naramdaman kong kinuha niya ang plato ko at inilapag iyon sa lamesa habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin. Pagkatapos ay hinili niya ako papaupo sa kanyang kandungan. Gusto ko sana siyang itulak ngunit parang mayroong sariling isip ang aking katawan at pumulupot pa ang mga braso ko sa kanyang batok. Gusto ko lang naman sana siyang kausapin tungkol sa kanyang tunay na nararamdaman, ngunit pakiwari ko ay ibang usapan ang mangyayari sa aming dalawa. Sandali lamang ay tumigil sa paghalik sa akin si Arvin. Bahagya na akong nakaramdam ng pagkailang dahil ramdam na ramdam ko ang ma

