Chapter 4

1737 Words
Unknown: Yes! She replied! This is Arvin. How are you, Eloisa? “OMG!” Napabalikwas ako ng upo nang mabasa ko ang pangalan ni Arvin. Ilang ulit ko pa iyong binasa para lang masiguro na hindi ako nagkakamali sa pangalang nababasa ko. “Si Arvin?” hindi makapaniwalang sabi ko. Nanginginig ang mga kamay na tumipa ako agad ng reply sa kanya. Hindi ako makapaniwala! Paanong naging si Arvin ang nagti-text sa akin? Replied: Arvin? Yung Engineer? Muli akong humiga. Pilit kong kinalma ang puso ko dahil ang bilis na ng pagpintig niyon. Hindi muna ako dapat umasa dahil hindi naman ako sigurado kung si Arvin talaga ito. Noong muling tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong tiningnan. Unknown: Yes! Halos ingudngod ko na ang mukha ko sa unan dahil sa pagpipigil na tumili. Si Arvin nga! Oh my God! Hindi ako makapaniwala! Buong maghapon ko siyang inisip dahil hindi ko siya nakita, tapos heto siya at nagti-text na sa akin! Oh my God! Ang puso ko! Marahas akong tumikhim at pigil ang ngiti na nag-reply sa kanya. Replied: Seryoso? Paano mo nakuha ang number ko? Unknown: Secret. Can I be your friend? Seryoso ba siya? Hindi lang friend ang gusto ko! Replied: Syempre naman! Unknown: Nice! Hindi ka pa ba matutulog? Replied: Hindi pa. “Kahit magdamag tayo mag-usap, Arvin. Hindi ako aantukin,” mahinang sabi ko sabay hikab. Iniling-iling ko ang ulo ko para magising ako ng kaunti. Ayokong matulog! Unknown: Are you sure? It’s late. Baka nakakaistorbo na ako? “Of course not!” maarteng sabi ko. Bahagya akong natawa dahil pati ako ay napa-English na. Muli sana ako magtitipa ng reply sa kanya, ngunit napakunot ang noo ko noong hindi iyon mag-send. Umupo pa ako para maghanap ng signal ngunit ganoon pa rin. Ano’ng nangyayari? Nakakainis! Noong sinubukan kong i-check ang balance ko ay napaikot na lamang ang mga mata ko. Sorry, you don’t have enough balance. Bakit ngayon pa ako nawalan ng load?! Unknown: Still there? Unknown: Okay… I guess you are asleep. Goodnight, Eloisa. See you tomorrow.  Nanlaki ang mga mata ko noong mabasa ko ang huling text ni Arvin. Ibig sabihin uuwe na siya bukas?! Yiee! Muli akong humiga ng may ngiti sa labi ko. Okay lang kahit hindi ko siya makausap ng matagal. Masaya na akong makakatulog dahil alam kong magkikita kaming muli bukas. Goodnight, Arvin! Kinabukasan, maaga akong nagising para pumasok sa aking trabaho. Pakiramdam ko ay punong puno ng enerhiya ang buo kong katawan. Bakit hindi? Magkikita kami ni Arvin ngayon! Ibig kong sabihin ay makikita ko siyang muli. Sobrang saya ko, lahat ng lungkot ko kahapon ay nawala dahil makikita ko siya ulit. “Aba, mukhang masaya ang Ate ko ah?” puna ni Marisol sa akin. Sandali ko siyang nilingon at nakita kong patingin-tingin pala siya sa akin habang nagtatadtad ng mga sangkap. Kumunot ang noo ko. “Bakit? Kailan ba ako lumungkot?” Nginitian ko siya nang malapad. Sandali siyang tumigil at nag-isip. “Kapag andito si Kuya Danilo?” Natawa ako. “Hindi ah!” aniko at muling tinuon ang pansin sa aking niluluto. Hindi ko na lamang siya pinansin. Lagi naman akong masaya ah? Napagdesisyonan kong magluto ngayon ng dinuguan kahit na wala iyon sa menu. Sigurado naman akong hindi magrereklamo si Aling Marites dahil sasarapan ko naman. Syempre, para rin ito kay Arvin. Napangiti ako lalo nang maalala ko siya. Kung pwede lang hugutin ko ang oras para magtanghali na ay gagawin ko. Ilang sandali lang ay natapos na akong magluto. Pasimple akong pumunta sa banyo para mag-ayos ng sarili ko. Matapos kong maghilamos at patuyuin ang mukha ko gamit ang manipis kong panyo, nagpahid ako ng polbo at nagpahid ng pulang lipstick. Hindi ko palaging ginagawa ito, pero dahil makikita ko ulit si Arvin, kailangan kong maghanda. Iniisip ko pa lang siya ay bumibilis na ang pagtibok ng puso ko! Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng banyo. Dumeretso ako sa pwesto ko palagi at doon naghintay. “Hi, Omma,” bati ni Ericka kay Aling Marites. Bahagya akong napangiti dahil ginaya niya ang mga Koreano sa pagtawag niya kay Aling Marites. Sumimangot si Aling Marites. “H’wag mo nga akong ma-omma omma riyan! Halika na nga rito at mag-asikaso ka na rin!” singhal ni Aling Marites sa kanyang anak. Awtomatikong napasimangot si Ericka at sumunod na lamang dito. Hindi na talaga bago sa kanila ang ganitong senaryo. “Ano ‘yan?” Napatingin ako sa gilid ko nang may narinig akong nagsalita. Pagtingin ko ay katabi ko na si Danilo. “Ano?” nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya. Ngumusi siya. “Ayan oh. Para kang na subsob sa atsuate eh! Pulang pula ah!” natatawa nitong sabi. Inirapan ko agad siya. Ang ganda-ganda na ng umaga ko tapos bubwesetin na naman niya. “Pake mo ba?” na iinis na sabi ko. “Doon ka na nga! Aasarin mo na naman ako eh!” Saktong pagkasabi ko no’n ay may nagdatingan na mga costumer. Ilang sandali lamang ay nakita ko na ang hinihintay ko. Mabilis akong tumayo habang hindi inaalis ang mga tingin ko kay Arvin. Grabe, isang araw ko lang siya hindi nakita ay sobra ko na siyang na miss. Gwapo pa rin siya, pero bakit parang pumayat agad ang tingin ko sa kanya? Bubusugin ko ‘to sa pagmamahal! “Ay, Oppa!” magiliw na bati ni Ericka sa mga bagong dating. Partikular kay Arvin. Patakbo pa itong lumapit at kay Arvin at kumapit sa braso nito. Iginiya niya ito papalapit kay Aling Marites. “Ano’ng gusto mong ulam?” “Ahh…” Tiningnan ni Arvin ang mga ulam na nasa kanyang harapan. Sandali pa itong tumigil nang makita nito ang dinuguan. “Kahit ano,” anito at tumingin sa akin. “Alam ko naman na kapag luto ni Eloisa ay lahat masasarap.” Ngumiti ito ng ubod nang tamis sa akin. Halos lumundag na ang puso ko at pumalakpak ang mga tenga dahil sa sinabi niya. Nag-iwas ako ng tingin dahil naramdaman ko na namang nag-init ang mga pisngi ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Arvin pero likod na ni Danilo ang nakita ko. “Ano’ng order mong ulam?” masungit na tanong ni Danilo. Napasimangot ako kaagad nang marinig ko ang tono ng pananalita ni Danilo. “Lahat ng luto ni Eloisa,” nakangiting sagot ni Arvin. “Hindi pwede, isa lang dapat.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Danilo. Ano na naman ang trip nito?! “Kuya!” angal ni Ericka. “But I want to taste it all,” mariing tugon ni Arvin. Hindi nawawala ang mga ngiti niya pero seryoso ang mga matang nakatitig kay Danilo. “Tigil-tigilan mo nga ako sa kaka-ingles mo. Wala ka sa Amerika ha?” OMG! Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Pasimple kong kinurot ang likod niya. “Ahh!” angal ni Danilo at tiningnan ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin at hinila sa likod ko. “Wait lang po, Sir. Ihanda po namin ang order niyo,” pinilit kong ngumiti kay Arvin. Pagkatapos ay hinila ko naman si Danilo papasok sa kusina. “Ano bang problema mo? Bakit mo sinusungitan ang customer natin?” singhal ko sa kanya at pinagkrus ang dalawang braso ko. “Eh ikaw? Bakit kung makangisi ka riyan halos mapunit na ang pisngi mo?” balik-tanong nito sa akin. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman sinasadya na mahalata ang mga ngiti ko kanina. Sobrang saya ko lang dahil nakita ko na ulit si Arvin. “Ano naman sa ‘yo? Tsaka, dito ka na nga lang! Epal ka lagi eh!” aniko. Inirapan ko muna siya bago nagmartsa palabas ng kusina. Kahit kailan talaga ‘to si Danilo epal sa buhay. Hindi ko alam kung bakit ang init lagi ng mga dugo sa mga lalaki. Siguro, bakla ‘to at nahihiya lang magsabi sa akin. Sa tuwing may nakikilala kasi ako, lalo na mga lalaki ay sinusungitan niya agad. Hindi na lang niya sabihin sa akin. Eh hindi ko naman siya huhusgahan. Pagkabalik ko sa labas ay nakaupo na si Arvin. Tumulong na ako kay Ericka sa pagsi-serve sa mga ito ng ulam. “Thank you, Eloisa,” nakangiting sabi ni Arvin nang naglalagay ako ng mga ulam sa lamesa nila. Halos mahigit ko ang paghinga ko nang makita ko ang mga ngiti niya. Tensyonado akong gumanti ng ngiti sa kanya. “Walang anuman po, sana magustuhan niyo,” nahihiya kong sabi. Matapos naming i-serve ang lahat ng ulam ay muli akong na upo sa pwesto ko. Tanaw na tanaw ko si Arvin na masayang kumakain at nakikipag-kwentuhan sa mga kasamahan niya. Paminsan-minsan din ay sumulyap ito sa akin kaya naman ay hindi ako makapag-focus sa pinapanood kong drama. Ilang sandali lang din ay lumabas si Danilo mula sa Kusina. Tatawagin ko sana ngunit hindi manlang ito lumingon sa akin at nagdere-deretso palabas ng karenderya. Drama talaga no’n Makalipas ang ilang sandali ay natapos nang kumain sila Arvin. Kumaway pa ito sa akin bago lumabas ng karenderya. Pakiramdam ko ay ang haba-haba na ng buhok ko dahil napapansin niya ako. Buong-buo na ang araw ko ngayon dahil muli ko siyang nakita. Hindi pa nagtatagal na umalis sila Arvin ay tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko roon ay nakita kong nagtext siya sa akin. Arvin: Hi, Eloisa. Thank you for the food. As usual, masarap! Napangiti ako nang mabasa ko ang text niya. Syempre, sinarapan ko talaga ang luto ko ngayon. Normal na na masarap ang mga luto ko, pero mas hinigitan ko pa. Replied: Salamat at nagustuhan mo. Arvin: Ano’ng oras ka matatapos sa trabaho mo? “Ha?” Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang reply niya. Hapon pa ako matatapos kasi magluluto pa ako ng mga ulam para sa hapon naman. Replied: Mga 3 pa ata. Bakit? Arvin: I just want to treat you. A movie? Literal na nasapo ko ang bibig ko noong mabasa ko ang reply niya. Ide-date niya ako?! “Yiee!” Replied: Sige. Wait lang ha? Magluto na ako. Arvin: Okay. See you later! Nakangiting tumayo na ako at naglakad papapasok sa kusina. Hindi na ako makapaghintay na makita si Arvin!   © 05 – 31    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD